Betty La Pwe at Nicholasi.

mga kapatid nais ko ipakilala ang tunay na betty la pwe at nicholasi. ang tunay ng mga abnormal sa buhay ko. (Joke lan!!) ahahaha natuwa ako ng sobra nung makita ko ito kaya ndi na ako nagdalawang isip para ipakita sa inyo. achut. malamang wala naman magawa ang mga insan ko. hahaha 🙂

alabetty1

sya si Betty La Pwe…. at si Nicholasi….. 🙂

alabetty3

ang cute…. bwahahahaha 😛

alabetty2

si Nicholasi, adik!!! (joke!!!!)

Peace Insans!!! miss ko na kau!!

achut.

Note:

Maraming Salamas sa mga litrato insans!!!

newsigned3

Pera pera lang yan.

anu ang gagawin mo kung isang araw sa pag gising mo eh ito ang bumulaga sau?

1_775912948l-copymagugulat kaba? eto pa….

1_223009808l-copy1hmp… ang dami no?! cguro ilang beses pa ganyan karami pag ikaw nakajackpot sa lotto. pero cguro ndi nyo na maisip kung anu ang unang una ninyong gagawin dahil ako sobrang tulala nalan. hahaha.

pero alam ko rin dahil sa ganyang karaming salapi eh ang iba sa atin eh nababagong bigla. iba talaga ang epekto nito sa tao. uu aaminin ko kahit ako ndi ko sure. pero ang alam ko ang karamihan eh madalas ginagawang diyos ang mga ito. nalulunod sa dala nito at hindi na alam ang kanilang ginagawa.

hindi ito diyos kapatid, ito ay gawa rin ng tao.

may sarili tayong pag iisip at alam natin ang tama o mali.

salapi lang yan.

gusto mo?

achut.

newsigned2

KAIBIGANG “SADIKE”

isang araw na walang magawa kaya naisipan namin na uminom nalan. well kung inaakala nyo wala dito nyan eh dyan kayo nagkakamali. alam nyo naman ang pinoy pa nakakagawa ng kahit anung paraan basta ginusto niya! ayus. handa na ang lahat walang labasan sa kwarto. andun na ang lahat hayzzz.

29ec6ad94f724f45111b7b4b89b147cb-grande-copy

pasensya na ito lang kinunan ko ksi baka isumbong nyo pa ako  sa lespu!! ACHUT!

well alam ko naman ang iba sa inyo eh alam ang aking tinutukoy, ang MAHIWAGANG SADIKE!

tapos na butobuto, papaitan at isama mo pa ang ice cream bwahahahaha! sarap na kombinasyon mga parekoy! aun natapos din ang matino kong isip (kung meron man!) ahehehe

sarap buhay naman ako parang nasa pinas lan…

achut.

Note:

SADIKE – Isang inuming nakakalasing na ginawang patago dito (alam nyo naman kung nasan ako noh!). 🙂

newsigned1

new luks.

dahil napapanahon na at medyo nahuhuli naman ako  kaya naisipan kong baguhin na ang aking munting tahanan. para kahit papaano naman eh hindi kayo magsawa, sa madaling salita para bagong bihis ang aking blog. ahehehe 🙂

abangan nyo ang mga susunod na mga kwento ko tungkol sa mga bagaybagay sa aking mga paligid at kung anuanong mga naiisip ng malilikot kong utak. achut.

ayan na muna.

achut.

newsigned

salamas po.

Dear Best Friend God,

Salamat ng marami sa mga biyayang ndi ko man lang inaasahan.

nakakatuwa at nakakataba ng puso.

alam nyo na ang hilig ko sabihin at sana magtuloytuloy na ang swerteng ito at ipinapangako ko na mamahalin ko na at papahalagahan ang mga ito. PROMISE.

muli maraming salamat po best friend.

note:

naniniwala na talaga ako na walang imposible kay best friend. kaya iniiwan ko sa inyo ang katagang ito:

IT’S POSSIBLE, BELIEVE IT!!

aganewnewsign73104

silent mode.

199402952_a824db5eb1_mdahil ito lang ang pagkakataong magnilaynilay ako, pwes kahit andito ako sa gitnang silangan eh gusto ko namang mafeel kahit papaano eh simoy pinas. kaya eto ako muna ngayon…..

SILENT MODE.

aganewnewsign73103

PEACE.

ang bilis talaga ng panahon, ndi ko naman namalayan abaý nalalapit na pala ang “Mahal na Araw”. hayz parang kelan lang kung matatandaan ko eh nasa pinas pa ako at dun ako nagninilaynilay sabay kaming mga tambay eh nag iisip na kung saan pupunta para mag swimming. hayz nakakatuwang isipin at sa kabilang banda nakakalungkot din dahil ako andito na sa gitnang silangan para magkayod ng buto para sa aking kinabukasan. well a tingin ko rin naman eh tama ang aking naging disisyon na kailangan muna namin maghiwahiwalay at alam ko naman eh sa finals kami pa rin ang magkikitakita! etchos ang drama ko naman!! teka anu na naman itong mga sentimento ko wala naman sa hulog. ok mabalik tau sa aking mahiwagang tema walang iba kundi ang “Mahal na Araw”,marami sa atin sa mga oras na ito eh tapos na pagplanuhan kung anu ang kanikanilang mga destinasyon para sa mahabang bakasyon, meron dyan sinasamantala ang pagkakataon para makabonding ang buong pamilya at meron naman din dyan na pinili kasama ang buong tropa, at kung anu pa. hayz nakakamiss talaga. pero sana man lang mga kapatid hindi natin makalimutan ang tunay na kahulugan ng Mahal na Araw, at sana rin eh kahit papaano eh maisabuhay natin kahit sa maliit na bagay ang paghihirap at pagbuwis ng buhay ni bestfriend  Jesus. ndi ko naman cnabi na magpapako ka rin sa krus o saktan ang iyong sariling katawan, hindi ganun kapatid. para sa isang maliwanag na eksplenasyon eh maging makatao ka. (basta ganun, alam ko naman gets mo na ang hilig kong sabihin.) 🙂

at dahil dyan, ako mismo sa aking sarili eh magninilaynilay para sa mga panahong ito. ang malungkot lang dyan eh hindi ko magawang magtampisaw sa dagat o sa swimming pool dahil malamang wala dito nyan. charos! kayo nalang at kwentohan nyo ako ok. ok back to my topic mga kapatid. sabi ko nga kanina kahit sa maliit na bagay lang eh matumbasan ko ang ginawa ni bestfriend para sa ating sangkatauhan.

Una, tungkol kay Mr. Chip Tsao, alam ko naman kilala nyo sya. dahil narin cguro galing ako sa pamilyang kristiyano. ok cge PINAPATAWAD ko na sya at alam ko rin naman na nag-apology na sya. tinatanggap ko na ng taos puso. tao lang ako ako nagkakasala pero tao rin ako para magpatawad diba?! ok na un. PEACE!

Pangalawa, sa aking mga magulang, sana patawarin nyo rin ako sa aking mga pagkukulang at sana higit pa nila akong intindihin. pasensya na kung kadalasan eh talagang pasaway ako. aminado naman ako dun. sana ay hindi sila magsawa at patuloy pa nila akong suportahan at gabayan para sa isang matagumpay na bukas. 🙂 I love you Fudra n Mudra.

Pangatlo, sa aking mga kapatid, paumanhin kung minsan eh feeling nyo na binabaliwala ko kayo, alam nyo naman ako minsan wala sa ayos, pero alam ko naman sa huli at nararamdaman ko sa aking sarili na mali iyon. pasensya na. alam ko naman at alam nyo rin kung gaano kayo kahalaga sa akin at kung gaano ko kayo kamahal. (kahit ndi ako masyadong showy i know kahit papaaano eh nararamdaman nyo rin.! i hope…) kay ate at kay bunso salamat sa lahat. mwuahhh.

Pang-apat, sa tropa ko, hmp. anu ba? pasensyahan nyo ako kung minsa eh talagang paimportante ako at ndi ko alam na naasar na kayo sa akin. eh kasi naman ganun talaga ako,  sa ganung pagkakataon kasi eh nalalaman ko kung gaano nyo ako kamahal. mga repa alam nyo naman na ang dami na nating pinagdaan, at kalimitan pa eh ako mismo ang lumihis ng landas pero anu andyan pa rin kayo para intindihin ako. hayz wla na akong makikita na tulad nyo. achut. 🙂 mahal ko kau.

Panglima, sa aking kasalukuyang katrabaho, sa aking mga boss. hay panu ko ba sisimulan to? alam ko na ndi pa tau ganun magkakakilala pero ako sa aking sarili eh sinisigurado ko na meron akong puwang sa aking puso. sana lang eh magkaroon tau ng isang pagsasamasama tulad ng isang pamilya. kooperasyon at pagkakaisa sa bawat isa, un lang naman ang mahalaga dun. at tiyak un makakamit natin ang isang magandang bukas! (sana may sahod na bukas!! ahehehe!)

at ang panghuli, para sa buong mundo. ulet uulitin ko, ang panahong ito eh para kay bestfriend Jesus, ang gusto nya lang naman eh tau, lahat tau eh maisabuhay ang kahalagahan ng kanyang ginawa para ating lahat. ang hangad nya lang naman eh magkaroon tau ng pagkakaisa at pagmamahalan. un lang at cgurado naman ako na higit syang masisiyahan pag ito ay ating ginampanan.

hayan, nagmukha naman ako pare, pero ok lan masaya naman ako kahit papaano eh naishare ko ang aking saloobin. sana lang eh may makuha kayong aral sa mga pinagsasabi ko. wish ko lang!!

muli sa mga magsasaya ngayong panahon ito, enjoy!! (remember wag kakalimutan kahit sandali na magnilaynilay oki!)

mwuuahh..

achut.

aganewnewsign73102