TransPortmers.

kanina kasi habang naghahanap ako ng torrent ng movie ng Transformers (wala kasing sinehan dito gustuhin ko manpanuorin sa big screen eh wala!) eh naligaw at iba ang nahanap ko, ndi ko akalain na ang tunay na pinanggalingan eh made in the Philippines…

nakakatuwa kaya naisip ko na ishare sa inyo…

RELAX SEE A MOVIE! achut.

t1

Si OPTIBUS PRIME…

t2

..si BOUNDARY…

t4

…si MEGATREN….

t5

...si BARRICAB….

t6

….si COLORUM…..

t7

...si SEMBREAKER….

t8

….si BUMBLEJEEP…..

t9

at si KAGAWADZZ..

ayan mga bro sana natuwa kau tulad ko, anyways TransPortmers is NOW SHOWING Nationwide (sa mga highways!) bwahahahaha! 🙂

Salamas pala kay Pareng Prince ng KNYG Philippines sa mga larawang ito. apir!

newsigned

Advertisements

ako at ikaw, ndi pwede. aww

lettinggo

Letting go doesn’t mean giving up, but rather accepting that there are things that cannot be…

Well mukha naman akong emo nito, pero sa totoo lang mejo may katotohanan itong kowt na ito. Sa ating buhay mga bro ndi lahat ng ating hinahangad eh ating makakamtam, kaya naman dapat natin tanggapin ang katotohanan na ito. Uu masakit tlaga pero ganun talaga ang life. Etchos. Hindi naman hilig sabihin nito eh pinagamutan na tau ni BRO na nsa itaas na kaibigan ni Santino. Achut. aktuwali mga bro ndi naman hilig sabihin ng Letting go eh mag-give up o mawawalhan ka na ng saysay sa mundong ito hindi ganun kapatid!! dahil lahat ng mga bagay dito sa mundo eh mapapasakamay natin at lagi rin natin tatandaan sa ating mga brain cells may mga tamang dahilan kung bakit ganun. well sana na gets mo ang gusto ko puntuhin. In short mga kapatid mejo tinamaan ako sa mga katagang ito kaya gusto kong ibahagi sa inyo. Sa katunayan lang eh may koneksyon ito sa aking buhay kaya ninais ko na rin iblog ito. Cguro nga hindi para sa akin at kaya buong puso ko tinatanggap ang katotohanan na hanggang dun na lamang at ndi ko na dapat ikwestiyon kung bakit. Masakit kung masakit pero ganun talaga, cguro nga may iba pang plano si BRO kung sino ang karapatdapat para sa akin. Ayan nadulas na ako, SINO? means TAO ang tinutukoy ko. yetah! Alam ko naman alam mo kung sino ka, well gudluk sa karir mo! Ahehe sama ba? IT HURTS KASI NO!! pero honestly speaking tanggap ko naman ang mga pangyayari dahil cguro may pagkakamali rin ako. period.

Sana lang eh may napulot kayong saysay sa aking mga emo, at alam ko naman na lahat tau eh pinagdadaanan natin ang mga bagay na ito. Una una lang. Achut. 🙂

ayan parekoy (Zef) akala mo ikaw lang ang emo mejo ako rin. bwiset..

newsigned

TATAY: Ang aking Sandigan.

tataynme

The greatest gift I ever had came from God; I call him Tatay!

Siya ang isang dahilan kung bakit ako ay nasa mundong ito. Isa sýa sa pinagkakautangan ko ng aking buhay.

TATAY ang tawag ko sa kanya.

Salamas kay Bro dahil binigyan niya ako ng isang Tatay na napakabaet, mapagmahal,responsable sa kanyang pamilya. Ito ay itinuturing kong isang pinakamahalagang regalo mula kay Bro. (“Salamas Bro!!!”)

kulang ang mga salitang papuri para mapantayan ang mga sakripisyong inilagak nýa para aming magkakapatid at sa aking Mudra. alam ko na hindi mababayaran ng anumang halaga o ng salapi ang kanyang kadakilaan ipinamalas.

Hindi ko man madalas na iparamdam sa akin Tatay kung gaano ko sýa kamahal at kahalaga sa aking buhay, pero kung hahalakayin ang ang puso naroroon ang ebedendsya kung gaano ko sýa kamahal, higit pa sa aking buhay. (kasama si Mudra opkors!)

Tatay ang aking sandigan sa mundong ito at tunay na kakampi sa mga taong nang-aapi.

Tatay ko pasensya na kung minsan eh talagang pasaway ako at hindi sumusunod sa mga utos nyo, pasensya po. at alam ni Bro na labis ko na itong pinagsisihan. Alam ko naman na wala kayong hangarin kundi mapabuti ang aking hinaharap (Naming magkakapatid.)

Tatay Mahal na Mahal kita.

Tatay Maraming maraming Salamas sa lahat lahat na pagmamahal na ibinigay nyo sa amin…

Ikaw ang Makahulugang nangyari sa aking BUHAY! Tatay.

Happy Father’s Day!

newsigned

ika-5 ng hunyo.

maraming maraming salamas sa lahat ng bumati sa akin nuong nakaraan kong kaarawan, hayz talaga naman nakakataba ng puso dahil lubos akong natuwa dahil na rin cguro marami pa rin palang nagmamahal sa akin. kaya hindi rin ako magsasawang magpasalamas sa lahat ng nagtxt, tumawag, nag email, sa friendster, facebook pati sa multiply:)

at sa mga nakalimot salamas pa rin dahil ndi pa naman huli ang lahat hahahaha achut. 🙂

ito ung mga sample mga kapatid…..

bb2

sa friendster…

bb1

bb3

pati na facebook….

bb4

bb5

at lahat ng nagtxt ndi ko na malagay dito pero lubos akong natutuwa……

muli salamas ng maraming marami

mwuahhh..

newsigned

bisyu na to’

isang araw na walang magawa sa buhay kaya aun pinagtripan kunan ng piktur ang aking munting koleksyon. uu ito sa ngaun ang aking pinagkakaabalahan at masasabi ko na rin isa ito sa aking bisyo na hinding-hindi ko maalis dahil sa aking palagay eh napakahirap tanggalin kahit na parati kami nag aaway ng aking Mudra eh hindi ko pa rin maalis. ilang beses ko na rin tangkain na alisin ngunit hindi ko talaga kaya. promise! achut. ewan ko ba bakit. cguro talagang nakaukit na sa aking brainy hayup. kahit na alam ko na masama talaga ang epekto nito sa katawan pero eto pa rin ako tuloy-tuloy pa rin. hayz. ika nga nila BISYO NA TO’.

alam ko medyo nagugulugan na kau at baka san pa mapunta ang usapang ito kaya sasabihin ko na. alam ko karamihan din sa atin eh pinagdadaanan ang aking pinagdadaanan. gets?! achut. kaya ito na sabaw sa sabaw natin silayan ang aking munting koleksyon at sa kabilang banda eh bisyo ko na talaga.

 

yosi1

well kung tatanungin nyo ako kung ilang buwan to cguro nsa dalawa, pero ndi un accurate kasi ung iba eh naitatapon ko rin lalu na pagnasa labas ako. at kung ask nyo sa akin anu naman ang gagawin ko sa mga ito eh may project ako dyan sa sasusunod ko na sasabihin sa inyo mga kapatid para may konting excitement naman diba! well gudluk to me mga kapatid.

achut.

newsigned