bakit single ka pa?

hey..hey.. single kaba?
Possible Reasons why Single ka pa hanggang ngayon..
Just want to share this..mag-isip -isip ka..baka isa sa mga eto ang dahilan..
1. Destiny Adik

Eto yung mga naghihintay kay “Destiny” na gumawa ng paraan para pagtagpuin sila ng kanilang mga “partner in life”.. ayannn… kapapanood nyo ng “Serendipity” eh feeling nila ang nangyari sa movie eh mangyayari rin sa kanila such a cliche.. hindi ba nila alam na kung walang effort destiny is useless.
2. Perfectionist/ Mapili

Yes, isang taong perpeksiyonista. Yung tipong dapat ganito ang magiging kapartner ko. Pag may nakilala, nakita lang na pangit ang kuko o may dumi lang, turn-off na agad. O kaya ang daming ayaw. Ayaw sa mabait boring daw, gusto bad boy/ pilya pero kapag pinaiyak ka tatanungin ka bakit ang sama mo bakit mo nagawa yun! Adik ka ba?! Ayaw sa cute, ayaw din naman sa panget. meron dyan gusto ka ayaw mo naman.. yung gusto mo halos magtambling ka pero deadma parin yang stunts mO sa kanya! Pasaway ka rin e! Ano ba talaga kuya?
3. Busy Busyhan

Opo, eto yung ang mundo e gumagalaw lang sa libro at ballpen kung estudyante ka o kaya naman sa computer at files kung office staff ka. Yung tipong aalis ng bahay ng alas 6 o alas 7 ng umaga at uuwi ng bahay ng 6 hanggang alas 8 ng gabi [baligtad naman para sa mga nag tratrabaho sa call center]. Sabay tulog na. Kapag sabado masaya na sila sa tv, sa pagkain na niluluto ni mama at sa linggo naman sisimba at maghahanda na ng kelangan para sa lunes hanggang byernes. Pssssst.. pause for awhile.
4. Friendship Theory

Ano naman ito? Eto yung ang buhay ay kay bestfriend o kaya kay special friend na hindi masasabi sabi sa friendship nya sa loob ng kanilang mahabang panahon na pagsasama dahil baka daw maapektuhan ang pakikipagkaibigan at iwasan sya. Yung tipong pag may kasama si friendship na iba, nagseselos na wala naman sa lugar, pero syempre wag pahalata, kunyari happy sya for friendship. ABA ! Oi lakasan mo ang loob at baka mamaya forever mong pagsisihan yan kaw rin. Minsan pa naman pareho kayong naghihintayan. . hmmp!
5. Born-to-be-one (Authestic)

Eto yung nasa palad na ang pagiging single daw. Walang reasons. Basta lang nabuhay sya sa mundo na mag-isa at feeling nya mamatay sya sa mundo ng mag-isa. Kesyo magmamadre o magpapari na lang. Asa kang tatanggapin ka pa noh!
6. Happy-go-lucky

Eto yung taong walang alam kundi kasiyahan at trippings. Kahit sino nalang basta no string attach. For fun lang daw.. Walang halong seryosohan. ABA hoy! yang init ng katawan mo e ikiskis mo nalang sa pader. Makakahanap ka rin ng katapat mo!

7. Wrong Place

May nakaranas na ba nito? Yung pakiramdam mo nasa ibang mundo ka. Yung ang nakakaharap mo e yung mga hindi mo gusto, yung mga hindi mo hinahanap. Alam mo yun? Halimbawa nasa ibang bansa ka, pero ang hinahanap mo e yung amoy ng nasa sariling bayan mo. O kaya naman e nasa sarili mong bayan ka, nasa normal na lipunan, pero ikaw ang abnormal at hindi mo kayang sabihin na abnormal din ang hanap mo kung ayaw mong ibitin ka nila ng patiwarik.
8. Wrong Time

Eto yung mga tao na sinasabi na, hindi pa ako ready e bata pa kasi ako o kaya naman hindi pa ako handa sa panahong ito, wala pa ako kayang ipagmalaki. Yes meron pong ganyan. Yung feeling nila may tamang panahon para sa love. Awwww. Aba kelan yun? Pag uugod ugod ka na at yung time mo e bitin na? O baka naman pag pang out of time ka na? Oist, sugod lang ng sugod.
9. Si parents kasi!

Yes, factor din ang komyunidad na ginagalawan mo. Una, ayaw pa ni mader o pader na magkaron ka kahit 22 anyos ka na at kelangan umabot ka muna raw ng 40 bago magkaroon ng gf/bf. O kaya naman ikaw mismo! Takot sa sasabihin ni parents at ni kapitbahay na tsismosa sa magiging kasama mo. Aba ikaw na nga ba ang sabihan na.. Alam mo hindi kayo bagay. langit at lupa kayo. Awww. Payo ko sayo, Pakialam nila diba?Palibhasa inggit!

10. Traumatic Experience

Eto kalimitan ang reason ng marami. Ayaw ko na! takot na ako mangyari pa ang nangyari dati!
kaw single ka prin ba hanggang ngayon? ano ang dahilan mo sa mga ibinigay sa itaas?? wait ko mga sagot nyo..asust..

bravo baste!

goodluck to san sebastian college-recoletos basketball team!!!

BRAVO BASTE!!!

dugong sebastino to’ asust.

isang pagpupugay!

isa namang nakakatuwang pangyayari at nakakataba ng puso, syempre sino ba naman ang hindi nakakaalam na nilagay naman tayo ni Manny Pacquiao sa mapa ng mundo at taas noo niyang ipinagmamalaki na sya’ ay pinoy! oh well and i’am very proud of it also. galing galing nya! wala kang katulad MANNY!

again and again Congratulations and Mabuhay ka!!!! asust! saludo kami sayo!!

asust….

the day that was.

dahil na rin sa kadahilanang inaatake naman ako ng bwiset na insomia kaya naisipan ko na lang na iblog ang mga pangyayari sa akin sa buong araw na ito. o well papel sabi nga nila, naging isang makabuluhan at nakakapagod na araw ito para sa akin. sa simula palang ng aking araw kailangan ko na magising ng maaga, mga 6:30, aba isang achievement ito dahil nagawa ko ang bagay na ito, base kasi sa aking schedule that day eh may appointment interview ako about 9:30, so syempre kailangan ko pa magprepare ng aking sarili para sa maging maganda ang resulta ng aking interview, maalala ko lan sabi sa akin ng Mudraks “parati nalang interview, interview ndi ka naman nagkakatrabaho!!” ewan ko kung nangaasar sya o anu mangdahilan nya kung bakit nya iyon nasabi sa akin. eh naku naman Mudraks eh kahit naman ako eh nagsasawa na rin kung tutuusin para bang I want to give up, pero at the end of the day eto ako nakikipagsapalaran pa rin para magkaroon ng trabaho ulet. at ang ending alam nyo ba na nainterview na me ng interviewer mga around 11:30am hehehe nag intay lang naman ako ng mahigit 2 hours na nakikinig at tinitingnan ang mga kasama kong nag aapply din. well maganda naman ang result sabi ko nga dahil meron pa aw akong final interview with HR-Directo this coming Tuesday, ganon? mahabang proseso pala, pero ok lang sa tingin ko eh kaya ko naman at talagang kakayanin ko para naman eh sa ganun magkatabaho na me ulet. asust.

ayan sobrang busy mode ako nung umaga, well about lunch time eh may lunch appointment naman ako sa aking long lost friend, cguro naging kaibigan ko sya back in my college days, and ang last naming date eh 3 years ago na rin un. diba nakay nyo ang schedule ko. paang executive whapppakkk! ayon medyo late lang ako ng mga 10minutes in the said appointment pero okay naman ang naging outcome, we talk about our life, work, (naku po work eh ako sabi ko almost 6 months na akong nakatengga sa bahay, at walang ginawa kundi magpasaway!) ayun natawa lang sya. kwentuhan about the past life, ung mga nangyari before. ang saya habang kumakain kami sa isang japanese esto. bigtime na nga itong kaibigan ko dahil maganda ang kanyang company and guess what ang sahod nya is in US curency sosyal, dito lan sya nagtratabaho pero astig talaga! parang ngayon lang me nakarinig noon dito sa Bayan ni Juan. asust, ang ending sya ang nagbayad ng lunch namin.hehehehe, UU talagang dapat sya eh sya nagyaya eh. asust. cguo nagtagal din ang aming paglolokohan este pag uusap fo about an hour. masayang masaya ako dahil atleast nakita ko ulet sya! Bravo!

syempre after my lunch appointment, I check my sched, asust. joke lang wala naman akong schedule kundi ang uwumi na sa bahay, ito ang siste mga fiendship, habang naglalakad ako palabas ng mall, at nasa labas na teka paang angulo? hehehe ito ang tama, habang naglalakad na ako pasakay ng FX eh lumabas naman sa akin ang aking pagka CARELESS, akalain nyo ba naman na sumabit ang pantalon ko sa punyetang bakal at ayun nasia at talagang nasira sa pagkakatahi sa kagiliran ko. Badtrip eh gagamitin ko pa naman ito para sa tuesday Final Interview ko. bweesit.. anyways at nakauwe na rin me ng matiwasay patungo sa aking tahanan.

pagdating ko sa aminm nakasalubong ko ang pinsan ko, hehehe talagang narration itong entry ko ngayon ah. ayun at sinabi nya sa akin na may granada raw! ako naman huh? granada san? sa bahay? nag isip ako ng mabilis! anu ba to joke? pero hindi mukhang totoo nga dahil seryoso nya itong sinabi sa akin, ako naman agad agad umuwe sa bahay, at wala naman akong nakitang nagkakagulo or what sa bahay paglabas ko tinanong ko ulet si pinsan kong san ung sinasabi nya? at napag alaman ko dun pala sa bukid, dahil may mga tambak ng mga lupa dun, at may mga batang nagbabakal at sa pagbabakal nila eh maynahukay silang isang granada na wala ng pin. at ang siste pa eh nagawa pa nilang kunin ito at dahil sa junk shop para mabenta tama ba un, at hindi pa natapos dun binalik pa nila ulet dun sa tambakan ng ito ay tanggihan ng may ari ng junk shop. eh cno ba namang tangang bibili nun aber? at nung mga oras na un eh walang lakas loob na may tumawag sa mga pulis o sa barangay man lan, syempre ang lolo nyo ang gumawa ng effort para sa eksenang ito. wow malasuperhero ang dating ko. ending kinuha ng mga grupo ng mga pulis na may kaalaman pagdating sa mga bagay na yan. solved! at thankful din ako dahil wala naman naperwisyo at nasaktan dahil sa pesteng granada. moral lesson ‘wag mag hukay. whhaappakkk! asust.!

kinagabihan medyo relak relak nalang ako, at nanuod ng championship game ng basketball sa aming barangay, sa kasamaang palad ang aming lugar eh pang 3rd lang ang nakula pero atleast they prove to it na nasa big 4 sila sa boung barangay. it was a very hot and wet game, kasi ba naman sobrang init at tagaktak ang aking mga pawis. asust. congrats ulet mga tropang asust!

ayun at para sa aking konglusyon sa araw na ito, talagang naging busy mode ako with matching malasuperhero pa ako…whew. yabang. masarap ang pakiramdam at nakakafulfill na naman. un lang para sa araw na ito at baka tamarin na kayong basahin ito dahil sa sobrang haba heheheh

hanggang sa muli.

http://www.lilxean.com

http://www.lilxean.com

well oh well this is my new address as of today, guys please update your blogroll asust… next level na to mga parekoy, medyo nakatsamba ako hehehehe. ito po ang unang hakbang para sa mga susunod na pagbabago ng aking blog, marami pang pagbabago sa mga susunod na araw…yahoooooo….

from https://xplorasyon.wordpress.com to http://www.lilxean.com my new addy…

si frankiieeeee..

aba! hindi na biro ang epektong iniwan ni pesteng Frankiee ah. sobrang nakakadala at nakakatakot, akalain mo humigit sa ilang daan na mga kababayan natin na hanggang sa ngayon eh nawawala at ung iba naman eh wala ng buhay. my gosh..my gracious… nagagalit na naman si Mother Earth at sinubukan naman tayong mga taga lupa. how you doin huh? ano naman ba ito? noong una eh hindi pa me naaapektuhan dahil na rin kasi nasa gimik ako noong mga panahong iyon, in short nagpapakasasa ako sa kasiyahan kasama ang aking mga tropa..whapppakkk kayo nyo un? ako kaya ko..asust.

sa ngayon eh ang dapat lang natin gawin eh magdasal at magdasal para maiwasan na maulet ang mga pangyayaring ito sa mga darating na panahon…

pesteng frankie…

wala na sana sa plano ko ang sumama sa outing last saturday, dahil sa mga kadahilanang, una wala na akong budget, pangyosi nga nahihirapan na ako bumile, asust, pangalawa dahil medyo hindi maganda ang aking pakiramdam, at ang huli dahilan eh, masama ang panahon dahil sa pesteng este bagyong Frank. sobrang tinatamad talaga ako noong mga panahong iyon, pero ang ending ayon nakasama pa rin ako. Bhaketttt kamo? kasi wala raw buraot at pasaway. Naka nang ako buraot at pasaway? hmp… cguro nga ahehehehe. hindi pa rin ako kumbinsido sa mga rason nila. isa lang ang alam ko kung bakit gusto nila ako makasama, dahil wala silang clown at ung tipong maasar nila pagdating dun sa outing. center of destruction ba. whaapppakk…

astig talaga ang naging outing na yon, bukod sa matagal na itong plano ng tropa, cguro bago pa magsimula ang summer season eh pinaplano na ito, pero hindi matuloy-tuloy dahil sa mga walang kakwenta-kwentang mga hussle, dahil sa hindi magkasundong venue, may gusto sa dagat, meron gusto sa pool. ayon kaya tumagal ng halos 4 na buwan. sa awa ng Diyos ayon natuloy din sa gitna ng masunget na panahon at hindi lang basta masunget na panahon ah, masasabi ko rin world record ito dahil sa storm signal number 3. asust kaya nyo un, malamang hindi nyo na naisip yon at hindi nyo na rin nanaisin. ahehehehe. ibang klaseng trip ito to the next level ba!

dun lang naman kame napadpad sa Binangonan somewhere there. isang private resort.maganda naman ang place, i mean perfect sa tropa, hindi lang perfect itong si Frankie, medyo hindi nakisama sa amin. bukod sa matagal na naming plano ang outing na ito, may nakisabay na rin sa selebrasyon dahil kaarawan ng aming butihing kaibigan na si Mr. RatioBells. Happy Birthday ulet!!

whew natuloy din sa wakas! ang sumatutal isang masayang- masaya bonding ng tropa, at masasabi kong hinding hindi ko makakalimutan ang araw na iyon. syempre nagpakalango nanaman ako sa alak at sa pool till morning. pasok na pasok talaga sa bonggang bonggang banga.

akala cguro ni Frankie kaya nya kame, naka nang hindi cguro. asust.

ayon lan muna para sa ngayon..whappppakkkk.. antok na ako.

karma’t sumpa.

nararamdaman ko lang nitong mga nakalipas na araw eh hindi maganda ang mga nangyayari sa akin? ito ba ay epekto ng isang karma? pero sa pagkakaalam ko eh hindi totoo ang karma! at wala rin ito sa diksyonaryo? teka tsek ko ulet. wait lan. ***paused for a while

kar·ma
1.Hinduism, Buddhism. action, seen as bringing upon oneself inevitable results, good or bad, either in this life or in a reincarnation: in Hinduism one of the means of reaching Brahman. Compare bhakti (def. 1), jnana.
2.Theosophy. the cosmic principle according to which each person is rewarded or punished in one incarnation according to that person’s deeds in the previous incarnation.
3.fate; destiny.
4.the good or bad emanations felt to be generated by someone or something.

mali meron pala ahehehe, pero ndi ko na maalala kung saan ko na nasagap, ah ayun naalala ko na sa isang sermon pala ng isang pari ng minsan ako ay nagsimba. ang KARMA ay isa lamang kathang isip ng mga tao at isa lamang kahibangan, ewan ko pero sa tingin ko may puntos din yung paring iyon. at naalala ko pa ang isang kaibigan ko na nagkaroon kami ng konting pagtatalo tungkol sa KARMA. syempre ang ending hindi ako nagwagi sa dabating iyon. sa bandang huli medyo sumang-ayon na rin ako sa kanya. ang KARMA ay gawa lamang ng mga taga lupa at hindi ito galing sa Diyos, sa katunayan eh hindi ito nasusulat sa BANAL na AKLAT.

eh ano ang nangyayari sa akin ngayon? ito ba isang SUMPA? asust! totoo ba ang SUMPA? sa ngayon eh hindi ko alam. whappaakkk. ang dami ko naiisip pero hindi ko alam kung paano sabihin. eh sino naman ang magsusumpa sa akin? siguro madumi lang ang utak ko sa mga oras na ito kaya kung ano ano ang naiisip ko. isang malaking EWAN at LETCHE!!!

ito cguro ang nakatakda para sa akin, at kailangan kong tanggapin ng maluwag. KOREK KOREK! isang malaking tsek! wala na naman ako magagawa eh. 🙂

hehehe cguro nagtataka kau kung anung hilig sabihin ko? kasi ba naman ang ilap-ilap sa aking ang makahanap ng trabaho sa mga panahong ito! panay kamalasan! aba akalain mo halos kalahating taon na akong nakatunganga dito sa bahay, palamuning baboy ng aking mga magulang, at kalabit penge sa mga kapatid ko. ang saplap diba? sa totoo lang hindi ko ito gusto! ang hirap lumagay sa katayuan ko. pero ang akala ng mga magulang ko eh nag-eenjoy ako at ang mga kapatid ko eh akala masaya ako sa aking lagay! ISANG MALAKING KAUNGASAN! hindi ko gusto ito.

hmp. hindi pa naman ako sumusuko makikipagsapalaran pa rin ako! OO tama ka kayo ko to’ ako pa! hehehe palakas loob pa un! ayan kahit papaano naman eh medyo na gets’ nyo na ang gusto kong tumbukin. magulo naman ang entry ko na to’ baka wala naman magtiyaga magbasa.

asust. asust at isa pang asust! balang araw sisiskat din ako. wag’ mo lang itanong kung kelan basta malapit na. sa takdang panahon! whew.. 🙂 sama ka? hehehe 🙂

hiding place v.1

isang pagkakataon nanaman ang naganap ng hindi ko inaasahan nitong nakalipas na araw, aktuwali, wala me ako kaalamalam na mapapadpad ako sa isang tagong lugar. ahehehe ano ba ang pinagsasabi ko? sa HP or hiding place. ito ay isang Beer House na puno ng mga bellas at alak. ahehehehe ang saya! wala naman talaga sa plano ko ang magpunta dun o hindi man lang man pumasok sa aking brain dahil na rin cguro abala ako sa kakatunganga dito sa bahay at higit sa lahat wala akong budget para dun. sabihin na natin na nadali lang ako ng aking BBF (best budz forever!) na si Baldo. isinama at nakisawsaw o pwede na ring sabihin na buraot ako dun. ewan ang gulo naman, basta ganun ang nangyari.

kung sa bagay maiba naman ang nasa kapaligiran ko, dun ako magdamag nakatunganga sa mga bellas na sumasayaw…asust! halos tumigas na ang aking…. mga leeg sa kakatingin sa kanila hehehe akala mo kung nao na ang tumigas tsk..tsk.. tsk.. 🙂

at syempre ndi mawawala ang alak sa lamesa. ewan ko ba ano ang nakain ng aking BBF kung bakit dun pa kami nagbonding? medyo na nalashing naman ako at medyo nagdramahan kami tungkol sa mga buhay-buhay, mga pangyayari na hindi inaasahang dumating, pinag usapan lang naman at sa huli aming pinagtawanan! walang kwenta!!

at sa mga ganitong tagpo, ang dating namin eh pangwakasan naman, kami na ata ang natira sa loob ng taguang lugar na iyon, in short kami ang nagsara. 🙂

ang ending naming dalawa eh sa mcdo para magkape? gusto mo?

medyo papaano maganda na rin ang nangyari, dahil nakabonding ko ang aking bespren doon!! asust 🙂 hanggang sa muli! ang hp bow. 🙂

sulat ni tatay at nanay.

Sulat ni Tatay at Nanay

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag-kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako tuwing sisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng bingi, pakiulit na lang ang sinabi mo o pakisulat na lang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang-plaka. Basta pakinggan mo na lang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? Kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo ‘yung sasabihin, maghapon kang mangungulit hanggang hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensiyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy-matanda, amoy-lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensiyahan mo sana kung madalas, ako’y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin ako.

Kapag may konti kang panahon, magkuwentuhan naman tayo, kahit sandali lang, inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho,

Subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakuwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kuwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kuwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako’y magkasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan. Pagpasensiyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtiyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana . .. dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina. ..

Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles

CWL Spiritual Director

St. Augustine Parish, Baliuag, Bulacan”

———–

aktuwali matagal ko na hinahanap ito napaiyak ako dito! sapul na sapul! kaya ito ishare ko lang ulet sa inyong lahat!

asust….