Anu ba ang MELAMINE?

China milk poisoning incidents make everyone afraid to look at the daily news report. Everyday, the reports are changing. No one can clearly tell us what to eat and not to eat.

1.What really is poisoned milk

It is the milk powder mixed with “MELAMINE”

What is Melamine use for It is an industrial chemical
used in the production of melawares.

It is also used in home decorations.
” US resistant board”

Do you understand?Melamine is use in industrial production,it cannot be eaten

2.Why is Melamine added in milk powder

The most important nutrient in milk is protein. And Melamine has the same protein that contains “NITROGEN”

Adding Melamine in milk reduces milk content and it is cheaper than milk so it lowers capitalization.
It can give the business man more profit!

below is Melamine doesn’t it look like milk
it doesn’t have any smell, so cannot be detected

3.When was it discovered

Year 2007 US cats and dogs died suddenly, they found that pet food from China contains Melamine.

Starting 2008, In China , an abnormal increase
in infant cases of kidney stones.

August 2008 China Sanlu Milk Powder tested
with Melamine

Sept. 2008 New Zealand gov’t ask China to check this problem
Sept. 21, 2008 Lots of food products in Taiwan tested with Melamine

4.What happens when Melamine is digested

Melamine remains inside the kidney. It forms into stones
blocking the tubes. Pain will be eminent and person cannot urinate. Kidney will then swell.

Although surgery can remove the stones, but it will cause irreversible kidney damage.  It can lead to loss of kidney function and will require
kidney dialysis or lead to death because of uremia.

What is dialysis In fact, it should be called “blood washing”
it is filtering all of the body’s blood into the machine and then go back to the body.

The whole process takes 4 hours and it is necessary to dialysis once for every 3 days for the rest of your life。

Here is a dialysis center

Large dialysis center

A small hole is required in the arm to insert the
sub-dialysis catheter.

Why is it more serious in babies Because the kidney is very small and they drink a lot of milk powder.

Here is a baby undergoing dialysis.

China currenty has 13,000 infants hospitalized

It does not matter how much a human being took
Melamine. The important point is “It cannot be EATEN!”

5.What are the foods to be avoided?

Foods that contain dairy products should be avoided.

Remember: Foods with creamer or milk should
be avoided.

6.Which companies are affected

Hereunder are the companies affected with Melamine.

7.What do we do next

Avoid the above foods for at least six months

If you have snack bar, restaurant or coffee shops
Stop selling dairy products for the meantime.

If you have infants at home, change to mother’s milk
or find other substitutes.

Finally, share this information with friends so
they will understand the risk of milk poisoning
Note: ito po ay nakuha ko lang sa email ng aking fudrak. i hope may natutunan kau sa entry kong ito.  bwahahahahaha 🙂

Advertisements

lambingan 101

isang gabi wala akong magawa kaya pinagtripan ko ang dalawang batang-batang love team, ang eksena sa isang inuman sa kanto. bwahahaha 🙂

buhay saudi.

Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa Saudi  ka akala nila madami ka ng pera ng langis. Ang totoo, madami
kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card Kasi naubus na ang cash pinadala sa pinas,
kase pag hindi ka nagpadala, iisipin nila nakalimutan mo na sila.

Akala nila mayaman ka at marami kang pera kasi buwan-buwan libo-libo padala mo walang palya at kapag pumalya iisipin nila baka nagbisyo ka na o may sinusustentuhang iba. Hindi nila alam food allowance na lang ang natitira sayo at pag kinulang pa umuutang pa at lista muna sa malapit na bakala.

Pag may okasyon sa pinas birthday, fiesta, anniversary, pasko, new year, at iba pa, padala ka agad panghanda sarap ng kainan nila, di nila alam ikaw tiyaga sa budget meal, kapsa, noodles o de lata at itlog na nakakabutlig na ng balat, hay naku!

Akala ni Tatay, Nanay, Ate, Kuya, anak, mga pamangkin at iba pa namumulot ka ng pera sa Saudi kada may problema text kaagad, kumusta sa una sa bandang huli kelangan ng ng pera! Hay naku…nakaka-alergic na ang text sa roaming puro gastos…minsan padala ka pa ng load! Load mo nga utang pa Pana! Hay naku bakit ba nauso pa yan dagdag gastos lang talaga at pag di ka pa reply aawayin ka pa!

Akala nila masarap maging OFW at tinatawag na bagong bayani….naku mas masarap pa yong nasa pinas na sa katas ni bagong bayani ay syang umaani! Utang sa Saudi lalong dumarami.

Akala nila masarap sa Saudi di nila alam di ka na nga makauwi kasi roundtrip tiket kina-cash pa mapadala lang at ibayad sa utang.
Akala nila sosyal ka na kulay ng buhok mo uso pa at naka-highlight pa, di nila alam buhok mo namumuti na sa stress at problema at pag minalas pa nalalagas pa!

Akala nila masarap sa Saudi kasi pag-uwi mo mestiso ka, maputi at mamula-mula ang balat mo, di nila alam babad ka sa opisina at kulong sa bahay mo dahil no choice ka, mga kapit bahay mo di mo kaano-ano, walang paki-alaman at kung lalabas ka sunog ang balat mo, init ng araw sobra!

Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Di nila alam hulugan pa ito!

Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa saudi
maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa winter na kasama ang asawa mong naka abaya at nakatarha.. O kaya naman tiyaga kang mag –abang ng Saptco o Coaster na ubod ng babaho ng mga pasahero at pagbaba mo amoy putok ka na rin, grabe!  Walang jeepney, tricycle o padyak sa saudi .. madami mga pakistani, Bangladesh na driver na ubod ng baho. Pag minalas ka arabo na taxi driver na rapist pa!

Akala nila masarap ang buhay dito sa saudi . Ang totoo, puro ka trabaho kase pag di ka nagtrabaho,terminated ka gagawan ka ng kwento ng kapwa mo pilipino!. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kase baka mamotawa ka pag kasama mo ang syota mo pero madami pading matatalinong matsing ang nakakalusot nagpapagawa ng fake na papel para kunwari kasal, ah letse mga imoral!!

Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Redsand, hidden valley, faisaliah mall, riyadh zoo, corniche, obhur at iba
pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase minsan minsan ka lang makakapicture bawal kasi basta basta kumuha ng picture dito makukulong ka.

Akala nila malaki na ang kinikita mo kase riyal na sweldo mo. Ang totoo, medyo malaki pagpinalit mo ng peso, pero
riyal din ang gastos mo sa saudi.  Ibig sabihin ang riyal mong kinita sa presyong riyal mo din gagastusin.
Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas SAR3.00 sa Saudi , ang isang pakete ng sigarilyo sa pilipinas P40.00, sa
Saudi SAR 6.50, alangan namang puro cafeteria food ang kakainin mo aba mamatay ka sa highblood o heap nyan kasi nga umaapaw na sa mantika madumi pa! Mga kadiri , kaya lang pag naubusan ka ng pera no choice you have to take the risk .

Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo.nag pa-lypo kay calayan at nagparetoke kay vicky belo, Ang totoo nag loan ka lang sa saab,samba o Riyadh bank  na huhulugan mo ng limang taon. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo at ng luho mo at ng bansang ito !!kasi nga magloan ba naman dahil sa luho bwahahaha!

Madaming naghahangad na makarating sa Saudi. Lalo na mga nurses at mga medsec at eto pa pati cleaners, mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun
din sa ibang bansa katulad lalo na kaya sa Saudi wala kang outlet ng stress mo !kasi madaming bawal!!! .
Hindi ibig sabihin riyal na ang
sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa.

Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang
pinagsilangan at malungkot iwanan ang
mga mahal mo sa buhay.Hindi pinupulot
ang pera dito o pinipitas o iniigib. Hindi ako
naninira ng pangarap, gusto ko lang
buksan ang bintana ng katotohanan.

Mahirap mangibang bayan…sino ba ang may kasalanan na iwan sariling bayan?
Manilbihan sa dayuhan at malayo sa pamilya ay may kahirapan.
Hangga’t may pinay DH na nangingibang bayan na simbolo ng ating kahirapan, kawawang bayan ni Juan patuloy na mapag-iiwanan.
Kaya Juan iwan ka ng pera para sayo, para sa kinabukasan mo!

Credits: MAENG NI.

walang kadaladala.

bakit ba kung minsan eh hindi na tau natuto o madala sa mga pangyayaring alam naman natin na sa bandang huli eh talaga namang magsisi ka? kahit na alam natin na marami tayong mga tao na higit na maaapektuhan na kadalasan eh minamasama natin. ewan ko ba kasi eto naman ako hindi na natuto sa mga pangyayaring alam ko sa huli eh ako ang talo at talagang talo. hindi ko man lang man isinaalang alang ang magiging epekto nito sa akin. totoo talagang naging matigas naman ang aking mukha at ulo dahil nilihis ko naman ang aking landas sa hindi na dapat at eto ako ngayon muling nadapa at ngayon eh hindi ko alam kong papaano ang bumangon dahil sa aking pakiramdam sa pagkakataong ito eh iba na ang eksena. para bang ndi ko na alam kung anu ang mangyayari.

kelan ba ako madadala?

ang responsibilidad ko at ikaw.

usapang pampulitaka muna tau, parang gusto ko lang naman na bigyan pansin ang ating bayan dahil sa aking paningin eh masyado ng winalang hiya ng ating mga minamahal na mga nakaupo sa ating pamahalaan. masyado ng karapalang ang mga nangyayari sa mga panahong ito at sa totoo lang tayong mga liit at walang sapat na kapangyarihan na para supilin ang mga karumaldumal na ginagawa ng ating mga hinaal na opisyal noong nakaraan halalan. eh teka sa totoo lang hindi ko sila binoto at kaya masama ang aking loob. mga punyeta talaga. ikaw tatanungin ko binoto mo ba sila? at kung uu nagsisi kaba? or nagsisi ka dahil bakit sila ang binoto mo? or ang tanging reaksyon mo lang eh ok lan! Paki ko sa kanila ? Ma at Pa ika nga ng mga tambay. Malay ko at Pakialam ko sa kanila. ikaw rin ba ang mga nsa hanay na Bahala na sila dyan? Malalaki na sila? pwes ito lang naman ang masasabi ko dyan at sa totoo lang kasapi ako sa mga ganyang reaksyon baket? ito pa eh bakit mo naman sila proproblemahin eh marami na akong problema at iniisip para pagkaabalahan ko pa ang mga letcheng yan. diba yung naman ang mga kalimitang sagot ng mga makabagong kabataan oppsss teka hindi ko po nilalahat sinasabi ko lang eh ung mga nakakasalamuha sa sa kanto, ito yung mga kabataang tinatawag na “Happy Go Lucky! or mga walang pakiaalam sa kanyang kapaligiran dahil ito ung mga taong marami ng suliranin sa buhay at dinadaan nalang sa mga Happy Happy Moments.” sa kabilang banda naman eh meron at marami rami din namang mga makabagong kabataang na lubos ang pagpapahalaga sa kanyang bayan at tipong handa na ibuwis ang buhay, malatipong bayani ba? pero ok lang yan at bilib ako sa mga taong tulad nila dahil akalain nyo eh talagang may effort sila at pinag-aaksayahan nila ng panahon ang mga hakbang na ito. ito pa ang taong ko sa inyo? kaya nyo ba gawin ang ginagawa nila or naisip nyo ba na gawin kahit na sa pangarap lang ang mga ginagawa nila? well as expected at ang reaksyon ko dyan eh? Malaking hindi at anu ba naman hello? syempre ang iniisip nyo rin eh ang kapakanan nyo muna. ryt? kasi sa mga oras na ito eh mejo ganyan din ang aking masasagot dahil ang pakiramdam ko eh useless lang naman diba at isang tinatawag na “WASTE OF TIME!”

pero sa tingin ko lang ulit ah, mali un eh? at kung tutuusin eh meron at may responsibilidad tau na dapat gawin sa ating bayan?! at  naaalala nyo pa ang gasgas na sinabi ni Gat. Jose Rizal? ito babanggitin ko lulet kong nakalimutan nyo na ”  ANG KABATAAN ANG PAG ASA NG ATING BAYAN.!” diba nga eh nagpakamatay pa ang kuya mo para lang na makamtan ang inaasam na nating tagumpay? pero anu ang ginagawa natin ngayon? wala? tama naman diba? hinahayaan nalang nating na lumubog sa putikan ang mga salitang ito? at sininasantabi natin ang ating responsibilidad para kay mother bayan? bakit ba tila nakaligtaan na natin? eh kasi naman masyadong busy na taung lahat sa mga kung ano anong ginagawa at siguro ung iba sa atin eh nagsawa nalan dahil nawalan na rin ng pasensya at tiwala dahil sa makailang beses na rin sa mga kasablayang mga nangyayari. tama at hindi dapat na sisihin kayo or TAYO sa mga reaksyon na tulad na yan. eh kasi ako sa totoo lang kung maaalala ko eh ang sinabi sa akin ng aking teacher nung highschool eh masyado raw ako agrisibo at nakikita nya sa akin ang ugaling magiging rebelde sa ating bayan? tanong ko naman sa kanya eh? “Miss eh kasi naman po masyadong pulpul na ang mga nasa pamahalaan natin at walang inatupag kundi ang kanilang mga sariling interest. wika nya naman eh? ikaw ang kailangan ng ating bayan at hindi ako magtataka kung ikaw ay magiging isang magaling na Abogado o isang magaling na Economista, bakit sa totoo lang naman ulet eh isa sa mga paborito kong subject eh ang araling panlipunan at ang ekonomics, kasi naman dito eh dito eh nalalabas ko ang aking mga opinyun at nashashare ko sa kanila ang aking mga mithiin at saloobin. tama ang sabi pa nga sa akin ng mga kaklase ko eh magiging isang pulitiko ako, yes of course pinangarap ko yan. pero tila nagbago ang lahat nuong tumungtong ako sa kolehiyo bakit naging abala ako sa aking kurso at hindi ko sininod ang sinabi nila ang aking sinunod eh ang aking gusto at ang pinakalove ko. anyways mabalik tau sa topic ko.

nuong mga panahong iyon eh galit na galit ako dahil nga ang nanalo bilang pangulo eh si Erap. eh naman ito naman ako at cge short lang to at alam ko narinig nyo na to sa tv, sa dyaryo, sa radyo at sa inuman sa kanto. si erap? anu anu alam nyan? ang hirap pa nyan eh nanalolo sya dahil sa kanyang kasikatan sa mga masang walang alam at awang awa ako sa kanila. pero infairness naman sa kanya eh nakita ko rin naman ang effort nya para magampanan ang kanyang responsibilidad na binigay sa kanya ng karamihan nating mga Filipino at babanggitin ko na rin na isa don ang aking Fudrak na baliw na baliw sa kanya at tila iniidolo nya. maalala ko lang ulet na ilang beses kaming nagtalo sa usaping iyan at hindi magkasundo pero syempre ang inyong lingkod eh medyo sipsip eh bigla ko nalan siya sinangayunan at iniiwasang ipaalam ang tunay kong saloobin bakit? eh kasi naman sya ang nagpapaaaral sa akin at bumuhay sa akin sa mundong ito. okay ito na kasi naman alam ko nung mga panahong iyong eh karamihan sa ating mga kabataan eh ang ating sinuportahan eh si Roco. tama ba?kasi sa kanya nating naramdaman at nakita ang kanyang sensiridad at aminin natin o hindi eh naramdaman natin sya ang karapatdapat na maging pinuno dahil alam nya ang mga saloobin ng mga kabataan nuong mga panahong iyon. pero anu ang nangyari wala at namatay nalang sya na walang saysay dahil sa mga pangyayaring yung iba sa atin eh binaliwala sya?

eto na sino ba naman ang hindi makakalimot sa People Power 2? o ung tinaguriang EDSA 2? diba tayong mga kabataan ang mga isa sa mga nanguna dun? at ito masasabi ko talagang kasama ako sa hindi makakalimutang eksanang iyon dahil andun mismo ako at nasaksihan ko ang tunay na diwa at ang mga karamihang minimithi. ok sa eksenang iyon eh nagwagi tayong lahat. at medyo nahimasmasan in short nagising tayo sa katotohanan at tumayo tayong lahat para isagawa ang ating mga karapatan at resposibilidad na ibinigay sa atin. diba talagang enjoy un?! totoo naman eh at eto na kahit ako eh pinagmamalaki ko pa na mas magiging ok na lahat dahil kay Gloria, dahil sa aking pagkakaalam eh sya ang sagot sa mga katanungan at inaasahang mag aahon sa atin para sa isang masagang bukas? letche sa totoo lang at aaminin ko na rin sa iyo nung una eh talagang maka-Gloria ako at naiinis ako at talagang nakikipagbedatihan pa ako para lang sa kanya dahil nga bilib ako sa kanya. matalino, magaling. letche ndi ko alam na ang ending sya rin ang magiging mitsa ng ating kahirapan. totoo naman eh. kaya ngayon eh nag iisip isip na ako dahil wala rin palang kwenta ang sobrang talino dahil ang ending tayo pa rin ang kawawa. mas lalo naman ung mga taong walang alam or ung parati nating bukang bibig na BOBO. kaya ngayon ang tanong ko eh Sino ang karapatdapat? may ishare akong kwento tungkol dyan dahil ako mismo eh nagkaroon ng eksanang debate tungkol sa isyung iyan. ito lang naman eh nangyari nuong nsa gitnang silangan pa ako at nagkatuwaan kaming uminom ng aking mga kasama sa trabaho. ito ung eksena.

bakit daw hindi mawalawala ang korapsyon o ang pangungurakot sa aking pamahalaan? eto ang sagot ko dyan at hanggang ngayon eh ito parin ang aking posisyon. ito ang pinakasimpleng masasabi ko dyan. “Aminin na natin sa ating mga sarili na kahit na sinong Poncho Pilato ang ilagay nyo dyan sa posisyon na yan, o palagay na natin isang Santo pa sya eh gagawa at gawa yan. at hindi natin ito mapipigilan. bakit? naku naman simple nasayo na ang kapangyarihan at pera ndi mo ba iisipin ang sarili mo at magpapakabayano ka pa? hoy gago kalokohan yan!” ito pa ang sabi ko sa kanila ” San ba nagsimula ang korapsyon na iyan? simple ulit ang sagot ko dyan, sabi ko nagsimula ang lahat sa Tahanan? nino? Tahanang nating lahat. ok ito ang explanation ko dyan. halimbawa (pero sa tingin ko nangyayari ito sa ating lahat.)

eksena sa bahay:

Magulang: Anak mag-aral kang mabuti para tumaas ang iyong marka. At pagnakakuha ka ng mataas na Marka eh bibilhan kita ng PSP Slim edtion.
Anak: Talaga po?
Magulang: hindi lang yan anak tataasan ko pa ang baon mo, dahil dadagdagan ko ang perang baon mo.

gets nyo? eh sa tagpong ito palang eh may nangyayari ng suhulan at san pa ang ending yan edi korapsyon. simple diba. kahit na siguro kendi lang ang panuhol para lang mag aral ang kanyang anak eh tatatak na sa isipan ng bata na gagawin nya na tumaas ang kanyang marka para lang makuha ang sinabi ng kanyang magulang. dyan at ayan nakita nyo kung saan nag ugat ang lahat. sa tahanan. (nagets nyo ba?) i hope so.

kaya ndi malayo pagtanda ng mga bata eh dala dala na nila ang pag uugaling iyan at ndi malayong mangyari eh gagawin din nila yan sa kanilang sariling mga anak.
dahil dyan eh naalala ko talagang nagkainitan kaming magkakasama at sa masamang palad eh ang ending eh nagkagulo kami at nagkaroon ng isang away. suntukan ba. hay naku kasi naman po marami pa rin sa atin ang hindi nakakaintindi at ayaw umintindi at tanggapin ang katotohanan. Hindi na natin maaalis yan mga repa. totoo. ito ang isa ko pang taong sa kanila? at sa inyo na rin? Anu ang dapat nating gawin o may sulusyon ba dyan? hehehehe ito ulit ang aking sagot at uulitin ko itong opinyon na ito eh sa aking pananaw lamang.walang kinalaman ang sinuman. ito kung ikaw eh pipili ng iyong bobotohin sa halalan ito ang pinakasimpleng ideal na hahanapin nyo sa mga kandidato.”Less Evil ika ko, bakit? eh lahat naman sila eh Evil, at un ang totoo diba? bakit may “Less Pa?” eh kasi ito ung mga taong tipong kahit gumagawa ng masama eh kahit papaano eh nakakabuti sa atin. sa anung paraan? bigay lang ako ng isang halimbawa ok at ito ay halimbawa ko lamang, Si Lacson, masasabi ko isa syang taong tinutukoy ko na isang taong “Less Evil” baket? namindang ka sa sinabi ko? ito ang aking sariling dahilan kung bakit. Dahil sya alam naman nating lahat na isa sya sa mga taong sabihin na natin Masama at may mga kinalaman sa mga undergrounds activity? (teka lang ah uulitin ko example ko lang ito at base lang ito sa mga nabasa ko sa kanya at nakita ko.) bakit sya? eh kasi kahit papaano eh makokontrol niya ang mga kasama nya. diba? atleast masusupervised nya ng husto ang mga ito para kahit naman papaano eh hindi na lantaran ang mga masasamang ginagawa nila. panu ko nasabi? ito remember guys naging hepe sya ng PNP nuong panahon ni Erap at anu ang nangyari aminin natin ulit at natuwa ang karamihan sa atin na nawala ang mga kuratong sa lansangan lalo na sa ating mga kapulisan at ang mga iba ang mga crimen eh talagang nag slowdown. dahil kanino? kay Lacson. dahil nga sya mismo eh alam niya ang mga gawain ito, kaya sya na mismo ang sumupil sa mga taong sangkot sa mga gawain ito. Naintindihan nyo ba? ito lang naman eh kwentuhan lang at ang saloobin ko lan. kasi naman sa mga panahong ito eh ang kailangang ng ating bayan eh ung sinasabing KAMAY NA BAKAL, ung tipong MATIGAS ANG MUKHA. diba? ito ang ating kasagutan sa mga panahong ito. ewan ko lang kung magaagree ka sa akin pero ok lang kung hindi. hindi na natin kailangan ang tipong Matalino, Gwapo o Maganda, Maraming Alam sa mga kung ano anong theories o studies dahil ang pinag-uusapan natin dito eh ung papaano maging Hands On sya sa kanyang kapangyarihan, hindi lang dahil sa napag aralan nya ang mga lintek na yan kundi ung tipong sya mismo eh naranasan na niya. Mas lalo naman ayaw ko na sa mga Artistang Pulitiko. totoo sobrang nag iirita ako sa mga taong ito, bakit? eh kasi naman cguro tama na kung nasan na sila at sa tingin ko lang eh wala ng silang K para pumasok pa sa larangang ito. diba simple kung gusto nilang makatulong eh maraming paraan dyan, at hindi na kinakailangang makisawsaw pa sila. (tabi tabi lang ulet, hindi naman ako galit sa kanilang lahat na Artista-Pulitiko kung tawagin at hindi ko naman nilalahat, pero karamihan sa kanila.) kasi naman ginagamit nila ang kanilang kasikatan at ang karamihan sa ating mga kababayan eh nasisilaw sa kanila. cguro talaga ung ang ating pagtuunan sa ating mga pamayanan at ang pinakasimple dyan eh sa ating pamilya. dahil aminin natin karamihan pa rin sa ating mga kababayan eh kulang sa tamang pagpili ng karapatdapat. ito lang ang aking masasabi dyan at promise ginagawa ko ito, pinapaalam ko sa kanila o sa madaling salita e inieducate ko sila sa simpleng pamamaraan gamit ang mga tunay na pangyayaring nagaganap. ewan ko lang kung hindi nila maintindihan un?! pero hindi rin natin sila masisisi kung minsan eh nasasaalang alang o ginagamit ang kanilang kahinaan ng mga taong ito dahil narin sa kakulangan ng mga pangangailangan nila at dahil dyan eh nawawala na ang tunay nilang saloobin bakit kamo? ilang sa kanila eh kulang sa sapat na pera para pantustos sa kanilang pangangailangan, hindi man nila naisip na ang panandalian kaginhawaan eh isang eksena lang at totoo naman na panaginip lang ito na maituturing ang ending sila parin ang maghihirap, tayo paring lahat ang talo.

kaya ako talagang isasaalang alang ko nalang kung anu ang dapat sa mga simpleng mga alituntinin ko e kahit papaano eh masimulan ko sa aking sarili dahil buo pa rin ang ang paniniwala na hindi pa huli ang lahat para sa atin. kung aalamin lang natin ang dapat at nararapat sa isa’t isa eh sigurado akong makakamit natin unti unti ang ating mga mumunting pangarap sa buhay at sa kabilang banda eh makakabuti ito sa ating bayan. alam kong kulang ang mga salita para sa mga ito dahil suntok sa buwan ang mga ideya ko pero sabi ko nga simulan natin sa ating sarili, sa ating pamilya at manalig ng husto kay God, hindi man mangyari ito sa ating henerasyon eh makakasigurado tayong magiging sandata ito ng mga susunod na henerasyon para ipagpatuloy ang dapat. diba? tama naman.

hay naku nawili naman ako at napahaba na ata ang aking opinyon at sure ako na tatamarin na kayong basahin ito pero alam ko rin na ilan sa inyo eh naiintindihan ako sa aking mga pinagsasabi.pero ito lang konting favor ko nais ko rin sana malaman ang tunay nyong saloobin kahit na masama o hindi kayo agree sa mga ideya ko ito ay aking lubos na tatanggapin at ikakatuwa ko. promise.

asust!:)

Ang Melamine at si Fader.

Im back again, ilang araw din ako monitor mode lang sa aking blog dahil na rin siguro ndi ko magawa man lang ma-update dahil sa wala ako sa mode, o sabihin na nating medyo payod ako nitong mga nakalipas na araw at linggo. asust.aktuwali kahit monitor mode lang ako eh nababasa ko pa rin naman ang ibang entry ng aking mga kabagang at kahit papaano naman eh updated ko sa mga nangyayari sa aking kapaligiran lalo na sa mundo natin dito sa blogosphere. etchos. sa awa naman eh wala pa rin bago sa mga balita sa ating bayan ayun apektado tau ng pagbagsak ng ekonomiya ng amerika at sa iba pang panig ng mundo, at meron ding bagong kagaguhan ginawa ang ating mga kapatid na tikoy. sino ba naman ang hindi nakakaalam ng melanine scare na yan? aba kahit ako eh medyo natakot dyan kahit ung fav kong choknut eh nagdalawang isip akong kainin baka ung gatas nilang gamit eh galing sa mga tikoy na yan.hmp. buti nalang eh negative naman. pero aminin nyo lahat naman tau eh talagang nawindang sa pangyayaring ito diba? ulok! at dahil dyan eh may natanggap din akong txt msg mula sa aking BBF na tawagin nalang nating Olanditas, yung mensahe nya eh medyo sensitibo, ito share ko at basahin nyo:

DEPARTMENT OF HEALTH WARNING:
All Men are advised not to suck
Chinese Girls’ breast as their milk
may contain MELAMINE!
In short IWASAN ang
SUSO ng mga CHINITA.

haha 😛 kaya ung mga mahihilig sa mga chitita dyan eh mag-ingat muna kayo, kayo nalang muna ang magpasuso. lol! baboy! hay naku talaga namang nagawa pa ng mga loko na magkalat ng mga kagitong mensahe sa gitna ng mga pangyayaring ating hinaharap. talagang nag effort pa sila ah. Yan ang Pinoy! plangak! 🙂

hay naman life. pero kahit papaano naman eh magpasalamat naman tau dahil ndi tau pinabayaan ni LORD dahil as of now eh wala pang napabalitaang naapektuhan ng MELANINE baka bukas meron na! etchos! dahil sa mga malilibog nating mga kapatid na mahihilig sa chinita! jokes!:)

ok. sa kabilang banda naman eh may isa pa akong nais na ishare sa inyo at ito PROMISE medyo seryoso na at sigurado eh mag-iisip kayo at baka dumugo pa mga ilong nyo pati na ang mga brain cells nyo. kasi yesterday sa aking pagsimba sa megamall (UO tama narinig nyo nagsisimba ako! at hobby ko na un evry Saturday Night together with my Family!) natuwa ako at may napulot akong isang mahalagang mensahe sa sermon ni Fader. (anu ba pangalan nun? I forgot eh!) basta un. ang sabi nya kasi eh ganito may itatanung sya sa amin na isang NAPAKAHIRAP NA TANONG? syempre medyo taglish ung pagkakasabi ayun pagkatapos eh biglang nanahimik ang lahat at nakatunganga kay Fader at isa ako dun. sa loob loob ko naman eh anu kaya un?

Fader:I want to ask a very difficult question to everybody? (basta sumtin like that!)
All: Silence……(Nakatunganga ang lahat at walang masagot)
Fader: hello?????

All: HI….( may ganun! uu promise!)
Fader: sabi ko meron akong isang tanong na napakahirap na ibabahagi sa inyo?
All: tahimak ulet….

hanggang sa sinabi na ni Fader ang NAPAKAHIRAP na Tanong na sinasabi nya.

Fader: Hanggang kelan kaba mabubuhay sa mundong ito?
Aga: (bulong sa sarili) aba mahirap nga? sa isip isip ko eh hindi ko alam at si Lord lang ang nakakaalam nyan.
Fader: Anu mahirap no?

ok ganito ang explanation ni Fader at malinaw pa sa aking isipan. Walang sino man ang nakakalalam kung hanggang kelan tau sa mundong ibabaw na ito. ang mga bata, ay tatanda, ang medyo may edad at lalong tatanda, at ang mga matatanda ay haharap sa panibagong buhay. (eto pa ang explanation nya dyan dahil pangit naman daw na kung sasabihin nya na ang mga gurang eh mamamatay medyo pinaganda nya, pero totoo naman eh!) kasi daw dito sa mundong ito eh walang Forever, o sa tagalog eh lahat ng bagay eh may katapusan at isa pa ni isa sa ating lahat eh walang nakakaalam kung kelan ka yayao. Tama ulet un. pwede bukas eh ndi ka na gumising sa banig mo dahil tepok kana, pwede rin sa makalawa, sa ikatlo etc.bakit nya naman nasabi un? kasi naman tau aminin na natin at ako kasi inamin ko na rin, mahilig taung magsabi na “Bukas nlan!, Mamaya na?, Sandali lang?” at kung ano ano pang excuse. tama diba. eh kung ndi nating lahat na huli na pala ang lahat? pano? syempre ang eksena sisihan portsyon? tama diba? andyan ung cry to the maxxx at kung anu ano pa eh ano pa magagawa nating game over na? tsk tsk.. nakukuha nyo pa ung point ko? ok ito ang eksenang example ni Fader.

Eksena sa Buhay:
Ang Magulang at ang kanyang Anak: (Spotlight!) etchos.

Magulang: (Naglalambing sa kanyang anak para sya ay dalawin.) Anak dalawin mo naman ako dahil may karamdaman ako!?.. (kahit na walang karamdaman eh nagagawa minsan na sabihin ng magulang na sya ay may karamdaman sabi yan ni Fader at agree naman ako dyan!)
Anak: eh kasi po busy ako kesyo wala na po akong time.!

isa na yan. at ito pa.

Magulang: Anak pengeng pera pambili ko ng gamot?
Anak: Wala akong pera.
(balahurang anak! pagkatapos ng lahat! pero nangyayari ito.PROMISE.)

yan ang mga binigay na example ni Fader. at ito pa ang say nya, eh paano nalang kung ito na pala ang huling lambing ng iyong mga magulang? tapos bukas eh wala na sila? anu ang eksena?

Spotlight ulet!

Anak: (nagwawala sa kakaiyak at halos malaglag na ang bangkay sa kabaong!) nayyyyyyy…tayyyy patawarin nyo ako!!!!
Fader: eh anung kalokohan yan? kahit na anong iyak mo dyan eh maririnig ka pa ba nila?

tama ulet si Fader. sa puntong iyon eh medyo natamaan ako at napag-isiisip kong hanggang may magagawa pa ako sa mga oras na ito ay dapat gawin na at huwag na hintayin ang bukas baka ang ending eh huli na ang lahat. eh kasi naman sa totoo lang ugali na natin to eh, pero mali pala iyon. eh pano kung bukas dedo kana? diba sad? and ang ending sisihan nanaman? panget naman un.

ang hindi natin alam ang araw na ito ay magiging kahapon mo nalang at ang bukas ay ang katapusan mo na. gets mo? nothing in this world is FOREVER. kaya sa mga oras na ito ay gawin mo na ang dapat mong gawin at ‘wag na ipagpabukas dahil hindi natin alam kung bukas eh may hininga pa tau? Game Over kana pala. hanggang maaga pa eh pagbalik loob kana sa kanya. sabi pa ni Fader eh ganito, Hindi tau nilikha isa isa bilang pareparehas, meron maganda, at mas maganda. may mayaman at may mahirap. may namamatay ng bata at may namamatay ng matanda. bakit? dahil lahat ng iyan eh may dahilan at may nakakabit na mahalagang responsibilidad. korek?!

Conclusion:
Honestly, nagising ako sa katotohanan at natutunan kong magpahalaga at natutu rin akong magpasalamat sa kanya. 🙂

ikaw? may natutunan kaba? o naintindihan man lang sa sharing ko? kahit medyo magulo?

triskelion 40th birthday!

Binabati ko ang lahat ng aking mga kapatid at ang buong Triskelion sa buong Pilipinas at sa buong mundo sa ika- 40 taong anibersaryo at lalo na sa aking mother chapter sa San Sebastian College – Recolotos – Manila.

magkita-kita tau sa isang malaking selebrasyon ngayon Oktubre 4.

long live triskelion! long live Baste Chapter!

DUGONG BASTE, PUSONG TRISKELION