sulat ni kuya para kay bunso.

Mahal kong Omar,

ilang taon ka na nga ba? teka esep ko muna! aba’y mag 23 kana pala at ako hmp. nevermind nalang. naalala mo nung tinanung kita nung isang araw kung anu handa mo? sunagot mo pa nga ako ng wala ng January 6 at 7 na agad?! ungas lang ang aking nasambit sau dahil alam ko nagbibiro ka lang at sabi mo pa nga na dun ka magdadaos ng iyong kaarawan sa bahay ng tropa mo. HOUSE PARTY ang eksaktong salita na winika mo sa akin. pero kahit anuman isa ang ang gusto kong sabihin sau ngayong araw ng iyong kaarawan Malagayang Kaarawan at Mahal na Mahal kita.! (teka sowe dalawa na pala un!) asust🙂

alam ko kapatid na kadalasan eh hindi tau nagkakasundo sa mga bagay bagay at minsan eh humahantong pa sa mala-action pelikula ang eksena ng ating away eh sa bandang huli nagkakaayos parin. alam ko rin naman na normal na sa atin iyon. may isa akong hinding-hindi makakalimutan na alitan natin ewan ko lang kung naaalala mo pa. ung tagpong hinabol mo ako ng kutsilo at gusto mo na akong patayin dahil sa sobrang asar at galit mo sa akin? pero pumagitna si mudrakz para tau ay awatin. pero sa totoo lang kapatid natakot ako sau nun at hindi na kita nakilala. ayun sa bandang huli ika’y aking inintindi dahil ako ang nakakatanda sau. ewan ko rin ba hindi naman kita kayang tikisin eh. hindi nga lang halata dahil alam mo naman na hindi ako “Showy type” pero deep inside mahalaga kau sa akin.

kapatid alam ko rin na marami na akong pagkukulang sau, kahit hindi mo sabihin eh nararamdaman ko. alam ko wala akong nabigay na matiryal na bagay sau nung nagtrabaho ako sa ibang bansa, kahit alam ko na ilang beses ka sa akin nagsabi ng ganito ganyan pero binaliwala ko. alam ko na may sama ka ng loob sa akin nung mga panahong iyon. at alam ko rin na hindi pa naman huli ang lahat at makakabawi ako sau. magwait ka lang malapit na.🙂

mahigit isang taon din ako nangburaot sau tuwing sweldo mo, ung tipong ikaw na mismo ang nagbibigay ng konting pangyosi, pero alam mo hiyang hiya ako sa eksenang yun kapatid at dadagdagan pa ng kutya ni ate. hayz pero wala naman ako magawa kundi ang tumango na lamang dahil alam ko na wala akong mapagmamalaki dahil wala akong trabaho.

sa kabilang banda aking kapatid nagpapasalamat pa rin ako dahil ikaw ang aking naging kapatid at wala akong pinagsisihan bagkus sobrang pasasalamat ako kay GOD dahil binigay ka nya sa akin (PROMISE!!!) Mahal na Mahal kita, kayo ni Ate kasama nina Fudrakz at Mudrakz. kayo ang dahilan kung bakit ako nabubuhay pa sa mundong ibabaw. hinding hindi ko kayo ipagpapalit kahit saan.

kapatid medyo tumatanda na tau, hindi na tau ung mga bata tulad ng dati. ako sa aking sarili medyo pasaway pa rin ako pero may control na naman kahit papaano dahil ayaw ko na maging pasakit ulo sa ating magulang. I’ am trying my best naman eh. kaya ikaw bawasbawasan mo na rin kahit konti lang. hehehe. payong kuya lang ba! at alam ko naman na kaya natin ito! itaas mo.🙂

hay naku kapatid, napahaba na ang sulat ko sau, kaya puputulin ko na. isa lang naman ang dahilan kung bakit ako sumulat sau dahil Kaarawan mo at dahil Mahal kita! (dalawa pala! ang kulet koh!!)

muli Happy Birthday!!

Kuya

———–

p.s.

wag kang mag alala ipagluluto kita sabihin mo lan!

menomarito pala ung litrato natin nung mga uhugin pa tau. medyo cute pa tau kahit papaano.🙂 ewan ko lang ngayon!! syempre naman gwapong gwapo na tau! hehehehe🙂

aganewnewsign733

5 Tugon

  1. bat may balbas na kayo?
    ang aga ah.

    hehehe🙂

  2. bigote pala. pasensya.

    may ganun! asust🙂

  3. ay ang kyut naman, magkamukhang magkamukha. parehong gwapings.

    happy birthday sa iyong kapatid!

    hehehe salamas!🙂

  4. parehong pareho title ng entry natin dati… sweet kuya!!

    uunga! hehehe wala eh walang pangregala kaya ito emo nalang ako! bwahaha🙂
    asust!

  5. aba, bata pa lang pala kayo eh bigotilyo na. parang si mister swabe lang!
    ang galing naman ang istorya nyo. naisip ko tuloy, sana naghabulan din kami ng saksak ng mga kapatid ko.
    haay… kung maibabalik ko lang…

    hehehehe ganun!!

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: