end of the month.

hay naku natapos naman ang buwan ng hulyo at eto pa rin ako tambay parin. pitong buwan na akong nakatengga dito, wala pa rin pagbabago. kelan ba mawawala ang sumpang ito. ehhhwww. ndi ko na alam ang gagawin ako at naprapraning na ako :). kung anu anu na ang naiisip ko. bwissset. parang feeling ko eh niloloko na ako ng tadhana. oh please ndi ko naman ito pinangarap. pero malakas pa rin ang pananampalataya ko at hinding hindi susuko sa mga pagsubok sa life. bwahahahaha. yes! i am strong and i have guts. ahehehehe may ganun pa un.

nagsasawa na ako sa  mga naririnig ko sa mga paligid, kay mudrakz halos araw araw ang sermon, sa ate ko ganun din isa lang ang maririnig mo. bwakanang! ito nalang ang nasasabi ko sa aking sarili: “HINDI KO NAMAN ITO GINUSTO EH? SAWANG SAWA NA RIN AKO!!!! GRRRRRRRHHHH!”

sila tuloy pa rin sa walang humpay na pagdadakdak sa akin. kung sa bagay sa tingin ko naman eh hindi rin nila gusto un. nagsasawa na siguro sila na ako makita na nakabalandra sa bahay. ahehehhehehe. biro ko nalan sa kanila eh: “KAYO KAYA ANG LUMAGAY SA KALAGAYAN KO? EWAN KO LANG KUNG KAYA NG POWERS NYO!” ahehehehe asust!

mahirap talaga ang ganitong buhay, ang hirap hirap gumalaw, bukod pa dun eh wala rin me pera para pangtustus sa mga bisyo ko. lakas ng loob no? eh yosi nga sobrang hirap me. pero ok na rin kasi atleast nababawasan na ang konsumo ko. ahehehehe

nanalangin nalan ako na sana eh mawala na ang sumpang ito sa akin at nanumbalik na ang sigla ng aking career ko, at pinapangako kong aalagaan ko na at mamahalin ko na ang aking trabaho. sana tuloy na tuloy na rin ang pasok sa akin ng swerte kasabay ng pagpasok ng bagong buwan. wish ko lan. sana po ang dinggin nyo ang aking munting panalangin. “crossfinger na ko!”

asust.

OPM: Ohhhh Promise Mehhh.

eto naman ako at walang magawa sa buhay. tumunganga sa buong maghapon, magbasa ng kung kanikaninong blog, news, manuod ng mga videos sa youtube at maghanap ng mga bagong scandal ahehehe kailangan talaga may ganun no? ahehehe. batungbato na ako dito sa bahay.hay naku buti nalang kanina eh may napagtripan akong gawin, uu tama ka sa narinig mo. pinagtripan ko na nalang panuorin si Gloria sa kanyang SAUNA ah este SONA (State of the Nation Address), naaalala ko tuloy noong nakaraang taon eh napanuod ko pa sya nun sa pamamagitan ng PINOY TV sa Middle East. eh nung mga panahong iyon eh may trabaho pa ako, eh ngayon eh wala na. pinakinggan ko ung mga litanya at mga kadramahan nya sa buhay, ewan ko ba dati bilib na bilib ako sa kanya, kung tutuusin naman eh magaling sya, ewan ko ba anung kaletchehan ang nangyari. napako na lahat ang mga pangako nya, pero sa totoo lang wala naman tau dapat asahan sa mga tulad nya at kung sino pang pilato ang papalit sa kanya eh talagang wala nang pag-asa ang ating bayan! un eh ang TOTOO at dapat na natin tanggapin.

kawawa lan eh ang mga susunod na henerasyon at tau un. ewan, sabagay ndi lang naman tau ang namumublema sa pagtaas ng langis, kundi buong mundo eh yun ang isyu. pero ang ending taung maliliit ang masyadong naaapektuhan. kawawang Juan dela Cruz, walang wala na.

pero mabalik tau sa SONA ni Gloria, kahit papaano naman eh may kinatuwa ako sa sinabi nya kanina bukod sa mga OPM nya OPM? lolz  Ohhh Promise Me, is what i mean asust may ganun pa un! ok natuwa ako dahil sa sinabi nya na .50 centovos nalang ang text, eh parang pumalakpak ang tenga ko! hindi ko lang masabi kung anu ung exact sentence nya, Textin is way of life ba un? basta mga ganun, kaya ako naman si gago pilalakpakan si Gloria. dun lan at ndi na nasundan un! kakaasar lang din kanina eh kung napanuod ninyo parang Oscars ang dating, bonggang bongga ang mga ungas, mukhang pinagkagastusan ang mga damit! kaasar ndi man lang nila naisip na maraming nagugutom ngaun at walang trabaho pero sila talagang bonggang bongga ang mga effort nila sa mga kasuotan nila! PUNYETA! pera namin yan! nakakabwiset!

parang editorial asust! ito ay ang sa akin lan! 🙂

talagang pakapalan na ng mukha. teka ah hindi naman ako sa naiingget at teka rin anu ba ang ikakaingget ko? alam ako naman lahat ng mga nyan eh may katapusan. weder weder lang yan ika nga ni kuya kim. hay naku talaga naman. ipagdasal nalan natin sila na sana eh matauhan na sila.

hay naku eto naman ako parang gago parang may makikinig sa akin,alam ko marami ng gumawa nito pero anu? walang nangyari. well ito po naman eh isang epekto ng aking pakikinig ng isang OPM na inawit ni Gloria. eh ano ba magagawa natin wait nalang tau until 2010, pagbigyan nalan natin ang lola baka may magbago pa!

asust.

anu ito?

kaw ba ay naniniwala sa mga tulad nito? ako hindi ko pa rin sure eh. ipinakita lan ito ng aking katropa galing sa kanyang mobile fone. ito ay kuha diumano sa opisina ng katropa nya rin at sa hinding sinasadyang pagkakataon eh nakunan nila ang tulad nito na mistulang isang hugis bata. at nasabi pa sa akin ang opisina daw na ito ay dati daw na isang clinika. ewan ko kung nagkataon o isa lamang technical. letche bahala kana kung anu to’ asust.!

salamat pala sa katropa ko na nagbigay nitong larawan na ito, ung mga nsa larawan eh hindi ko personal na kilala. un lan!

Si Mangtatawas at ang Rum n’ Cola ala Kanto’

its been interesting day that was! kahit na medyo masama ang panahon, medyo maulan tuloy pa rin ang ligaya ahehehe. 🙂 at kung anu anong balita ang aking nasagap sa pakikipagtambayan ko nitong mga nakalipas na araw. nakakatuwa nalang pagnapakinggan mo.

akalain mo ba naman sobrang advance na rin ang teknolohiya sa isang “pagtatawas”? alam mo ba ang hilig kong sabihin? ito explain ko muna, ito ung taong nanghihilot, manggagamot sa pamamagitan ng isang palangganang tubig, kandila, at kutsara. gets mo na? basta kung natatandaan mo nung bata ka ng napilayan ka o nanunu ka dun kayo nagpupunta ng nanay mo. kasi ako un ang takbuhan ng mudraks ko pagmedyo nilagnat ako or sumthin’. alam mo naman ang mudraks ko medyo nagpapaniwala sa mga taong ganun, cguro dahil na rin sa mga matatandang tradisyon na nakaugalian na rin natin sa mundong ibabaw na ito. para sa akin naman eh wala naman akong comment o masamang masasabi sa mga tradisyon na ito. ito ang kwento bakit ko naging topic ang isang Pagtatawas, eh kasi naman ang kwento sa akin ng pinsan ko sa akin, dahil ilang araw na rin nilalagnat ang aking pamankin at medyo nagsusuka na sa hinding malaman na sakit, kaya napasyahan ng pinsan kong dalhin sa isang manggamot o ung sinasabi kong MANGTATAWAS. ito ang siste, akalain mo ba naman ang sabi ng magtatawas eh may dengue daw? asust, hindi ko alam kong maasar ako o matatawa? anung kaletchehan nyan’. masyado naman high-tech na ang ginagamit nyang instumento huh. kaya ayun medyo nataranta ang pinsan ko, muntik na mahighblood at mauna pa sa anak nya. ahehehhee, ang sabi ko nalan sa kanya eh bakit ndi nya dahil sa tunay na manggagamot o sa duktor 🙂 ang ending ndi naman pala dengue kundi isang inspiksyon lang sa ihi, at salamat nalan hindi naman pala dengue. as if nakakatawa ung Magtatawas na un.

MORAL LESSON: nasa 21st century na tau! wag masyadong nagpapaniwala sa mga lumang nakaugalian, alam ko namang walang masama pero kung ganito naman ay maging kahihinatnan eh aba mag esep esep ka muna. mas maganda pa rin na magpakunsulta sa tunay na duktor. un lang 🙂

at ito pang isa, kagabihan eh napadpad ako sa kabilang ibaya, meaning nangapit bahay ako para lang sa isang inuman. hehehe akalain mo ba naman na pwede na pala akong pangdayo para sa isang inuman. para ngang pang OLYMPICS! pero ang ending nalashing naman ako, at hindi ko kinaya ang mga powers nila. at dahil dun meron akong natuklasang bagong inumin, aktuwali, hindi naman sya bago pero bago sa paningin ko dahil nakita ko ito sa tambayan ng mga pasaway. ito ung tinatawag nila RUM n’ COLA

diba bago sa pandinig nyo? natikman nyo na ba to? sabi ko nga kanina eh hindi na bago to at isa itong cocktail drinks, napag aralan ko rin ito nung college, sa bar management ko. kaya ito ishare ko sa inyo ang simpleng halo nito:

1 bottle of RUM (tanduay o kahit na anung rum)

1 Litre of Coca Cola

10 PCS of Calamansi

thats it, meron kanang rum n’ cola ala kanto. asust. ang gagawin mo lang eh ipaghalohalo mo ang lahat ng ito sa isang pitsyel. walahh tapos at meron kanang masarap na inumin. mag ingat lang baka magpururush. happy pupu!

may kinabukasan pa ba?

i support.

nakakasawa na, tama na ang pahirap!

kaw? kelan?

iphone killer is here.

this will be my future phone. i like this one and better than iphone, ahehehe.

ito nga pala nga lalabas na latest from nokia at ito rin ang katapat ng iphone. mas bongga at hi tech!

ill give you some specs of this kewl gadget.

Nokia N98 specifications:

* 7.2 mega pixel camera with Carl Zeiss lens
* Optical zoom x5 and digital zoom x20
* 3.5 inch VGA 16 million color touch screen
* GPS
* Symbian S70 3rd edition (now that would be something)
* Graphics accelerator
* Bluetooth/WIFI b+g+n/HSDPA

source: http://forums.vr-zone.com/showthread.php?t=207242

at kung tatanungin nyo ako kung available na sya sa market, hindi pa sa ngayon dahil hanggang sa mga oras na ito ay nasa test market pa sya, at ako ang unang magpapaalam sa inyo kung availabla na sya sa market. ahehehehe ako ang sole agent dito sa pinas. asust. ahehehhehe 🙂

ABANGAN!

asust…

boy tulog p.2

dahil sa walang magawa at naisipan ko na may latest shots ako kay boy tulog kaya ito nalang ang pinagtripan ko! enjoy!

asust.