give me a sign?

bago ko isunulat ang entry kong ito ay nagcomment muna ako sa isang entry ng ating kapatid sa mundong ito, syempre ito ay may kinalaman sa kumakalat na email, sa txt, sa tv, sa dyaro at pati na rin sa ating suking tindahan eh pinagpipyestahan na rin ang tsismis na ito. eh sino ba naman ang hindi nakakaalam nito, ang isang malakas na lindol na tatama sa ating bansa at kung anu ano bang chuvang detalyeng sinasabi. oh well kung ako ang tatanungin nyo eh ito lang ang aking reaksyon: “ISANG MALAKING HUWATTT? KALOKOHAN!!” eh baka naman eh epekto yan ng globalwarming o nalipasan ng gutom? alam naman natin na WALANG SINO MAN ANG NAKAKAALAM KUNG KELAN AT ANUNG ORAS AT KUNG GAANO KALAKAS ang dadating na LINDOL? at sa mga oras na ito eh wala pang nakakainbento na makakapagsabi kung kelan lilindol!

eh kasi naman bakit ang hilig hilig nating makinig o makisawsaw sa mga walang kakwenta kwentang issue. pasintabi lang ah, hindi ko naman nilalahat, may iba lang. tsk.tsk.tsk. ito lang ang isang malaking punto ko, dahil sa dyan sa tsismis na yan, kung kanino mang adik na nanggaling yan eh, tsaka lang tau maghahanda? magdadasal? eh aba naman mga kapatid sa pananampalataya, nsa 21st century na tau at may lubos na kaalaman na tau pagdating sa mga bagay na iyan. isang malaking KATARANTADUHAN! nakakainis…errrrr.ALAM NYO ITO LANG EH SA AKIN LAN : sa ating araw araw na pakikipagsapalaran sa ating mga buhay eh kailangan nating na maging handa sa anu mang pagsubok, at handa nating tanggapin kung ano man ang magiging kahihinatnan ito. kailangan nating maging ready, ganun lang kasimple, hindi lang kasi dahil sa nalaman natin sa balita, sa email at kung kanino pa tsaka lang tayo maghahanda? aba teka? hindi na tau natuto ah.

at ang pinaka-importante sa lahat eh ang mahalaga..lolz, eh ang pananampalataya natin sa ating DIYOS. alam naman nating lahat na bukod tanging sya lang ang nakakaalam sa anu mang mangyayari sa atin sa hinaharap.PERIOD. BWAKANANG! un lang naman ang punto ko.

sa kabilang banda naman eh, ako ay nagmumuni muni at nag-aabang ng isang SIGN galing sa kanya, pero teka sana hindi naman ung sign na nakakamatay.Etchos. ito ay may kinalaman sa aking kinabukasan. in short sa result ng aking interview para sa trabaho. sa totoo lan nagsasawa na akong tumunganga dito sa haus. sa tingin ko naman eh maganda ang naging flow ng aking interview nung nakaraang araw, ang schedule eh 10am at ng ma interview na ako eh alas-3 na, pero okay lang naman sa akin un. sanay na ako na hindi kumain man lang basta makayosi lang ako.at ng turn ko na at tinawag na ang pangalan ko eh, mahigit kumulang na trenta minutos kami nag usap. sa tingin ko naman eh nasagot ko lahat ng tanung nya at maganda ang aming pag uusap.

kaya eto ako ngayon naghihintay ng resulta na lalabas ngayong friday na ito, at ngayon eh sobrang kinakabahan ako at nag aabang ng isang sign, na pakakapagsabi na ok na at pasok na ako or hindi? whew! how i wish! please give me a sign?

asust!

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: