the day that was.

dahil na rin sa kadahilanang inaatake naman ako ng bwiset na insomia kaya naisipan ko na lang na iblog ang mga pangyayari sa akin sa buong araw na ito. o well papel sabi nga nila, naging isang makabuluhan at nakakapagod na araw ito para sa akin. sa simula palang ng aking araw kailangan ko na magising ng maaga, mga 6:30, aba isang achievement ito dahil nagawa ko ang bagay na ito, base kasi sa aking schedule that day eh may appointment interview ako about 9:30, so syempre kailangan ko pa magprepare ng aking sarili para sa maging maganda ang resulta ng aking interview, maalala ko lan sabi sa akin ng Mudraks “parati nalang interview, interview ndi ka naman nagkakatrabaho!!” ewan ko kung nangaasar sya o anu mangdahilan nya kung bakit nya iyon nasabi sa akin. eh naku naman Mudraks eh kahit naman ako eh nagsasawa na rin kung tutuusin para bang I want to give up, pero at the end of the day eto ako nakikipagsapalaran pa rin para magkaroon ng trabaho ulet. at ang ending alam nyo ba na nainterview na me ng interviewer mga around 11:30am hehehe nag intay lang naman ako ng mahigit 2 hours na nakikinig at tinitingnan ang mga kasama kong nag aapply din. well maganda naman ang result sabi ko nga dahil meron pa aw akong final interview with HR-Directo this coming Tuesday, ganon? mahabang proseso pala, pero ok lang sa tingin ko eh kaya ko naman at talagang kakayanin ko para naman eh sa ganun magkatabaho na me ulet. asust.

ayan sobrang busy mode ako nung umaga, well about lunch time eh may lunch appointment naman ako sa aking long lost friend, cguro naging kaibigan ko sya back in my college days, and ang last naming date eh 3 years ago na rin un. diba nakay nyo ang schedule ko. paang executive whapppakkk! ayon medyo late lang ako ng mga 10minutes in the said appointment pero okay naman ang naging outcome, we talk about our life, work, (naku po work eh ako sabi ko almost 6 months na akong nakatengga sa bahay, at walang ginawa kundi magpasaway!) ayun natawa lang sya. kwentuhan about the past life, ung mga nangyari before. ang saya habang kumakain kami sa isang japanese esto. bigtime na nga itong kaibigan ko dahil maganda ang kanyang company and guess what ang sahod nya is in US curency sosyal, dito lan sya nagtratabaho pero astig talaga! parang ngayon lang me nakarinig noon dito sa Bayan ni Juan. asust, ang ending sya ang nagbayad ng lunch namin.hehehehe, UU talagang dapat sya eh sya nagyaya eh. asust. cguo nagtagal din ang aming paglolokohan este pag uusap fo about an hour. masayang masaya ako dahil atleast nakita ko ulet sya! Bravo!

syempre after my lunch appointment, I check my sched, asust. joke lang wala naman akong schedule kundi ang uwumi na sa bahay, ito ang siste mga fiendship, habang naglalakad ako palabas ng mall, at nasa labas na teka paang angulo? hehehe ito ang tama, habang naglalakad na ako pasakay ng FX eh lumabas naman sa akin ang aking pagka CARELESS, akalain nyo ba naman na sumabit ang pantalon ko sa punyetang bakal at ayun nasia at talagang nasira sa pagkakatahi sa kagiliran ko. Badtrip eh gagamitin ko pa naman ito para sa tuesday Final Interview ko. bweesit.. anyways at nakauwe na rin me ng matiwasay patungo sa aking tahanan.

pagdating ko sa aminm nakasalubong ko ang pinsan ko, hehehe talagang narration itong entry ko ngayon ah. ayun at sinabi nya sa akin na may granada raw! ako naman huh? granada san? sa bahay? nag isip ako ng mabilis! anu ba to joke? pero hindi mukhang totoo nga dahil seryoso nya itong sinabi sa akin, ako naman agad agad umuwe sa bahay, at wala naman akong nakitang nagkakagulo or what sa bahay paglabas ko tinanong ko ulet si pinsan kong san ung sinasabi nya? at napag alaman ko dun pala sa bukid, dahil may mga tambak ng mga lupa dun, at may mga batang nagbabakal at sa pagbabakal nila eh maynahukay silang isang granada na wala ng pin. at ang siste pa eh nagawa pa nilang kunin ito at dahil sa junk shop para mabenta tama ba un, at hindi pa natapos dun binalik pa nila ulet dun sa tambakan ng ito ay tanggihan ng may ari ng junk shop. eh cno ba namang tangang bibili nun aber? at nung mga oras na un eh walang lakas loob na may tumawag sa mga pulis o sa barangay man lan, syempre ang lolo nyo ang gumawa ng effort para sa eksenang ito. wow malasuperhero ang dating ko. ending kinuha ng mga grupo ng mga pulis na may kaalaman pagdating sa mga bagay na yan. solved! at thankful din ako dahil wala naman naperwisyo at nasaktan dahil sa pesteng granada. moral lesson ‘wag mag hukay. whhaappakkk! asust.!

kinagabihan medyo relak relak nalang ako, at nanuod ng championship game ng basketball sa aming barangay, sa kasamaang palad ang aming lugar eh pang 3rd lang ang nakula pero atleast they prove to it na nasa big 4 sila sa boung barangay. it was a very hot and wet game, kasi ba naman sobrang init at tagaktak ang aking mga pawis. asust. congrats ulet mga tropang asust!

ayun at para sa aking konglusyon sa araw na ito, talagang naging busy mode ako with matching malasuperhero pa ako…whew. yabang. masarap ang pakiramdam at nakakafulfill na naman. un lang para sa araw na ito at baka tamarin na kayong basahin ito dahil sa sobrang haba heheheh

hanggang sa muli.

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: