fuckshit in singapore

nakakabwisit nastranded naman ako dito sa singapore…

kakainis….

hayzzzz

i need help please…

goodbye manila!

im leaving today guys!!! this is it…. ๐Ÿ™‚

wish me goodluck!!!

asust!aganewnewsign7312

first love.

i like this one.

“First Love”

aganewnewsign7311

mixed.

mixed emotion.

yan ang tamang sa salita, ang masasabi ko sa nararamdaman ko sa mga oras na ito. bhaket? ewan ko rin. seriously kasi nilalamig ako, kasi naman sobrang lamig talaga, second kasi malapit na ang alis ko. uu magtratrabaho na ulet ako sa gitnang silangan. nakakalungkot nga lang dahil kinailangan ko pang mangibang bayan pero ganun talaga eh an ang swerte ko eh. nakakalungkot ulet dahil maiiwan ko na mga mahal kong kapatid at mga pinsan. hayz. no choice ako eh kailangan ko magbanat ng buto para mabuhay at ndi na umasa kung kanino man. ๐Ÿ˜ฆ pati mga kaibigan ko..sabi nga nila wala ng matiyagang tambay na maabutan nila sa kanto. mamimiss daw nila ako. ewan ko kung totoo o charing lang nila sa akin un. pero kahit anu pa naman eh nakakatuwa dahil kahit papaano eh may kwenta pala ako sa kanila. etchos! ๐Ÿ™‚

dalawang taong ang dapat kong bunuin. kailangan ko rin mag ipon. this time PROMISE na to. gusto ko kasing maging maayos ang aking hinaharap. (hindi si junior!) kundi ang future ko. marami akong plano na naiisip at gusto ko naman tuparin ang ito sa pamamagitan ng aking sarili, sa pawis at pagod ko mismo manggagaling. hayz. parang mahirap pero kailangan para naman may mapatunayan ako. hmp. wish me luck. ๐Ÿ™‚

sana ngayon pagkakataong ito eh magtagumpay ako….

wag kayong mag alala dadalasan ko pa rin ang pumarito at magkwento ng mga walang wenta kwento ko sa buhay at kung tungkol sa anu ano. ๐Ÿ™‚

yan ay PROMISE ko..

pero sa totoo lang nalulungkot na ako…. hayzzzz

aganewnewsign7310

all rice.

sobrang nakakapagod ang araw na ito, ewan ko naman kung bakit. pero nakakatuwa naman ang mga nangyari sa akin . at hindi ko rin naman expect ang mga pangyayari ito. ni sa pangarap eh hindi pa sumasagi sa akin. naiintriga na ka na ba kung anu ang mga pinagsasabi ko? hehehe kasi ba naman last nyt while im chillin and wtching tv (wow ingles! nosebleed! etchos!) bigla nalang pumasok ang pinsan ko at sinabihan ako na kung pwede raw ako sumama sa kanya kinabukasan para sa kasal nya? ganun ka simple. eh naisip ko tutal eh wala naman akong plans for the next day eh napaoo nalanย  ako. eh kasi naman talagang biglaan ang mga pangyayari noh.

ayun ang ending inatake naman ako ng aking insomia at hindi nakatulog hanggang kinaumagahan. inisip ko nalang kung anu ang magandang susuotin ko para sa okasyong iyun? hmp? kasal? naisip ko kailangan medyo pormal ang dating ng lolo mo kaya naisip ko magpopolo nalang ako ng puti with matching slacks. asust. eto na ang siste ang nangyari ako pa ang nagmukhang ikakasal kaysa sa pinsan ko dahil sya eh nakamaong pants lang at polong puti. (diba sabalay naman ako!!) natawa nalang ako. ๐Ÿ™‚ civil wedding lang naman. ito na ang eksena nagulat nalang ako ng sinabi ako raw ang magiging witness sa kasal nila? huuuuwaattt?? ako?? anu naman ang dapat gwin ko? hindi ba sya nagbibiro? kasi sabi hindi raw pwede ang mga kapatid na maging witness. ayun ang ending ng eksena ang lolo mo naging ninong ng wala sa oras at sa kasal pa? well naisip ko nalang ako ata ang isa sa mga pinakabata na magiging ninong sa kasal. naisip ko tuloy ang mga matatandang kasabihan na naririnig ko baka hindi na ako makapag-asawa? hmp. tingnan natin. charos! ito pa ang eksena nuong pumasok na kami sa court room, at un din ang first time ko makapasok sa ganung lugar eh napanganga naman ako at medyo umikot ang aking mga mata. tapos sabay sabi nung isang lalaki sino po ung mga sponsors? sabi ng pinsan ko ang pangalan ko at pinalipat mismo ako sa likuran nila at ito pa ang kapartner kong ninang eh hindi naman katandaan. talagang lola na. eh naku naman naisip ko ulet anu ba itong napasok ko naman at anu ang malay ko maging ninong sa kasal? eh hindi ko nga naeexperience pa ang ikasal. tsk tsk tsk. daba sablay un?

