paalam mercedes

Para sa mga mahal kong MERCEDES TEAM!

Minsan sa hindi inaasahang oras, na hindi man natin talaga inaasahan ay kailangan natin magdesisyon at panindigan samahan mo pa ng tibay ng loob para harapin ang isang malaking disisyon sa iyong buhay at kinakailangan mo na isantabi ang iyong sarili para sa kapakanan ng nakakarami kalakip pa nito na isakripisyo ang pangsariling kapakanan.

Image

siguro nga natodo ko ang lahat at walang tinira para sa sarili, hahay!, ngunit hindi ko ito pinanghinayangan dahil alam ko na may mapupuntahan naman ang lahat ng sinakripisyo ko. Yan ang madalas ko sabihin sa aking mga kaibigan na tinuring ko na ring mga kapatid, “Kung anu ang hinarap ko na mukha sa iyo, ganun din ako sa pagtalikod mo.”

Buhay talaga ang lufet, hahay!, malakas lang talaga ang kapit ko dahil alam ko na hindi ako nag iisa at hindi rin naman ako natatakot na mag isa dahil tanggap ko kung anu man ang mangyari sa huli. ika’ nga, “MAS MAKAPAL, MAS MATIBAY!” hayst, MERCEDES TEAM, aminado ako naging mabilis ang pangyayari at kinailangan na magbago ako ng ruta, cguro sa ngayon ay lumihis ako pero hindi ito pagtalikod sa inyo, kasi naman alam ko sa huli magkrukrus pa rin ang ating mga landas. Pisikal lang ang mawawala, kasi alam ko at sinisigurado ko na nandito kayo sa puso at isip ko dahil ndi ko minsan inisip na walang importansya ang lahat ng ating PINAGSAMAHAN. hayst, uu cguro malungkot sa ngayon pero alam ko makakabangon tayo at muli makipagsapalaran sa malufet na mundong ito, ang saya! Basta always tandaan, lahat ng mga natutunan ko sa inyong lahat ay baon ko at sana kayo rin ay may napulot ni katiting na kaalaman mula sa akin at magamit nyo sa susunod na chapter. Hahahay!

hasyt hangad ko sa finals ay lahat tayo ay makamtan ang inaasam na NIRVANA na Pinapangarap nating lahat. Maging matatag lan tau at kapit lang, maging totoo sa sarili at wag maging makasarili, andyan si BRO, ndi natutulog yun, daig pa ang mga naka-CHINA. sya ang nakakaalam ng lahat lahat. 🙂 Mahal na mahal ko ang Mercedes na ito, minsan nga naisip ko na ito na ang pangarap ko pero ndi pa pala, may next chapter pa. hayst cguro akala nyo na nagpatalo ako, well, ndi inisip ko lan na at narealize ko na ndi sa akin ito. hehehe!

basta, mga repapips mamimiss ko kayo, malungkot talaga pero kailangan muna natin magbago ng ruta dahil ito ang tama para sa ating ikakabuti at wag kalimutan ang “NIRVANA” na ating hangad.

hahahay! hanggang sa muli, salamat sa maikling panahon at tyak ko sa inyo na ndi ko itatapon ang mga alaalang na ating pinagsamahan. SALAMAT MERCEDES TEAM! this is not goodbye and forgeting everything. Tulad ng iiwan ko kataga sa inyo na ito,“Goodbyes are not forever. Goodbyes are not the end. They simply mean I’ll miss you until we meet again.”

Hahahay! Achut.

Image

Advertisements

Pati pato.

Trust takes YEARS to “earn” and SECONDS to “break”. A heart takes SECONDS to “break” and YEARS to “rebuild”.

Kasalanan ko. (hindi ko naman sadya) sa pagkakaalam ko, pero hindi lang pala iyon ganun kadali at paniwalaan. In short na “carried away” ako at hindi ko namamalayan may mga tao na pala ako nasasaktan. Siguro talagang nalunod ako ng husto at totoo nga, nabulag at nagbinge-bingehan ako. Sa una medyo ndi ko pa ramdam ang epekto dahil siguro lango pa ako, uu, (I don’t care pa ang eksena ko!), ayun ndi ko napansin nawala na pala silang lahat, ang mga taong mahalaga sa aking buhay, mga mahal kong kaibigan na inakala ko hanggang huli eh ma-uunderstand nila ako, hindi pala, mali ako, may hangganan pala ang lahat, ika nga NAGSAWA na sila sa kakaintindi sa akin, kamo, kasi naman talagang likas na MATIGAS ang ulo ko at wala ako iniintindi keber kung anu ang kahihinatnan, kung sa larong text, pati pato ang parati ko eksena, (ung tipong wala ng bukas!) Huli na ang lahat, wala na, sa-id na sa-id na ako, nawala ang buong pagkatao ko, buhay ko, cguro pati ang kinabukasan ko (market-market nalang parate, paulet-ulet), Madadapa ngayon, bangon bukas, kinabukasan madadapa naman (ewan, nakakasawa na rin).

Tama talaga inabot ka ng ilang taong bago mo makamtan ang tiwala ng isang kaibigan, pero sigundo lang ang katapat nito, wai (wala) ng lahat ng pinagputahan mo para sa isang kaibigan. Totoo, sobrang nasaktan ako at pilit na iniintindi, pilit na nilulunok, pero ano ending ako pa rin ang mali, hindi man lang nila pinakinggan ang aking mga paliwanag ukol sa mga pinagdadaanan kong landas na ndi naman talaga dapat. Totoo, ang galit ng isang tao ay nakakamatay. Ang GALIT ay ugat ng mga kung ano anong kasamaan na maaring ikadulot ng wagas na pagkasira ng isang pagkatao. Ang hirap. Madali lang talaga manira ng isang pagkatao lalo na kung ang pinaiiral mo sa puso mo ay        puro galit. DEMONYO ka! bakit pa kita pinagkatiwalaan…….

Saan ako pupunta? 

Sino ang aking tatakbuhan?

Kasalanan ko. napagtanto ko sa huli walang ibang taong, kaibigan o kadugo ko ang makakalutas o makakatulong para sa akin, (totoo, hanggang mga salita lang sila, mga advise lan), Sa ending ako lang ang makakatulong at babangon para sa akin. Mahirap. Matatagalan. kailangan ng isang PROSESO para maituwid at maitama ang dapat. Ang masakit lang wala na ung mga taong, itinuring mong kaibigan, kapatid. WALA na. Sa bagay ndi ko sila masisisi, dahil cguro hanggang duon nalan sila,(nagpati-pato na rin sila).

KAKAPAGOD. Pero kailangan bumangon.

Ang DALANGIN ko lang “SANA” mapakinggan nila ako.

WALA. Wala na. WAI NA!

achut.

Image

Life can be unfair someti…

Life can be unfair sometimes, but that’s no reason to give up on it.

ang pagbabalik…

Ang Pagbabalik…

malapit na!!!

Ang Sakit sa Bangs!

Ang buhay nga naman mapaglaro.

Mahirap sabayan.

Mahirap intindihin.

Mahirap.

Question

Question:

Kailan ba dapat magsabi ng totoo???

achut is back.

kamusta naman?

kamusta naman kau?

ako ito mejo sakto.

kagagaling ko lang dyan sa kabilang kanto, mejo namiss ko nga tong bagay na ito ah.

mejo nawili ako sa fuckbook este facebook pala ehehehe.

hopefully (kros pinger!) makapagkwento na ulet ako sa inyo regularly.

hehehe.

achut. naaalala pa ba?