countdown.

ilang araw na lan at tatanda naman ako ng isang taon. Ewan ko lang kung may kinatandaan ba ako ahehehe, siguro naman meron naman. tatlong taon din ako nagdaos ng kaarawan sa disyerto, kung tutuusin talagang boring ang aking mga nakaraang kaarawan dun, eh ano magagawa ko andun ako para magbanat ng buto na ang ending medyo wala naman pero marami rin naman akong natutunan sa mga panahong iyon na tumatak na sa aking utak. kaya heto ngayon dito na ako sa tinubuang lupa ko magdidiwang ng aking kaarawan. ewan ko lang kung magiging makabuluhan, sa ngayon wala akong plano, as in wala. 🙂

masaya ako dahil sa tingin ko eh nakaraos na naman ako ng isang taon, malungkot dahil tatanda naman ako ng isang taon asust! wala akong maisip na matino hanggang sa mga oras na ito, ewan at ewan, blangko ang aking utak, panay hangin naman ang laman.

ayun cge to be continue nalan itong entry na to tutal next week pa ang birthday ko, next topic ko magwiwishlist ako ehehehe baka magkatotoo eh.

horoscope.

Sobrang wala naman ako magawa ngayong araw na ito kundi matulog ng matulog, eh ano pa ba ang bago dun wala, kinalukot ko muna ang facebook, mypsace, multiply at syempre ang friendster ko. ahehehe. Ayun wala pa rin pagbabago. wala lang share ko lan. Kaya pati horoscope eh napagtripan ko na rin.

Gemini (May 21 – Jun 21)

The Bottom Line

It’s a fun day, full of twists that feed your energy and help keep you smiling.

In Detail

Today, an unforeseen event could make you feel like you’re under the gun. But this dramatic change in your day will actually be quite invigorating — it will bring out your more competitive side and help you find a lot of excitement in beating the clock. This will be a fun day, full of twists and turns that pump up your energy level and help you make fast work of anything. It’s a great day for finishing up big projects — and an even better day for celebrating once you’re done!

— asust. fun day? eh tinatamad nga ako, mas gusto ko pang mahiga sa kama ko. kontrahin ba. Ok cge okay na rin siguro dahil magiging fun talaga ang pagtulog ko. Wala lang natutuwa lang ako sa mga horoscope at maalala ko noong college days eh nakikipag-unahan pa akong kumuha ng LIBRE ung libreng tabloid sa MRT at LRT para lang mabasa ang mga kwelang horoscope dun. Hay naku tayo talagang mga pinoy eh mahilig sa mga bagay na ito, nakasanayan na ba. Basta pakakatandaan lamang na wag masyadong SERYOSOHIN ang mga ito. oki. Ang saya. ahehehe cge tulog na ulet ako.

asust…..

tang ina!

Hindi ko madescribed kung ano ang nararamdaman ko ngayon araw na ito, magulo na hindi ko maramdaman kung bakit syempre hindi ko alam. Yun ang totoo. Masaya dahil kanina lang eh may konteng salo salo kami ng aking mga kapamilyang isinagawa dahil sa kaarawan ng aking butihing lola na ngayong ay kapiling na ng may kapal. Konteng salo salo na puno ng kabuluhan sa aking pakiramdam. Masaya na ang aking naramdaman noong mga oras na yon. Subalit sa hindi inaasahan ewan ko ba kung sinadya o siguro masasabi kong sumang-ayon akong masaksihan ang mga susunod na pangyayari. ganito yun esplain ko ah.

Pagkatapos ng konteng salo salo namen, naligo ako asust.., tapos wala talaga akong plano ng manuod ng laro, may paliga kasi sa aming barangay at kasali ang mga tropa ko, syempre bilang suporta eh nanuod ako, malamang sa ikalawang pagkakataon eh umiwi silang talunan, ewan ko ba kung bakit, sa tingin ko naman eh kayang-kaya nila ang kanilang kalaban, ewan basta un talo sila. Pagkatapos lang laban eh may konteng inuman na walang plano, malamang present ako dahil wala naman ako ginagawa sa bahay at naisipan nalang na makisali sa kanila. Bonding moments narin ehehehe.

Masaya ang inuman, panay tawa at asaran sa isa’t isa. Ako ewan ko ba kung bakit nakihalo ako sa kasiyahan. dahil ba sa katropa ko sila? dahil na rin sigiro sa pakikisama ko sa kanila kaya ako nandoon. Pero sa totoo lang ang sama sama ng pakiramdam ko para akong isang kandilang natutunaw sa mga eksenang nakikita ko. Pero syempre ako nagprepretend na okay lang at tawa pa ng tawa pero sa totoo lang nasasaktan ako. Kung bakit hindi ko ma explain. letche. bakit ko pinayagang may masaksihan na sa huli ako rin ang masasaktan. Akala ko ay okay na ako pero bakit may sakit pa akong nararamdaman. Tang ina! sige pakasaya lang sila hanggang gusto nila may katapusan din ang lahat.

Bakit ba ako nagpapaapekto? eh tang ina ulet! ewan. Ganun lang un parang wala lang ba? gago talaga ako umaasa pa sa wala. Tang-ina! galet ako!

Alam ko hindi mo ulet maintindihan ang gusto kong sabihin. Pero sa takdang panahon malalaman mo rin. ang tinakda ay nakatakda! akala ko naka move on na ako sa ganitong sitwasyon, pero bakit  may sakit pa rin akong nararamdaman. Hanggang kailan? hinayaan ko na nga siyang mag let go? pero bakit may nararamdaman pa rin ako? Ayoko ko na kasi dahil lubos na ang sakit na idinulot sa akin. Pero bakit ganun may nararamdaman pa ako sa kanya? UU tungkol ito sa usapang puso kaibigan, pasensya na dahil ganito ako magmahal todo-todo at eto nagkamali naman ako. Gago, gago at gago talaga ako!

Sa totoo lang walang sense ito kung tutuusin pero bakit may epekto sa akin? kahit ako lasing nararamdaman ko ang sakit……..

tang ina nila!

pink sisters.

Oh well, Kamusta naman ka naman kaibigan blogy? Musta na buhay buhay natin? Sana naman ay nasa mabuti ka pa rin kalagayan. Mukhang busy mode tayo ngayon ah? gulong ba sa mga iba’t ibang kwento ng buhay at kung anu-anong kaetchosan sa mundong ito. Anyways, ako naman ay okay as of now, I’ am getting fine na, Naoovercome ko na kung ano man ang mga nangyari sa akin this past few weeks. Medyo nakakahinga na ako at nakakakilos na me ng normal. Meron kasi me natuklasang bagong diskarte how to handle that such situation. whatever.Nosebleed..asust. Well ako pa fighter ako at lumalaban sa lahat ng pagsubok sa buhay. Ako pa papayag ba ako ng ganun ganon na lan? hindi siguro!

Masasabi ko na RENEWED na ako, nakamoved on at nasa panibagong chapter na ako ng aking buhay. hehehe. Pasensya na ulit sa mga kadramahan ko ah noong mga nakaraang araw. Balik tayo sa topic ko, Baket ko ba nasabing RENEWED na ako? eh kasi kahapon Sunday, oo kahapon Linggo nagsimba ako, at hindi lang basta simba itinakda ko na rin kahapon ang aking panibagong buhay bilang isang mas malakas, at mas palaban asust. Lecthe para bang telenovela hehehe epekto na to sa kapapanood ng mga nya. Back to the topic again, ako kasi ung taong hindi palasimba o whatever, kahit na simula kinder hanggang sa kolehiyo eh sa Catholic School ako eh hindi ko nakahiligang magsimba. Ang Sama ko talaga! well hindi naman ganong kasama slight lang. Pero hindi naman ako nakakalimot na magdasal at magpasalamat sa kanya tungkol sa mga nangyari maganda man o masama. asust.

Ayon kahapon nga nagising pa ako ng 5am para lang maghanda sa aking pagbabalik sa kanya, nasabi ko ba kung san ako nagsimba? ehehehe pasensya, dun me sa Tagaytay nagsimba dun sa PINK SISTERS ang gaganda talaga ng mga Madre dun mukhang mga anghel sa langit oh walang halong malisya yan. At ang mga boses nila parang hindi pwedeng magalit o sumigaw man lang. ang lamig lamig ng mga tinig nila para bang mga huni ng mga ibon. Dun ko muli natagpuan ang katahikan at kapayapaan ng aking buhay. Ang sarap ng pakiramdam. Kahit na medyo masungit ang panahon kahapon dahil na rin kay Bagyong Cosme eh hindi naging hadlang sa akin para hindi matuloy. Ang itinakda at tinakda. asust.

Baka naman akalain mo eh, ako lang ang nagpunta dun mag isa? eh hindi naman. Kasama ko ang aking ate, mga tito, at tita at mga pinsan. Family bonding na rin pagkatapos. Picture taking, nagbreakfast at nag ikot ikot sa tagaytay. Well its been interesting day with them. Masasabi kong moments talaga. Aktuwali dapat kagabi ko pa ito ipost kaya lang sobrang inantok na ako at pagod na rin kaya ngayon nalan.


ang taal, at ang mga pasaway!

the renewed.

at upload ko rin kahit isang picture kahapon. OO medyo chaka. ahehehe. Hay sarap ng aking pakiramdam kahit papaano dahil tinanggap ko na siya sa aking puso at buhay. Nagbalik loob na ako sa kanya. At handa na rin ako sa panibagong chapter.. ok game na……

asust..

loser.

Well ang tagal ko bago ma-update ang aking munting blog, masyadong maraming nangyari sa akin at sa aking kapaligiran. OO binagyo naman ako at hindi lang bagyo nilindol pa ata. Grabe na tong pagsubok na ito. At sa mga panahong ito eh nakikisama pa ang panahon, nag uulan ulan pa. hmp. ang hirap intindihin kung ano bang gustong palabasin at bakit ako ginaganito. Wala naman akong hinangad sa aking buhay kundi ang isanf simple at matiwasay na buhay. un lang at wala ng iba pa. Buong linggo lang ako nagkukulong dito sa bahay, kain tulog, yosi ganon nakakasawa na talaga. Para namang may choice pa akong pagpipilian eh ito ang ginusto ko mangyari sa aking buhay.

Siguro nga totoo ang sabi nila, isa akong loner, loser. Bahala sila kung ano man ang sabihin nila dahil sa simula’t simula eh wala na akong pakialam, pero at the end of the day I’ am getting affected? why? i don’t know? May nagawa ba akong masama naman sa kanila? at heto ako ngayong pinagbabayaran ko naman? Sa totoo lang sobrang bilis ng karma dumating sa akin. Ganito ba talaga ang role ko sa life? I’ am feeling alone again. Wala na akong matakbuhan sa mga panahon ito? dahil ba sa inabuso ko sila? Ginamit sa walang kwentang bagay? malamang hindi nila ako naunawaan at uunawain dahil nawala na sila? Na sa akin ba ang pagkakamale? Punyeta! ang dami kong tanong at hindi ko masagot. Nakakasakit ng ulo, nakakabaliw na talaga.

Lahat sila nawalang parang bula. Ang sakit sakit ng pakiramdam ko sa mga nangyayari sa buhay ko. Hindi ko na tuloy alam kung sino na ang pagkakatiwalaan ko dahil natatakot na ako sa mga susunod na mangyayari dahil baka hindi ko na kayanin ang mga ito. Lubos akong nagtiwala at ayon binaliwala lang ako ang iniwan pa sa ere. Tama ma ba un? hay naku ang hirap talaga.

Alam ko medyo naguguluhan ka na sa mga pinagsasabi ko, eh miske naman ako eh gulong gulo na no’. Hindi ko nga maintindihan kung baket eh? kaw pa kaya! Pasensya na at hindi ko na kayang sarilihin ang mga dinadala ko sa aking dibdib kaya ito naglakas-lakasan naman ako ng loob para isulat dito sa blog ko. Masyado lang ako na aapektuhan. Pero alam ko lilipas din ito, ang tanong ko ulet kelan? at anung kapalet nito? asust. Nakakasawa na talaga. Gusto ko munang magpahinga dahil pagod na pagod na ako. Hahanapin ko lang muna aking sarili dahil feeling ko nawala eh.

Masyadong malalalim ba ang mga pinagsasabi ko? ewan. letcheng buhay to. Pasisiyahin ka ng konte, tapos ayon sagaran naman ang pagsubok pagtapos. hmp. Hindi ko alam kung san ako lulugar. Pero tanggap ko na naman ang mga nangyayari sa aking buhay sa mga oras na ito dahil alam ko may pinaplano naman siya para sa akin. At alam ko rin na magiging mas matapang na ako at magiging mas malakas sa mga pagkakataong ito.

Wala akong dapat asahan kahit sino. Wala at wala. Ako mag isa kaya ko to’ maniwala ka!!

stepped out…

hanggang sa ngayon ay wala akong maisip na magandang topic para sa blog ko. Medyo busy-busyhan ako sa pag-iinom kasama ang mga tropa ko sa tambayan…asust.  monitor mode muna ako ahehehehhe.

goodbyes??

May napupuna lang ako nitong ga nakalipas na mga linggo dito sa ating mundo ng mga blogista, bakit ba ang ang iba sa atin NAMAMAALAM na? at ung iba naman ay nagpapahiwatig ng isara ang kani-kanilang akawt? Abe baket aber? Dahil ba hindi na sila masaya sa mundong ito? may bago na ba? dahil ba hindi na nila kayang imaintain ang blog nila? Busy? at kung anu-ano pang churbang dahilan hindi ko rin alam. Siguro meron silang sariling dahilan kung bakit sila ay namaalam na. Sa kabilang banda eh nalulungkot ako dahil na rin siguro nabawasan na ang mga kakulitan ko dito sa mundong ito, at nabawasan na rin ang mga nababasa kong iba’t ibang istorya ng kanilang buhay. It makes me very sad talaga.

Pero kung ano mang dahilan ng kanilang paglisan sana lamang ay tama ang kanilang desisyon at sila ay masaya kung nsan man sila ngayon. Asust. Masaya na rin naman ako para sa kanila diba at sana ay magkrus ulet ang ating mga landas sa mga susunod na panahon, hihintayin ko kayo mga friendship. Naging bahagi na rin kayo ng aking buhay dito sa mundong ito. Ito na ang mondo ko ngayon at masaya ako dito dahil narin dito marami akong natututunan at nalalalaman tungkol sa iba’t ibang diskarte sa buhay. At dito ko rin kalimitan naisisiwalat ang aking mga sama ng loob, galit kung kanino, at syempre meron din namang happy moments. 🙂

Alam ko rin na lahat ng bagay dito sa mundong ito ay may KATAPUSAN o hangganan, pero sa kabila nito eh naniniwala pa rin ako sa sinasabing “SA TAKDANG PANAHON” asust. Kung ako naman ang tatanungin nyo kung kelan ko mamamaalam sa mundong ito? teka lilinawin ko lang hindi pa ako yayao o papanaw okie, what i mean is dito sa mundo ng blog MALAKING HINDING hindi ko igigive up ito. This is my life now and I’am happy. nosebleed na ako….hehehehe. Marami pa akong dapat ibahagi at isasangguni sa mundong ito. Kaya siguro matagal-tagal pa ako dito sa mundong ito. Depende lang. May ganun pa un? Pero sa mga oras na ito I’am very sure DITO lang ako hindi ko kayo iiwan…drama..etchos.