natatawa nalang ako. maya maya pa eh may isang lalaki ang medyo mataas ang tono ng boses at sinabi ” All Rice!!! este All Rise pala” c judge andyan na. hindi ko mapigilang ang aking sarili sa katatawa dahil naaalala ko ung komersyal ng jollibee. hehehehe. nakakatuwa talaga ang pinasok ko. ewan ko ba. ito pa ang siste ang sbai pa ni judge “kayo mga sponsors, ninong at ninang dapat malaman nyo ang inyong mga responsibilidad sa bagong kasal, kayo ang magiging gabay nila at takbuhan sa hinaharapan at sa mga kanilang mga suliranin.” may ganun? tsk tsk tsk ulet. anu malay ko dyan? aber? eh sa mga inaanak ko nga sa binyag eh hindi na ako magkauugaga, madadagdagan pa at dalawa pa sila. panangite nalang ako sabay wika ” Lord kayo na bahala sa buhay nila!!”

sa kabilang banda, nakakatuwang experience naman ang aking nasaksihan at hinding hindi ko makakalimutan. this is my first time.

hagad ko lang sa kanilang bagong kasal eh maging matiwasay at masagana ang kanilang pinasok na bagong yugto ng buhay at nakakatuwa pa dun eh kasali ako sa eksenang hinding hindi nila makakalimutan sa kanilang buhay.

ang kanilang ninong eh si Aga.(alang wenta…asust!)

ayun lang muna sobrang napagod ako kaya medyo ngarag na ako.

babu!

aganewnewsign739

drogalicious.

sobrang nakakainis ang mga nababasa sa mga dyaryo at ang mga napapanuod sa telebisyon. isang isyo lang ang pinag-uusapan ngayon mga panahong ito. ito ang mga mukhang bigbig nila. droga dito, droga dun. naku po napakarami na talaga ang nalululong sa bisyong ito. andyan na ung kontrobersyal na“Alabang Boys” talagang bigtime. nakakadismaya na talaga ang mga pangyayari sa mga panahong ito.

at sa mga oras na ito alam nyo na rin malamang na ang Pilipinas na ang No. 1 sa buong Asya na pinakamaraming gumagamit ng mga masasamang droga na yan. oh diba No. 1 nanaman tayo. un lang kahihiyan nanaman ito para sa ating bansa. napakarami na palang adiktus, users kasama na dyan ang mga sosyal na termino nilang “SOCIAL USER” asust may ganun pa. hayzzz…

hindi naman sa nagmamalinis ako, pero minsan sa aking buhay eh nakahalobiro ko ang mga ito. ang hilig ko sabihin eh nasubukan ko rin ito minsan. pero isa lang ang napagtanto ko walang maidudulot ng maganda sa sarili at lalo na sa katawan bagkus maaari pang ikasama ng iyong katawan at ikamatay sa huli. at isa pa eh gastos lang iyan. Promise!!

nakakadismaya talaga. sana lang eh matapos na ito sa lalong madaling panahon. sobrang nakakahiya na tau mga parekoy. sana lang eh maparusahan ang mga dapat parusahan at hindi mabaliwala ang isyong ito dahil sa bandang huli tau rin ang kawawa.

magkatol nalang kau, ndi kasing mahal, lakas tama pa!

asust ๐Ÿ™‚

aganewnewsign737

humiling ako sa langit.

sweetsweet kasi…. hayyzzz

BF1: Bhe, pag ba ako namatay iiyak ka?
BF2: Ako? Iiyak? Hinde ah. Tatawa lang ako ng tatawa.
BF1: Ganon?! Bakit naman?
BF2: Kasi bhe, masisiraan ako ng ulo sa pagkawala mo.

———
nakakatuwa naman nito kaya nashare ko dito. hehehe ๐Ÿ™‚ sweet.
hayyzzzzz!
aganewnewsign735