silent mode.

199402952_a824db5eb1_mdahil ito lang ang pagkakataong magnilaynilay ako, pwes kahit andito ako sa gitnang silangan eh gusto ko namang mafeel kahit papaano eh simoy pinas. kaya eto ako muna ngayon…..

SILENT MODE.

aganewnewsign73103

Advertisements

PEACE.

ang bilis talaga ng panahon, ndi ko naman namalayan abaý nalalapit na pala ang “Mahal na Araw”. hayz parang kelan lang kung matatandaan ko eh nasa pinas pa ako at dun ako nagninilaynilay sabay kaming mga tambay eh nag iisip na kung saan pupunta para mag swimming. hayz nakakatuwang isipin at sa kabilang banda nakakalungkot din dahil ako andito na sa gitnang silangan para magkayod ng buto para sa aking kinabukasan. well a tingin ko rin naman eh tama ang aking naging disisyon na kailangan muna namin maghiwahiwalay at alam ko naman eh sa finals kami pa rin ang magkikitakita! etchos ang drama ko naman!! teka anu na naman itong mga sentimento ko wala naman sa hulog. ok mabalik tau sa aking mahiwagang tema walang iba kundi ang “Mahal na Araw”,marami sa atin sa mga oras na ito eh tapos na pagplanuhan kung anu ang kanikanilang mga destinasyon para sa mahabang bakasyon, meron dyan sinasamantala ang pagkakataon para makabonding ang buong pamilya at meron naman din dyan na pinili kasama ang buong tropa, at kung anu pa. hayz nakakamiss talaga. pero sana man lang mga kapatid hindi natin makalimutan ang tunay na kahulugan ng Mahal na Araw, at sana rin eh kahit papaano eh maisabuhay natin kahit sa maliit na bagay ang paghihirap at pagbuwis ng buhay ni bestfriend  Jesus. ndi ko naman cnabi na magpapako ka rin sa krus o saktan ang iyong sariling katawan, hindi ganun kapatid. para sa isang maliwanag na eksplenasyon eh maging makatao ka. (basta ganun, alam ko naman gets mo na ang hilig kong sabihin.) 🙂

at dahil dyan, ako mismo sa aking sarili eh magninilaynilay para sa mga panahong ito. ang malungkot lang dyan eh hindi ko magawang magtampisaw sa dagat o sa swimming pool dahil malamang wala dito nyan. charos! kayo nalang at kwentohan nyo ako ok. ok back to my topic mga kapatid. sabi ko nga kanina kahit sa maliit na bagay lang eh matumbasan ko ang ginawa ni bestfriend para sa ating sangkatauhan.

Una, tungkol kay Mr. Chip Tsao, alam ko naman kilala nyo sya. dahil narin cguro galing ako sa pamilyang kristiyano. ok cge PINAPATAWAD ko na sya at alam ko rin naman na nag-apology na sya. tinatanggap ko na ng taos puso. tao lang ako ako nagkakasala pero tao rin ako para magpatawad diba?! ok na un. PEACE!

Pangalawa, sa aking mga magulang, sana patawarin nyo rin ako sa aking mga pagkukulang at sana higit pa nila akong intindihin. pasensya na kung kadalasan eh talagang pasaway ako. aminado naman ako dun. sana ay hindi sila magsawa at patuloy pa nila akong suportahan at gabayan para sa isang matagumpay na bukas. 🙂 I love you Fudra n Mudra.

Pangatlo, sa aking mga kapatid, paumanhin kung minsan eh feeling nyo na binabaliwala ko kayo, alam nyo naman ako minsan wala sa ayos, pero alam ko naman sa huli at nararamdaman ko sa aking sarili na mali iyon. pasensya na. alam ko naman at alam nyo rin kung gaano kayo kahalaga sa akin at kung gaano ko kayo kamahal. (kahit ndi ako masyadong showy i know kahit papaaano eh nararamdaman nyo rin.! i hope…) kay ate at kay bunso salamat sa lahat. mwuahhh.

Pang-apat, sa tropa ko, hmp. anu ba? pasensyahan nyo ako kung minsa eh talagang paimportante ako at ndi ko alam na naasar na kayo sa akin. eh kasi naman ganun talaga ako,  sa ganung pagkakataon kasi eh nalalaman ko kung gaano nyo ako kamahal. mga repa alam nyo naman na ang dami na nating pinagdaan, at kalimitan pa eh ako mismo ang lumihis ng landas pero anu andyan pa rin kayo para intindihin ako. hayz wla na akong makikita na tulad nyo. achut. 🙂 mahal ko kau.

Panglima, sa aking kasalukuyang katrabaho, sa aking mga boss. hay panu ko ba sisimulan to? alam ko na ndi pa tau ganun magkakakilala pero ako sa aking sarili eh sinisigurado ko na meron akong puwang sa aking puso. sana lang eh magkaroon tau ng isang pagsasamasama tulad ng isang pamilya. kooperasyon at pagkakaisa sa bawat isa, un lang naman ang mahalaga dun. at tiyak un makakamit natin ang isang magandang bukas! (sana may sahod na bukas!! ahehehe!)

at ang panghuli, para sa buong mundo. ulet uulitin ko, ang panahong ito eh para kay bestfriend Jesus, ang gusto nya lang naman eh tau, lahat tau eh maisabuhay ang kahalagahan ng kanyang ginawa para ating lahat. ang hangad nya lang naman eh magkaroon tau ng pagkakaisa at pagmamahalan. un lang at cgurado naman ako na higit syang masisiyahan pag ito ay ating ginampanan.

hayan, nagmukha naman ako pare, pero ok lan masaya naman ako kahit papaano eh naishare ko ang aking saloobin. sana lang eh may makuha kayong aral sa mga pinagsasabi ko. wish ko lang!!

muli sa mga magsasaya ngayong panahon ito, enjoy!! (remember wag kakalimutan kahit sandali na magnilaynilay oki!)

mwuuahh..

achut.

aganewnewsign73102

semana santa…

08032008327.jpg

Para sa mga MASUGID kong tagaSUBAYBAY.

asust.. anung drama ito hehe wla lang na-esep esep ko lang na SEMANA SANTA na, parang gusto kong mag EMO asust ulet… hindi mga kabagang sa PANANAMPALATAYA ito na ang araw para tayo ay maligo este MAGNILAY-NILAY sa mga nagawa nating mga kaekekan este ulit KASALANAN seryoso mode na tau oki..

Paminsan-minsan naman sa isang taon eh maEsep nyo ang mga nagawa natin mga hindi maganda sa ating Pamilya, Barkada, Kachokoran at kung kanino pa bukod sa lahat sa kanya ung ATING DAKILANG TAGPAGLIGTAS ahemp hindi si shaider huh si JESUS CHRIST get mo na? ako medyo lan. Ito yung araw para balikan natin ang mga SAKRIPISYONG inalay niya sa SANGKATAUHAN namenn lalim nd ko mahukay.Serious olet oki. Akalain nyo pati ang kanyang sariling BUHAY ay ITINAYA niya sa atin eh tau naman taya ng taya sa lotto kasi 185+ MILLION na lake na nun makataya nga peste nsan na ba ako SERIOUS na nga eh.

442907606_c5c63f6d72_m.jpg

Hindi naman hilig sabihin eh magpapapako ka rin sa KRUS para aking OPINYON isa itong MALAKING KATANGAHAN bakit kamo ito eksplain ko ah… tapos na eh nagawa na niya iyon at wala tayong karapatan dun oki. Ang nais nya lamang eh ISABUHAY natin ang mga SAKRISPISYONG nagawa niya korak naman diba. Hindi naman sa minamasama ko ang mga nagpapapako sa KRUS maging makatotohanan tau mga KABAGANG!!! Kahit lamang sa mga simpleng pamamaraan eksampol kung nagyoyosi ka ng isang kaha isang araw  bawasan mu kahit limang isrik lang aba’y isang sakripisyo na un diba!

Tama ung napanood ko kanina sa TV hindi dahil sila nagpapapako sa krus eh naging malayo sila sa mga sakit asust… totoo lang ah hindi ang sabi ng PARE sa kanyang eksplenasyon nya eh dahil iyon sa kanyang PANANAMPALATAYA sa ITAAS ganun kasimple yon hindi dahil sa pagpako nya sa KRUS gets mo? kung hindi parin problema mo nyan oki ako nagpapaalala lan asust..

Nabasa ko rin kasi last nyt ung blog ni HOLY KAMOTE pasok na pasok sa BANGA ung mga sinabi nya PROMISH.!

Kaya ako ngayon MAHAL na ARAW eh MAGNINILAY muna ako para kahit papaano naman eh mabawasan ang mga KASALANAN ko db balik normal na lan ako baka next WIK hehehe ^^

Ung piktyur sa itaas wala lang yan peeling nagninilay lang iyan!! asust…

kaw KABAGANG magdasal ka oki para lab k ni JESUS…

hanggang sa muli,

signed3.jpg