karma’t sumpa.

nararamdaman ko lang nitong mga nakalipas na araw eh hindi maganda ang mga nangyayari sa akin? ito ba ay epekto ng isang karma? pero sa pagkakaalam ko eh hindi totoo ang karma! at wala rin ito sa diksyonaryo? teka tsek ko ulet. wait lan. ***paused for a while

kar·ma
1.Hinduism, Buddhism. action, seen as bringing upon oneself inevitable results, good or bad, either in this life or in a reincarnation: in Hinduism one of the means of reaching Brahman. Compare bhakti (def. 1), jnana.
2.Theosophy. the cosmic principle according to which each person is rewarded or punished in one incarnation according to that person’s deeds in the previous incarnation.
3.fate; destiny.
4.the good or bad emanations felt to be generated by someone or something.

mali meron pala ahehehe, pero ndi ko na maalala kung saan ko na nasagap, ah ayun naalala ko na sa isang sermon pala ng isang pari ng minsan ako ay nagsimba. ang KARMA ay isa lamang kathang isip ng mga tao at isa lamang kahibangan, ewan ko pero sa tingin ko may puntos din yung paring iyon. at naalala ko pa ang isang kaibigan ko na nagkaroon kami ng konting pagtatalo tungkol sa KARMA. syempre ang ending hindi ako nagwagi sa dabating iyon. sa bandang huli medyo sumang-ayon na rin ako sa kanya. ang KARMA ay gawa lamang ng mga taga lupa at hindi ito galing sa Diyos, sa katunayan eh hindi ito nasusulat sa BANAL na AKLAT.

eh ano ang nangyayari sa akin ngayon? ito ba isang SUMPA? asust! totoo ba ang SUMPA? sa ngayon eh hindi ko alam. whappaakkk. ang dami ko naiisip pero hindi ko alam kung paano sabihin. eh sino naman ang magsusumpa sa akin? siguro madumi lang ang utak ko sa mga oras na ito kaya kung ano ano ang naiisip ko. isang malaking EWAN at LETCHE!!!

ito cguro ang nakatakda para sa akin, at kailangan kong tanggapin ng maluwag. KOREK KOREK! isang malaking tsek! wala na naman ako magagawa eh.🙂

hehehe cguro nagtataka kau kung anung hilig sabihin ko? kasi ba naman ang ilap-ilap sa aking ang makahanap ng trabaho sa mga panahong ito! panay kamalasan! aba akalain mo halos kalahating taon na akong nakatunganga dito sa bahay, palamuning baboy ng aking mga magulang, at kalabit penge sa mga kapatid ko. ang saplap diba? sa totoo lang hindi ko ito gusto! ang hirap lumagay sa katayuan ko. pero ang akala ng mga magulang ko eh nag-eenjoy ako at ang mga kapatid ko eh akala masaya ako sa aking lagay! ISANG MALAKING KAUNGASAN! hindi ko gusto ito.

hmp. hindi pa naman ako sumusuko makikipagsapalaran pa rin ako! OO tama ka kayo ko to’ ako pa! hehehe palakas loob pa un! ayan kahit papaano naman eh medyo na gets’ nyo na ang gusto kong tumbukin. magulo naman ang entry ko na to’ baka wala naman magtiyaga magbasa.

asust. asust at isa pang asust! balang araw sisiskat din ako. wag’ mo lang itanong kung kelan basta malapit na. sa takdang panahon! whew..🙂 sama ka? hehehe🙂

2 Tugon

  1. mahirap talagang maghanap ng work nowadays konting tiyaga pa at makakahanap ka rin…hehehe

    namamasyal lang po

    —— ur ryt. tenk you sa pagdalaw. asust🙂

  2. ako i belive in karma, napanuod mo na ba yung the secret: law of attraction. sabi dun kasi pag positive kang tao positive din ang ma-aatract mo. so kung very positve ka the way you look into your life magiging positive din at kung negative ka naman malamang negative din ma-attract mo..

    di ba nga sabi nila “sabihin mo or pakilala mo sakin kaibigan mo at sasabihin ko kung anong ugali mo”. ganun din ang life if you think positive malamang positive din ang makukuha mo…

    so i believe positive karma yun at yung negative naman ay sumpa…
    sana may point ako kahit 0.5 lang…ahihihi! apir!

    thanks sa pag-bisita sa blogsite ko!

    —– nakanang! ang lalim nun dude… pero may point ka dun! tenks ulet.🙂

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: