bakit single ka pa?

hey..hey.. single kaba?
Possible Reasons why Single ka pa hanggang ngayon..
Just want to share this..mag-isip -isip ka..baka isa sa mga eto ang dahilan..
1. Destiny Adik

Eto yung mga naghihintay kay “Destiny” na gumawa ng paraan para pagtagpuin sila ng kanilang mga “partner in life”.. ayannn… kapapanood nyo ng “Serendipity” eh feeling nila ang nangyari sa movie eh mangyayari rin sa kanila such a cliche.. hindi ba nila alam na kung walang effort destiny is useless.
2. Perfectionist/ Mapili

Yes, isang taong perpeksiyonista. Yung tipong dapat ganito ang magiging kapartner ko. Pag may nakilala, nakita lang na pangit ang kuko o may dumi lang, turn-off na agad. O kaya ang daming ayaw. Ayaw sa mabait boring daw, gusto bad boy/ pilya pero kapag pinaiyak ka tatanungin ka bakit ang sama mo bakit mo nagawa yun! Adik ka ba?! Ayaw sa cute, ayaw din naman sa panget. meron dyan gusto ka ayaw mo naman.. yung gusto mo halos magtambling ka pero deadma parin yang stunts mO sa kanya! Pasaway ka rin e! Ano ba talaga kuya?
3. Busy Busyhan

Opo, eto yung ang mundo e gumagalaw lang sa libro at ballpen kung estudyante ka o kaya naman sa computer at files kung office staff ka. Yung tipong aalis ng bahay ng alas 6 o alas 7 ng umaga at uuwi ng bahay ng 6 hanggang alas 8 ng gabi [baligtad naman para sa mga nag tratrabaho sa call center]. Sabay tulog na. Kapag sabado masaya na sila sa tv, sa pagkain na niluluto ni mama at sa linggo naman sisimba at maghahanda na ng kelangan para sa lunes hanggang byernes. Pssssst.. pause for awhile.
4. Friendship Theory

Ano naman ito? Eto yung ang buhay ay kay bestfriend o kaya kay special friend na hindi masasabi sabi sa friendship nya sa loob ng kanilang mahabang panahon na pagsasama dahil baka daw maapektuhan ang pakikipagkaibigan at iwasan sya. Yung tipong pag may kasama si friendship na iba, nagseselos na wala naman sa lugar, pero syempre wag pahalata, kunyari happy sya for friendship. ABA ! Oi lakasan mo ang loob at baka mamaya forever mong pagsisihan yan kaw rin. Minsan pa naman pareho kayong naghihintayan. . hmmp!
5. Born-to-be-one (Authestic)

Eto yung nasa palad na ang pagiging single daw. Walang reasons. Basta lang nabuhay sya sa mundo na mag-isa at feeling nya mamatay sya sa mundo ng mag-isa. Kesyo magmamadre o magpapari na lang. Asa kang tatanggapin ka pa noh!
6. Happy-go-lucky

Eto yung taong walang alam kundi kasiyahan at trippings. Kahit sino nalang basta no string attach. For fun lang daw.. Walang halong seryosohan. ABA hoy! yang init ng katawan mo e ikiskis mo nalang sa pader. Makakahanap ka rin ng katapat mo!

7. Wrong Place

May nakaranas na ba nito? Yung pakiramdam mo nasa ibang mundo ka. Yung ang nakakaharap mo e yung mga hindi mo gusto, yung mga hindi mo hinahanap. Alam mo yun? Halimbawa nasa ibang bansa ka, pero ang hinahanap mo e yung amoy ng nasa sariling bayan mo. O kaya naman e nasa sarili mong bayan ka, nasa normal na lipunan, pero ikaw ang abnormal at hindi mo kayang sabihin na abnormal din ang hanap mo kung ayaw mong ibitin ka nila ng patiwarik.
8. Wrong Time

Eto yung mga tao na sinasabi na, hindi pa ako ready e bata pa kasi ako o kaya naman hindi pa ako handa sa panahong ito, wala pa ako kayang ipagmalaki. Yes meron pong ganyan. Yung feeling nila may tamang panahon para sa love. Awwww. Aba kelan yun? Pag uugod ugod ka na at yung time mo e bitin na? O baka naman pag pang out of time ka na? Oist, sugod lang ng sugod.
9. Si parents kasi!

Yes, factor din ang komyunidad na ginagalawan mo. Una, ayaw pa ni mader o pader na magkaron ka kahit 22 anyos ka na at kelangan umabot ka muna raw ng 40 bago magkaroon ng gf/bf. O kaya naman ikaw mismo! Takot sa sasabihin ni parents at ni kapitbahay na tsismosa sa magiging kasama mo. Aba ikaw na nga ba ang sabihan na.. Alam mo hindi kayo bagay. langit at lupa kayo. Awww. Payo ko sayo, Pakialam nila diba?Palibhasa inggit!

10. Traumatic Experience

Eto kalimitan ang reason ng marami. Ayaw ko na! takot na ako mangyari pa ang nangyari dati!
kaw single ka prin ba hanggang ngayon? ano ang dahilan mo sa mga ibinigay sa itaas?? wait ko mga sagot nyo..asust..

4 Tugon

  1. aga, aga, aga! bago ako mag comment bat wala ako sa blogroll mo? na sad naman ako dun😦

    nway, natuwa ako sa top ten mo,,, ano ang source mo medyo tama a! ako dati kaya single kasi traumatic talaga may gf died kaya nawalan ako ng gana…

    —-> ayan na add na kita pasensya na medyo nakakalimutan eh. ahehehehe tenks sa comment!!

  2. ako, hindi na single pero may mga prenship ako na ganyan. yung ibang kasama sa enumeration mo swak na swak talaga. sana naman gumalaw-galaw na sila kase taym is gold diba?🙂

    —>>> may point ka! pero cguro ndi pa talaga taym! asust!

  3. ouch ha! pero trulily ang mga eklabu sa hit list mo… hindi ba pasok dun yung di malaman kung girl o boy ang type. just joking!

    naku… may mga friends ako masasapol dito… ako? medyo. hahaha!!!

    —->>> ibang issue na un! ahehehe🙂

  4. aaaaaaawwwwwww… hmmm halos lahat yata ng sinabi mo reason naka relate ako.. =) tamang tama dito o! tagos… =)

    single ka? single ako? hmmmp naiisip mo ba naiisip ko? asust🙂

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: