goodbyes??

May napupuna lang ako nitong ga nakalipas na mga linggo dito sa ating mundo ng mga blogista, bakit ba ang ang iba sa atin NAMAMAALAM na? at ung iba naman ay nagpapahiwatig ng isara ang kani-kanilang akawt? Abe baket aber? Dahil ba hindi na sila masaya sa mundong ito? may bago na ba? dahil ba hindi na nila kayang imaintain ang blog nila? Busy? at kung anu-ano pang churbang dahilan hindi ko rin alam. Siguro meron silang sariling dahilan kung bakit sila ay namaalam na. Sa kabilang banda eh nalulungkot ako dahil na rin siguro nabawasan na ang mga kakulitan ko dito sa mundong ito, at nabawasan na rin ang mga nababasa kong iba’t ibang istorya ng kanilang buhay. It makes me very sad talaga.

Pero kung ano mang dahilan ng kanilang paglisan sana lamang ay tama ang kanilang desisyon at sila ay masaya kung nsan man sila ngayon. Asust. Masaya na rin naman ako para sa kanila diba at sana ay magkrus ulet ang ating mga landas sa mga susunod na panahon, hihintayin ko kayo mga friendship. Naging bahagi na rin kayo ng aking buhay dito sa mundong ito. Ito na ang mondo ko ngayon at masaya ako dito dahil narin dito marami akong natututunan at nalalalaman tungkol sa iba’t ibang diskarte sa buhay. At dito ko rin kalimitan naisisiwalat ang aking mga sama ng loob, galit kung kanino, at syempre meron din namang happy moments.🙂

Alam ko rin na lahat ng bagay dito sa mundong ito ay may KATAPUSAN o hangganan, pero sa kabila nito eh naniniwala pa rin ako sa sinasabing “SA TAKDANG PANAHON” asust. Kung ako naman ang tatanungin nyo kung kelan ko mamamaalam sa mundong ito? teka lilinawin ko lang hindi pa ako yayao o papanaw okie, what i mean is dito sa mundo ng blog MALAKING HINDING hindi ko igigive up ito. This is my life now and I’am happy. nosebleed na ako….hehehehe. Marami pa akong dapat ibahagi at isasangguni sa mundong ito. Kaya siguro matagal-tagal pa ako dito sa mundong ito. Depende lang. May ganun pa un? Pero sa mga oras na ito I’am very sure DITO lang ako hindi ko kayo iiwan…drama..etchos.

Sa kabilang banda ulet, kung meron namamaalam eh meron din namang dumadating at parami ng parami sila. Unti unti ko sila nakikilala at nakakachokaran dito sa mundo ng blog. Syempre panibagong get to know stage ahehehe. Masaya na rin ako dahil kahit papaano eh nadadagdagan ang mga friends ko dito. From the bottom of my heart walang halong kaplastikan ito I WELCOME You to the world of blog. Masaya dito. Feel at home asust.asust.asust. at para naman sa mga pumanao este namaalam eh Hangad ko ang inyong tagumpay sa mga hinaharap. bow.Salamat sa mga memories nyong naibahagi sa amin. till we meet again.🙂

Ayan medyo ganado akong magsulat ngayon sa entry na ito ewan ko kung bakit? aktuwali medyo lango pa ako sa alak na ininom ko kanina pero eto ako buhay na buhay parin. Adik na ako. lolz inaatake naman ako ng insomia ko.ghe… teka yosi muna ako….nakakaadik talaga ang nicotin baket ba ganon? kasama na ata sa buhay ko un.mhp…ibang topic na un sa mga susunod na araw na un okie.

Back to the topic tayo, Ang payo ko lang sa mga nagbabalak na mamaalam dito eh mag isip-isip muna kayo at pagmunimunihan nyo ng mahabang oras. Isipin nyo nalang ang mga kaibigan nyong iiwan at mangungulila sa inyo. etchos. Hindi sa totoo lang maraming malulungkot. Dito nalang tayo sama sama…pwede ba un? ikaw iiwan mo rin ba ako????

asust…

8 Tugon

  1. oo nga eh.. nakakalungkot talaga.. okay lang naman na namamaalam yung iba pero mas nakakalungkot yung iba na dinedelete pa talaga yung blog nila (ibig sabihin, wala na talagang pag-asang bumalik).. kaya tayong natitira, go go go lang sa pagbblog!😀

  2. @ linglingbells — uu nga cguro baka dahil meron silang mga dahilan kung bakit nila ginawa iyon! asust… basta tau sama sama ahehehe🙂

  3. ah basta ako hnd ko iiwanan ang blog. ito lng nmn ang isa sa mga gawain ko.
    kung walang blog, malamang surf lang ako ng surf at wala akong magiging online frends.

    wapak!

  4. @ eloiski — pasok sa banga!! kasama mo ako dyan!! asust….🙂

  5. medyo malabo yata na mag goodbye ako kasi blog lang ang kausap ko e, waaaahhh – pathetic pala buhay ko, hehehe

  6. @ kengkay — ok lan yan parehas tau..asust…🙂

  7. “kaya may aalis, kasi may darating” yun n lng talaga ang dapat nating isipan tol.

  8. @ bai — siguro nga, think positive nalan! asust..🙂

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: