a new found friend.

kung ang pamilya ni kumpareng Barack eh nakapili na ng kanilang aso, abaý syempre ang inyong walang kwentang lingkod eh nakahanap na rin ng bagong alagaing aso. ewan ko ba pagdating sa usapang aso eh talagang sinasapuso ko at tuwangtuwa ako sa mga aso. ito nga yong sinasabi ng karamiran na “MAN’S BESTFRIEND” at totoo naman at base sa aking karanasan eh talagang maaasahan mo sa tuwina! asust 🙂 sarapsarap alagaan. isa pa sa mga dahilan eh nakakaalis din sila ng pagod sa katawan. mabisang pangpatanggal ng stress sa buong araw na puros trabaho.

acheche, ndi na ako pagpapaligoyligoy pa ipapakilala ko na sila sa inyo, uu tama ang narinig mo dahil sila, hilig sabihin dalawa sila. teka lang muna hindi naman hilig sabihin nito na kinalimutan ko na ang aking nagiisang alagang aso na si CHOW. syempre sya pa rin ang number 1 sa aking puso. achut. pero syempre nagpapasalamat pa rin ako dahil binigyan parin ako ng pagkakataon na makakilala ng mga alagaan at talaga namang nakakatuwa at nakakataba ng puso.

eto na sila….

doggie

sya si doggie……

grey

at sya naman si greygie…..

doggiegrey

ang sweet nila anu??? hehehehe 🙂

aganewnewsign73106

Advertisements

superstar.

eksaktong magiisang buwan na ako dito sa Bayan ng mga Superstar. eto parin ako parang naninibago prin ang feeling, pero kung tutuusin eh hindi naman ako bago dito noh. cguro medyo may jetlag pa rin ako, dahil medyo natagalan ako bago bumalik sa lupang ito. ewan ko ba kasi iba talaga ang buhay dito kumpara mo sa pinas. (talagang ibang iba!)

cultured shocked.( ndi cguro!)

pero cguro pipilin ko na rin ang katayuan ko ngaun keysa buhay ko sa atin. bilang tambay kasi sobrang hirap din naman eh, okay lang kung may repa ka pang inom, panggimik, pangsugal at kung anu ano pang bisyo, pero kung wala eh nakakaburyong din no. duh no way again please! (ung ganung eksena lang naman ang ayaw ko.) pero sa kabilang banda eh nakakamiss din naman, lalo na ung mga tropa, ung mga kalokohan, gaguhan… hayz (konting tiis babalik ako dyan! pagpapayaman muna ako!) asust.

kaya eto ako ngayon kumakayod sa gitnang silangan, nakikihigop ng langis. chos. syempre ndi naman ganun ang uri ng trabaho ko dito no.

walang ibang tanawin ang iyong matatanaw dito kundi ung mga walang kwentang bado na ubod ng mga bastos, akalain mo ba naman, maglalakad ka lang para bumili sa tindahan, akala mo naman eh nakakita na sila ng tao?! uu ganun. pagminalas ka pa eh pagtritripan ka rin ng mga ungas at pagbabatuhin ka.

bwiset.

kaya talagang naniniwala na ako na wala talaga silang mga utak. puro tubig lang ang laman ng kanilang mga ulo. kaya kung ibebenta ang mga utak ng mga yan eh tiyak na malaking halaga ang kapalit. eh kasi naman “Slightly Used.” lol

blog

minsan nagmumunimuni nalang ako sa natutulala sa sobrang lawak ng disyerto, para bang nagbibidyoOke ka. (naghihintay ng lyrics na lumabas!) asust.

may dalawang kasabihan nga sila dito eh. ito ung dalawang pwede mong kahihinatnan dito.

una: Makalbo ka, dahil sa init ng heater ng tubig.

pangalawa: Mabaliw ka sa kakaisip!!!

kaya kailangang lang matinding KAPIT, dahil kung hindi eh uuwi kang nasa balik bayan box with matching TOBLERONE!

achut.

aganewnewsign73105

ewanski.

eto naman ako, ndi makatulog, walang magawa, walang maisip (kasi walang isep!) lol. ndi ko alam kung may patutunguhan tong isinusulat ko, ndi ko rin alam kung may kwenta man lang. ewan! dahil ndi ko alam. bakit ba ganun? nung tambay ako gusto ko magkatrabaho? ayun nakatapak naman ng swerte eto ngaun may work ulet, as in work to death. aktuwali ung work ko eh ndi naman ganun kabigat o nakakapressure compare sa previous work ko, pero ewan ko ba nakakaramdam naman ako ng pagkaburyong, in short tinatamad!!!! errrrr I HATE this feeling. duh. asust. ngayon naman eh hinahanap-hanap ung pagtambay, pero (talagang may pero no!) tuwing nagbubukas ako ng news sa net, nakakabasa ng ABANTE Middle East Edition eh sandamakmak ang mga balitang nagsasarang mga kumpanya, pabrika at kung anu pang tsenes na pinapasan ng sambayanang pinoy. uu nakakagulat kasi ndi na biro ang mga bilang na WALANG TRABAHO ah. nasa 2 Million + na ata ang tambay sa atin, kaya naisep-esep ko na madyo maswerte pa rin ako dahil sa gitna ng krisis eh nakabingwet ba ako ng trabaho. at dahil dyan eh medyo nagkakaroon ako ng sipag sa katawan at medyo nahimashimasmasan na pagbutihin ang aking trabaho. dahil ayaw ko ng mawalang ng trabaho sa mga panahong ito!! Nah not this time dude!! ewww.. (bwahahaha yabang ba!!) lol

at mas lalong ayaw ko ng umasa ulet sa aking mga magulang at mga kapatid dahil nakakahiya (kahit ndi ko minsan ramdam!!) chos. gusto ko man lang na patunayan sa kanila na may dalawa ako paa para maitayo ang aking sarili na taas noo sa kanila! yessss.. lalim. well totoo naman ang lahat ng mga pinagsasabi ko at sino ba ang may gusto na umasa nalang sa ibang tao aber? uu dahil sa kabilang banda eh masarap umasa nalang, tanggap nalan ganun!!? pero ofkors naman no magsasawa rin kung sino mang tsakang taong un at makakapag-esep na inuuto mo na este hindi naman kasi habang buhay na makakasama mo sila. in short, ikaw sa sarili mo. gets mo? letche hirap ipaliwanag, basta ganun. lolz

hayz this is life, kailangan mo lumaban para mabuhay na hindi umaasa sa ibang tao (hmmp. malapit na ako dun PROMISE!) bigyan nyo lang ako ng sapat na panahon para marating ko ang tutuk ng tagumpay, at alam ko rin na marami pa akong kakaining Shawarma at Kabsa (as in puro manok, feeling ko tuloy tunutubuan na ako ng pakpak.) konting tiis lang, sabi nga ni Manny Villar, kailangan lang ng SIPAG at TIYAGA, ayus na ang buto-buto este ang buhay at tiyak na makakamit mo ang minimithi mong TAGUMPAY! (hmp. ndi ko naman hilig sabihin nun eh iboboto ko sya para Pangulo noh! ndi pa ako nagdidisisyon!, maybe later pag-usapan natin yan!!) asust!

well sana eh may sense naman ang mga pinagsasabe ko, at may naintindihan kayo. wala kasi ako maisip na magandang topic eh.
isep pa ako. 🙂

aganewnewsign73104

year 1.

Ang bilis talaga ng araw ndi ko namalayan isang taon na pala ako dito sa wordpress nagbloblog ng kung anu anung kabalbalan mga naibabahagi ko sa inyo at nagpapasalamas din naman ako dahil kahit papaano eh tinatangkilik nyo rin! wow. nakakataba ng puso. sarap isipin at higit sa sarap namnamin. isang taon na puno ng mahahalagang nangyari sa aking buhay at sa aking kapaligiran na aking nasasaklawan! lalim. etchos.

cguro kung bibilangin ko ang taon ko dito sa mundo ng blogospir eh kulang-kulang sa 4 na taon na rin. nagsimula ako sa livejournal at lumipat sa kasalukuyang tahanan ko ang wordpress. diba feeling artista. napipirata rin. bwahahahaha.

anu ano ba ang mga aasahan nyo sa susunod na taon sa blog na ito? pwes ndi ko rin alam depende kung ano ang maisip at mailathala eh un na un. syempre kung anu anong kwentong kalye at barbero ang maisip ko. hayz. pero as of the moment eh hindi na ako isang DAKILANG TAMBAY dahil may trabaho na ako dito sa bayan ng SUPERSTAR. alamin nyo nalang kung san.well ano na ba ang nararapat na tawag sa akin? BAGONG BAYANI? ndi cguro. eh kasi naman un ang tawag sa mga OFW na tulad ko diba? pero ndi ko feel ang titulo na yan at alam ko maraming sasang-ayon sa panig ko. at alam nyo na kung bakit. nakakaburaat lang kung iisipin at baka mapraning ka pa! letche. 😛 sa susunod na entry ko na ipapaliwanag kung bakit at ano ang hilig kong sabihin, hindi ito ang tamang araw. okay.

hayaan nyo muna ako magbunyi dahil anniv ko bwahahahaha! hapi anniv to me.
MARAMING SALAMAS SA INYONG LAHAT at hindi ko na iisaisahin baka ndi ako matapos dito, cguro naman alam nyo na kung sino kau. SALAMAS sa walang sawang pagsuporta, sa mga magulang ko (Mudrak at Fudrak) luv u!, sa mga kapatid ko alam nu na kung cno kau, ‘miss ko na kau, letche parang nanalo ng awards. hayz basta sa INYONG LAHAT mwuahhhhhhhhhhh…..

till next time.

asust rules.

aganewnewsign73103

im backkkkk..

ilang linggo rin ako ndi nakapagsulat sa aking munting blog dahil medyo busy mode ako at medyo badtrip rin dahil sa ginawang kasablayan ng aking agency sa manila. mga putang ina nila kung alam ko lang ang mangyayari pero dahil hindi nga eh panay mura na nalang ang inabot nila sa akin. aktuwali un lang ang problema dahil akalain nyo ba naman mahigit sa 18 oras kaming pakalat kalat sa airport ng singapore ni wala man lang kainan. nagmukha kaming mga gusgusin na pakalat kalat. letche. ilang beses kaming sinita ng mga pulis. punyeta talaga!!

eto sa awa ng diyos eh nakarating din kami sa aming patutunguhan. sa bayan ng SUPERSTAR! bwahahahahaha 🙂 ayus sa alright. hindi ko rin maubos maisip na babalik pa ako dito dahil ilang beses ko na rin sinumpa ang bayang ito. pero eto ako ngayon dito parin ang aking baksak. ahuhuhu. cguro andito ata talaga ang aking kapalaran. wish me luck! etchos 🙂

welcome home aga!! asust!
🙂

aganewnewsign7310