Sa kabilang banda ulet, kung meron namamaalam eh meron din namang dumadating at parami ng parami sila. Unti unti ko sila nakikilala at nakakachokaran dito sa mundo ng blog. Syempre panibagong get to know stage ahehehe. Masaya na rin ako dahil kahit papaano eh nadadagdagan ang mga friends ko dito. From the bottom of my heart walang halong kaplastikan ito I WELCOME You to the world of blog. Masaya dito. Feel at home asust.asust.asust. at para naman sa mga pumanao este namaalam eh Hangad ko ang inyong tagumpay sa mga hinaharap. bow.Salamat sa mga memories nyong naibahagi sa amin. till we meet again. 🙂

Ayan medyo ganado akong magsulat ngayon sa entry na ito ewan ko kung bakit? aktuwali medyo lango pa ako sa alak na ininom ko kanina pero eto ako buhay na buhay parin. Adik na ako. lolz inaatake naman ako ng insomia ko.ghe… teka yosi muna ako….nakakaadik talaga ang nicotin baket ba ganon? kasama na ata sa buhay ko un.mhp…ibang topic na un sa mga susunod na araw na un okie.

Back to the topic tayo, Ang payo ko lang sa mga nagbabalak na mamaalam dito eh mag isip-isip muna kayo at pagmunimunihan nyo ng mahabang oras. Isipin nyo nalang ang mga kaibigan nyong iiwan at mangungulila sa inyo. etchos. Hindi sa totoo lang maraming malulungkot. Dito nalang tayo sama sama…pwede ba un? ikaw iiwan mo rin ba ako????

asust…

childhood moments.

Ang sarap balikan ng kahapon. Kamusmusan sarap balik-balikan. Walang Kasing saya!

Sarap ng Childhood moments! Cute ba ako?? asust..

asust…..

MAYO UNO.

Isang gabing nakakatamad. Walang magawa at eto ako nakatunganga naman at nagmumuni-muni sa mga problema kong hinaharap sa mga panahong ito. Mukhang nakikisama pa ata ang panahon dahil umuulan. hay naku po lalong nakakalungkot. asust. Pero kahit papaano naman eh nakakamove on na ako. Ako pa ipinanganak ata akong isang fighter. Malakas. Matapang. Pero minsan pagpamilya ko na ang aking katunggali eh bigla na lamang akong tumitiklop. Hindi ko sila kayang kalabanin sa kadahilanang MAHAL na MAHAL ko sila. Wala na sana akong balak sumulat ngayon pero hindi ko mapigilan ang aking nararamdaman kaya heto ang ending ito may entry ako for today.

Unang araw ng buwan, Mayo Uno. Isang mahalagang petsa lalo na sa mga manggagawa, eh ano naman ako? Wala akong trabaho. Isa lamang akong palamunin ng aking mga magulang at kalimitan eh ako pa rin ang nagbibigay ng sakit ng ulo sa kanila, Aminado naman ako dahil isa akong PASAWAY! Pero hindi na rin naman magtatagal ay magkakaroon na rin ako ng trabaho sa awa ng Diyos. Malakas lang ang kapit ko sa kanya dahil alam ko hindi niya ako pinabayaan. Wala siyang sawang makinig sa akin at intindihin tulad nyo na walang sawang magbasa ng mga entry kong puros kadramahan. Pero sa totoo lang hindi ko naman ginusto ito. Wala lang akong malabasan ng mga saloobin ko. Ito na ang naging outlet ko. etchos. Malaking tulong na rin ito para sa akin dahil kahit papaano eh nailalabas ko ang sama ng loob ko, nararamdaman at kung ano pang kaek-ekan.

Sa totoo lang ulet ah, nakakapagod na ang magdrama. Ewan ko ba bakit this past few months eh medyo masalimuot ang aking hinaharap sa buhay. Siguro mabibilang ko lang ang mga HAPPY MOMENTS, pero kadalasan eh may kapalit ding ewan. LUZ Valdez ako parate. asust. Pagsubok lan ito alam ko. kaya ko to. BABANGON AKONG MULI at magtatagumpay…… wala na akong maisip eh medyo inaantok na rin ako. Matutulog muna ako para may lakas nanaman ako pagdating ng panibagong pagsubok sa aking buhay. bow. ^^ 🙂

asust…..