byernes at ang mahiwagang munggo.

matagal na rin ito gusto kong maging topic ko sa aking entry, at tuwing friday na lang eh ito ang nakikita ko sa aming hapag kainan, UU walang mintis yan. ewan ko lan kung anu kinalaman nito pagdating ng friday. kadalasan eh nagiging biruan pa ito ng aking mga katropa at aasarin pa ako na alam na nila ang aming ulam pagdating ng friday, naka nang! pero kung tutuusin eh wala naman problema sa akin, pero ang iniisip ko lang anu bang letcheng dahilan bakit kailangan pagFriday eh kadalasan eh MONGGO pa ang ulam, malamang ang iba sa inyo eh monggo rin ang ulam ano? asust! kaya ako eh nagresearch sa net king ano ang tunay na kadahilanan. hehehe. eh kasi naman matagal ko na itong tinatanong sa aking sarili, pwes ngayon eh matatahimik na rin ako…

ang mga dahilan eh ito:

UNA:  eh sa kadahilanang daw na ang monggo eh nadiskobre sa araw ng friday o biyernes. ganun lang kasimple un? ndi cguro. at nadiskobre din daw na pwede itong lamunin este kainin at napatunayang hindi ito isang uri ng holen. bwahaha🙂

PANGALAWA: ito rin daw ang main course sa loob ng kulungan sa munti tuwing biyernes! kaya karamihan sa mga nagtitinda nito eh mga naging inmate o naging preso sa loob. lol

ay naku mukhang kalookohan ito! nagbibiro lang po asust.

sa katunayan eh nalaman ko na ito ay naging tradisyon na sa ating buhay at nagsimula pa ito noong unang panahon. ito daw ay kinalaman tuwing semana santa o holy week. eh kasi naman hindi ba pag semana santa eh masama o bawal kumain ng laman, lolz lamang hayup, baboy, tsk,tsk… akala nyo kung anung laman na. kidding aside, cguro naman eh alam na nating ito mula pagkabata. kaya ayun dito na nagsumala ang saga ng monggo tuwing semana santa lalo na pagdating ng biyernes santo. asust. gets nyo ba ang gusto ko sabihin? malamang sana naman!

kaya ayun dun nagsimula un. kaya hanggang sa ngayon eh daladala natin ang tradisyong iyon lalo sa tuwing pagsapit ng friday.

pero kung tutuusin ah masarap ang kain ko tuwing friday ang sarap kasi ng monggo tapos samahan mo pa ng piniritong isda swak na swak tapos yosi. nakanang! ewan ko lang kung pati ung mga matatandang galit na galit sa monggo dahil ito ay kontra sa kanilang mg sakit ehehehe pasansya kau..jokes!🙂

hay naku weekends naman! happy weekends mga friendships! at sana eh may napulot kayong kapakapakinabang sa entry ko.

asust…!

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: