all rice.

sobrang nakakapagod ang araw na ito, ewan ko naman kung bakit. pero nakakatuwa naman ang mga nangyari sa akin . at hindi ko rin naman expect ang mga pangyayari ito. ni sa pangarap eh hindi pa sumasagi sa akin. naiintriga na ka na ba kung anu ang mga pinagsasabi ko? hehehe kasi ba naman last nyt while im chillin and wtching tv (wow ingles! nosebleed! etchos!) bigla nalang pumasok ang pinsan ko at sinabihan ako na kung pwede raw ako sumama sa kanya kinabukasan para sa kasal nya? ganun ka simple. eh naisip ko tutal eh wala naman akong plans for the next day eh napaoo nalan  ako. eh kasi naman talagang biglaan ang mga pangyayari noh.

ayun ang ending inatake naman ako ng aking insomia at hindi nakatulog hanggang kinaumagahan. inisip ko nalang kung anu ang magandang susuotin ko para sa okasyong iyun? hmp? kasal? naisip ko kailangan medyo pormal ang dating ng lolo mo kaya naisip ko magpopolo nalang ako ng puti with matching slacks. asust. eto na ang siste ang nangyari ako pa ang nagmukhang ikakasal kaysa sa pinsan ko dahil sya eh nakamaong pants lang at polong puti. (diba sabalay naman ako!!) natawa nalang ako.🙂 civil wedding lang naman. ito na ang eksena nagulat nalang ako ng sinabi ako raw ang magiging witness sa kasal nila? huuuuwaattt?? ako?? anu naman ang dapat gwin ko? hindi ba sya nagbibiro? kasi sabi hindi raw pwede ang mga kapatid na maging witness. ayun ang ending ng eksena ang lolo mo naging ninong ng wala sa oras at sa kasal pa? well naisip ko nalang ako ata ang isa sa mga pinakabata na magiging ninong sa kasal. naisip ko tuloy ang mga matatandang kasabihan na naririnig ko baka hindi na ako makapag-asawa? hmp. tingnan natin. charos! ito pa ang eksena nuong pumasok na kami sa court room, at un din ang first time ko makapasok sa ganung lugar eh napanganga naman ako at medyo umikot ang aking mga mata. tapos sabay sabi nung isang lalaki sino po ung mga sponsors? sabi ng pinsan ko ang pangalan ko at pinalipat mismo ako sa likuran nila at ito pa ang kapartner kong ninang eh hindi naman katandaan. talagang lola na. eh naku naman naisip ko ulet anu ba itong napasok ko naman at anu ang malay ko maging ninong sa kasal? eh hindi ko nga naeexperience pa ang ikasal. tsk tsk tsk. daba sablay un?

natatawa nalang ako. maya maya pa eh may isang lalaki ang medyo mataas ang tono ng boses at sinabi ” All Rice!!! este All Rise pala” c judge andyan na. hindi ko mapigilang ang aking sarili sa katatawa dahil naaalala ko ung komersyal ng jollibee. hehehehe. nakakatuwa talaga ang pinasok ko. ewan ko ba. ito pa ang siste ang sbai pa ni judge “kayo mga sponsors, ninong at ninang dapat malaman nyo ang inyong mga responsibilidad sa bagong kasal, kayo ang magiging gabay nila at takbuhan sa hinaharapan at sa mga kanilang mga suliranin.” may ganun? tsk tsk tsk ulet. anu malay ko dyan? aber? eh sa mga inaanak ko nga sa binyag eh hindi na ako magkauugaga, madadagdagan pa at dalawa pa sila. panangite nalang ako sabay wika ” Lord kayo na bahala sa buhay nila!!”

sa kabilang banda, nakakatuwang experience naman ang aking nasaksihan at hinding hindi ko makakalimutan. this is my first time.

hagad ko lang sa kanilang bagong kasal eh maging matiwasay at masagana ang kanilang pinasok na bagong yugto ng buhay at nakakatuwa pa dun eh kasali ako sa eksenang hinding hindi nila makakalimutan sa kanilang buhay.

ang kanilang ninong eh si Aga.(alang wenta…asust!)

ayun lang muna sobrang napagod ako kaya medyo ngarag na ako.

babu!

aganewnewsign739

2 Tugon

  1. at naisip mo pa ang jolibee hehe. oo nga mukha ka pa ngang bata para maging ninong at biglaan pa. di bale madami namang tsiks jan para sayu diba? goodluck na din sa mag-asawa.🙂

    pwede…. asust🙂

  2. odiba, ninong ka ng kabarkada mo. dapat may pakimkim ka, kahit man lang limang libo! hehe…
    congrats, ninong!

    5k ndi cguri…. pinsan ko sya heheheh🙂

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: