kaw ba ay nabansagan na isang “Black Sheep” ng inyong pamilya? well kung hindi pa eh sorry ka nlang dahil ang masasabi ko lang eh napakaboring ng buhay mo! (joke lang!) at kung ganun eh masaya ka naman? eh kasi ako masasabi ko na kabilang ako sa samahang ito. at kung tatanungin nyo ako kung masaya eh aba anu ang ikinasaya non? aber? pero sa kabilang banda masasabi ko rin isa itong sumpa na mahirap lusutan. isa itong pagsubok na mahirap harapin at tanggapin sa mundong ito. pero kung isa ka sa mga tulad ko eh masuwerte ka pa rin dahil napaka bongga ang iyong life.pero teka papaano mo ba masasabi na isa kang Black Sheep? hmp… cge isa-isahin natin ang mga sintomas na ito. kasi ba naman para itong sakit na mahirap pagalingin at hindi basta basta. pero sa tingin ko naman eh hindi ito nakakahawa. Promise!
una alamin muna natin kung ano ang tunay na kahulugan ng salitang ito. (isa ba itong salitang pabalbal?)
BLACK SHEEP –
“A member of a family or other group who is considered undesirable or disreputable.” ( meaning hindi kaaya-aya sa isang pamilya, nakakahiya, isang pasaway, sutil, at kung anu-ano pa.) kaw anu ba ang pagkakaintindi mo?
sa aking pagsasaliksik sa aking singit etchos!, napuna ko lang eh sa bawat pamilya eh sa ayaw at sa gusto mo eh may isang miyembro na magiging Black Sheep. at totoo ang pinagsasabi ko. kahit nga sa isang grupo ng mga magbabarkada eh meron nito at kahit sa saang organisasyon eh mayroong ganito.
ito yong mga taong mga tinik sa isang pamilya o sa mga magbabarkada na wala ng ginawa kundi maghatid problema, at hindi lang minsan kundi kadalasan. kaya ang ending eh sya ang kontrabida sa eksena. at totoo naman ito. ito kasi yong mga taong wala ng ginawa kundi pasukin ang kung anu ano na hindi man lang nag iisip at ang ending ayun kadalasan eh losevaldez ang tama. ito yung mga taong wala ng ginawang tama sa mundong ito, kung meron man eh hindi man lang pansin dahil na rin sa sobrang dami ng kasablayang idinulot niya. TAMA naman eh at ito ang aking obserbasyon sa usaping ito dahil nakakarelate ako. sabi ko nga kanina pa na isang akong Black Sheep ng aming pamilya. sa totoo lang ang hirap ng role na ito, minsan nga eh naiisip ko na mas okay pa ang maging isang apipihan or inaapi ko, kinukutsa kaysa sa maging ganito. ito pa ang napansin ko na madalas na nasasayo ang sentro ng lahat at kung minsan eh hinihintay ang mga susunod mong kapalpakan na papasukin. ewan ko ba bakit may mga ganitong eksena pa? pero kung tutuusin eh hindi ito biro dahil kung mahina-hina ka eh sa mandaluyong ang bagsak mo, at kung hindi pa eh ang mas malala eh sa kabilang mundo ka dumeretso. ( eh yun eh worst na eksena na un.!)
hindi ko naman ginusto ang maging black sheep, pero siguro ito ang tinadhana sa akin. minsan nga lang eh mag-iisip ka na wala kanang kwenta sa paningin nila at kinakainisan ka. pero sa tingin ko at sa aking palagay eh hindi na naman at ito patas? at meron pa rin naman kaming paraan para magbago at patunayan na hindi kami habambuhay na maging ganito? pero kadalasan nga lang eh hindi na ito napapansin dahil ang masama eh, naka-mind set na sila at nakatatak na sa kanila na wala ng pagbabagong mangyayari?! eh aba sa aking palagay naman eh mali yan. at gusto ko ikabit nila sa kanilang mga tuktuk na meron pa kaming lugar sa mundong ito at maging pakipakinabang sa kapwa.Papaano? ito ung sinasabing proseso na hindi instant tulad ng isang pansit kanton na mabibili nyo sa tindahan sa kanto. napakaraming pagsubok at kailangan ng isang mahabang oras para masiayos kung ano ang tama. tiyaga at masusing pagsisikap ang mahalang sangkap para sa bandang huli eh mapatunayan mo sa kanila na hindi ka habambuhay na maging pasaway.
ewan ko ba kasi kung iisaisahin ko eh hindi tayo matatapos kung bakit ako naging ganito? siguro magbibigay lang ako ng mga ilang mahahalagang sitwasyon na aking dinanas na ako mismo ang sangkot. ito nga ang parati kong bukang bibig “Hindi ako perpektong tao!” siguro hindi lang ako ang nakapagsabi nito, pero siguro nga gasgas na tong katwirang ito. minsan lang eh hindi ko na sila maintindihan kung bakit ganito ang kanilang trato sa akin? at sa totoo lang sawang sawa ng akong mag emote sa mga bagay na ito kung tutuusin eh nasanay na rin ako at minsan eh deadma nalan ako, hindi na ako tulad ng dati na makikipagtalo pa sa kanila, at sabihin sa kanila ang aking saloobin kung bakit nagkaganun. dahil kahit anu namang gawin ko eh talo ako sa tagpong iyon. pangalawa eh sawa na rin akong ngumawa dahil walang epek na iyon. tama ang narinig mo. kadalasan at inaamin ko kahit sa mga panahong ito eh umiiyak ako. ito na siguro ang naging outlet ko para mailabas ang aking sama ng loob, pero sa ngayon pinipilit kong hindi sa kanilang harapan at pinipigilan ko ang aking sarili at sinosolo ko nalan ang lahat. alam ko masama ang hakbang na solohin ang isang problema pero wala na akong ibang choice eh? ayaw ko na rin magtiwala sa iba dahil minsan eh napapasama pa.
sinabi ko nga kanina na minsan eh kahit na gumawa ka ng tama eh baliwala na ito, dahil dyan eh hindi ko naman sila masisisi dahil alam ko rin at hindi naman ako manhid na sawa na rin sila at hindi nila inaalis na kanilang mga isipan ang mga nagawa kong hindi nila nagustuhan. pero sa tingin ko eh mali naman iyon? ang bawat isa sa atin eh may karapatang magbago. pero kailan sila makikinig sau? paghuli na ba ang lahat? hindi naman ata maganda iyon.
bakit kahit anong gawin ko eh wala ng kwenta? minsan hindi mo maalis isipin na gusto mo nalang bumigay. ito ba ang ikakatahimik nila? ikakatuwa nila?
ganito ata talaga ang tinadhana sa akin.
pero hanggang kailan? puro nalang tanong, at tanung, maraming tanong? wala na bang sagot sa mga tanong ko?
ayan pasensya kana dahil ikaw naman ang aking binuntunan ng aking mga suliranin wag kang mag-alala dahil hindi ako basta basta susuko, hindi makitig ang aking pag-iisip para bigla nalang bumigay. sabi ko nga malakas ang paniniwala ko na malalampasan ko ito at balang araw eh babalikan ko ang yugtong ito na ang aking magiging reaksyon eh matawa (hindi dahil baliw na ako! hindi siguro!) kundi matawa dahil maiisip ko na minsan sa aking buhay eh dumaan at nalagpasan ko ang pagsubok na ito na itinakda sa akin. eh naman sa dinamidami kong ipagdaan eh siguro kung sasabihin ko eh kahit ikaw ay isusumpa mo ako.
alam ko isang araw mapapatunayan kong mali ang kanilang inaakala na wala ng pagbabago. pwes mali sila at sisiguraduhin ko na sa tagpong iyon eh ipagmamalaki nila ako. kailan? …….
sa TAKDANG PANAHON.
asust.
Filed under: yugto ng buhay | 1 Comment »
You must be logged in to post a comment.