An Open Letter for my beloved Sister:
Alam ko simula pa sa simula ay mabigat na ang ating loob sa isa’t isa. Dahil na rin siguro hindi mo ako matanggap, alam ko na malayo ang ating agwat, Sampung taong ang ating pagitan. Simula pagkabata ko ay naramdaman ko na ang iyong kalupitan, pero may nagawa ba ako? di ba wala? Naalala mo pa ba noong mga panahong kinukulong mo ako sa banyo? sa kwarto? na sa hanggang sa ngayon eh hindi ko alam ang dahilan? Baket Ate? Ano ba ang kasalanan ko? Kasalanan ko bang ilabas ako ni Nanay sa mundong ito? Hindi mo ba ako tanggap?
Alam ko marami rin akong nagawang kasalanan sayo pero lahat ng iyon ay hindi ko sinasadya. Kasalanang hindi ko naman akalain na makakasakit sa iyo. Pero alam ko na pinagsisihan ko ng lahat lahat iyon. Aminado akong isa akong PASAWAY sa buhay mo, alam ko kahit hindi mo sabihin sa akin ako ang black sheep ng pamilya. Hindi mo na kailanagan sabihin dahil ito ay ramdam na ramdam ko na. Pero wala pa rin akong karapatang manumbat o kung ano pa man dahil alam ko na wala akong maipagmamalaki sa inyo. Wala akong trabaho, ikaw meron. Umaasa lan ako sa ating mga magulang. Alam ko labis na ang mga kamalian ko sa iyo. Hindi na kaya ng isang sorry. Naaalala ko pa nga noong huling nagsabi ako sayo ng sorry ang sabi mo sa akin, SORRY? SORRY? hindi mo naman isinasagawa! Masakit para sa akin iyon pero wala na akong alam na dapat gawin kundi ang huminge ng patawad.
Madalas pa tayong mag away kaysa sa mga masasayang alalala. Sa totoo lang nalulungkot ako. Ayaw ko ng ganong sitwasyon. Alam mo rin ilang araw na tayong hindi nagkikibuan o nagpapansinan dahil sobrang sama ng loob ko sayo at isinasarili ko na lamang at ayaw ko na rin makipagtalo sa iyo dahil alam ko wala naman akong panalo o iuubra sa iyo. DAHIL WALA AKONG IPAGMAMALAKI SA IYO. May mga kasalanan akong nagawa pero kailangan bang ipagsigawan pa sa ibang tao? Ang isang pagkakamali ko? Sirang sira na ako, Para akong isang kandila na nauubos sa tuwing tinitingnan mo. Pero may narinig kaba sa akin ngayon? Hindi na ako tulad ng dati na laging lumalaban sa iyo o nakikipagbulyawan sa iyo. AYOKO KO NA! NAGSASAWA NA AKO sa ganong diskarte. Mas minabubuti ko na lamang na ako’y manahimik sa aking kwarto.
Parang akong isang bilanggo. Na lahat nalang ng gawin ay may nakatingin. Hinihintay na ako’y magkamali o madapa. Alam kong maraming beses na kita nilinlang pero lubos ko ng inagsisihan ang mga iyon. Madalas akong magselos sayo dahil sa tingin ko lahat sayo ay naibigay ng ating mga magulan. Ako wala. Ayoko ko ng isipin iyon dahil ang alam ko ay masama iyon.
Pinagsisisihan ko ng lahat ate. Alam kong mahirap ng mabalik ang lahat pero gagawin ko ang lahat para maibalik ang dati at mabago ko ang pagtingin mo sa akin. Konting panahon lamang ang hinihinge ko. PATAWAD ate. Sana kahit konte eh intindihin nyo rin ako dahil hindi ko rin naman guto ang mga nangyayari sa aking buhay ngayon. Pinipilit kong maging maayos ang aking buhay.
Mahal na Mahal kita ate.
Filed under: Emo mode, yugto ng buhay | 4 Comments »
You must be logged in to post a comment.