Ang init ng panahon naka nang… parang gusto kong maligo sa dagat na may white sand. Namimiss ko na ang Bora ilang taon na rin ako ndi nakakapunta sa Bora simula ng mag-ibang bayan me. Sarap uminom ng maraming maraming tubig na may maraming yelo. Ghe its summer na asust… Ang lagkit na ng pawis ko ewwhh.. Heto ako nakatunganga naman sa harapan ng kaibigang oso ko este PC ko. Bisyo na ato tong pagbloblog sa cyberspace. Parang ndi kompleto ang araw ko pag ndi ko nakaka-update ng aking blog asust. Bisyo na to’ na mahirap iwanan o kalimutan man lang. Sa mga panahon na ito masasabi kong ito ang aking malapit na Kabagang na handing makinig at umintindi sa aking mga hinaing sa buhay.. charing! Lalim ndi ko maarok..
Eniways haywayz, may gusto pala me ishare sa inyo nitong mga nakaraang mga araw, may mga pinagmamasdan ako sa aking paligid, sa aming munting pamayanan. Ilang araw na rin me nagmumuni-muni habang sila ay aking tinitingnan muntik muntikan na nga me maduleng etchos ndi naman. Sila pala ang mga bata sa makabagong henerasyon. Ika nga nila NEXT LEVEL na. asust. Ibang iba na nga ang mga bata ngayon kung ikukumpara sa panahon namin. Ndi naman sa ako ay may katandaan na asust ulet.. bentesingko pa lang ako no. Mabalik tau sa aking tema. Ang tawag ko nga sa kanila eh Mga Batang Semilya. Sobrang dami kasi nila at nadadagdagan pa cge parami lan kahit wala ng makaen. Samantalang ung panahon naming eh iilan lang kami sa kalsada na iyon, kulang nalang eh magpalitan kami ng mukha dahil kami-kami rin ang nagkikita araw-araw. Pero tong mga Batang Semilya na ito grabe to the maxxx, Bhaket kamo? Kung magmura eh ang lulutong parang chicharon baboy. Kung murahin ang isa’t isa eh parang wala lang, nakakagulat talaga mga repap. Tanong mu ilang taon lang ung nagmura? 3 years old lang ata pero kompleto ang mga letra ng mura..”PUTANG INA MO” at may pahabol pa? GAGOOOOOO!!! Ashhteeg diba. Siguro nga wala ng panahon ang mga magulang nitong mga batang semilya ito dahil busy mode sa kakatong—its. Kawawang bata!! Sa tingin ko kasalanan talaga ito ng mga magulang nila. Mahalaga pa sa kanila ang mga barahang hawak nila asust.. Kay agaagang mawala ng mga pagkainosente nila. Nakakagulat talaga ang mga lumalabas sa kanilang mga bunganga, makikita mong namumulaklak na ang mga ito sa mga pabalbal na mura at mga salita. Ito pa ang mga susunod na henerasyon? Kawawa naman ang magiging anak ko? Tsk..tsk..tsk..Sa kabilang banda kahit papaano naman eh meron din me nasilayang mga batang inosente, sila ung mga batang kargakarga ng kanilang mga nanay sa kanto…. Kasi bagong panganak!!! Asust.. Sa aking pananaw nasa magulang ang responsibilidad at pangalawa ang kanyang pamayanan diba gets mo ba? Ako medyo hindi. Pasensya na mahirap mag explain asust.
Paano na ang bayan nating Philippines kung sila ang susunod na henerasyon. Siguro masayang magulo ewan Ipagpray nalan natin… asust…
hanggang sa muli,
Filed under: balisawsaw at walang magawa, buhay kanto, palipas oras | 4 Comments »
You must be logged in to post a comment.