ate.

1096586525_5901b6a836_m-copy

kahit na kadalasan eh meron taung mga bagay-bagay na hindi sinang ayunan at alam ko dahil sa mga ganitong tagpo eh hindi naman talaga dapat eh andyan ka pa rin at inintindi mo ako. alam ko rin naman na marami na akong ginawang hindi dapat pero hindi ko man lang ito inisip na masasaktan kita sa bandang huli. hindi ko na rin mabilang kung ilang beses kita pinaluha at sinaktan imosyonal at pisikal pero andyan ka pa rin sa aking tabi. hindi ako perpekto na inaakala mo.

ilang beses na rin ako sumama ang aking kalooban dahil sa mga inaasal mo sa akin, dahil minsan eh hindi ko maintintihan sa aking sarili bakit mo nagawa ang mga bagay na ikinasugat ng aking damdamin, inakala ko na ikaw ung isang tao na makakaintindi sa aking kalagayan. tao lang ulit ako at nagkamali ng inaakala. sa huli ay aking napagtanto na ako mismo ang may kasalanan at hindi dapat kita sinisi bakit mo nagawa ang mga bagay na ikinasakit ng aking damdamin.

maraming beses ko na rin naisip bakit ikaw pa ang itinadhana sa akin para paging ATE.

marami naman dyan iba na karapatdapat? pero bakit ikaw pa?

walang perpektong sagot sa aking katanungan ito.

pero bigla ko nalang naramdaman ikaw ang taong hinahanap ko. oo dahil hindi ko naisip ang mga kahalagahang nagawa mo sa akin at naging one sided ako, sa madaling salita eh nagbulagbulagan ako. lahat ng mga bagay eh nasa ayos at nasa tyempo.

ako nakaramdam ng maling pag-aakala. dahil tao lang ulit ako.

pasensya na kung minsan na hindi ko sau napapadama ang aking pagmamahal dahil alam mo rin naman na hindi ako ung taong showy. sa kung bubuksan mo ang aking puso eh nasa tamang lugar kau at mahal na mahal kita. IKAW, si Omar, si Fudrak, si Mudrak.

kayo ang aking buhay. kayo ang dahilan kung bakit hanggang sa ngayon eh ako ay humihinga. dahil kayo ang aking inspirasyon sa buhay.

at ngayon, ito na siguro ang tamang pagkakataon para sabihin sau kung gaano ka kahalaga sa aking buhay. nagpapasalamat ako sa taas dahil ikaw ang kanyang binigay para maging isang ATE.

ewan ko ba at kung maaalala mo pa, siguro ilang milyon na rin akong nagsabing SORRY, at naalala ko rin ang sinabi mo sa akin, “walang kwenta ang sorry mo dahil hindi mo naman ito sinasabuhay.” ngayon sasabihin ko ito muli pero sa pagkakatong ito tinitiyak ko na sinabuhay ko na ito.

malayo pa ang ating lalakbayin, at ngayon pa lang gusto ko malaman mo na Mahal na Mahal kita ATE!

MALIGAYANG KAARAWAN SA IYO ate!.🙂aganewnewsign738

2 Tugon

  1. asust. -utot ahahaha

  2. akala ko, tungkol ito sa pelikula ni Ara at Christine Reyes. hehehe…

    ano palang sabi ni Ate nung nabasa ang post mo?

    may ganun pa un? hehehehe wala dead ma naiyak !!!🙂

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: