Pati pato.

Trust takes YEARS to “earn” and SECONDS to “break”. A heart takes SECONDS to “break” and YEARS to “rebuild”.

Kasalanan ko. (hindi ko naman sadya) sa pagkakaalam ko, pero hindi lang pala iyon ganun kadali at paniwalaan. In short na “carried away” ako at hindi ko namamalayan may mga tao na pala ako nasasaktan. Siguro talagang nalunod ako ng husto at totoo nga, nabulag at nagbinge-bingehan ako. Sa una medyo ndi ko pa ramdam ang epekto dahil siguro lango pa ako, uu, (I don’t care pa ang eksena ko!), ayun ndi ko napansin nawala na pala silang lahat, ang mga taong mahalaga sa aking buhay, mga mahal kong kaibigan na inakala ko hanggang huli eh ma-uunderstand nila ako, hindi pala, mali ako, may hangganan pala ang lahat, ika nga NAGSAWA na sila sa kakaintindi sa akin, kamo, kasi naman talagang likas na MATIGAS ang ulo ko at wala ako iniintindi keber kung anu ang kahihinatnan, kung sa larong text, pati pato ang parati ko eksena, (ung tipong wala ng bukas!) Huli na ang lahat, wala na, sa-id na sa-id na ako, nawala ang buong pagkatao ko, buhay ko, cguro pati ang kinabukasan ko (market-market nalang parate, paulet-ulet), Madadapa ngayon, bangon bukas, kinabukasan madadapa naman (ewan, nakakasawa na rin).

Tama talaga inabot ka ng ilang taong bago mo makamtan ang tiwala ng isang kaibigan, pero sigundo lang ang katapat nito, wai (wala) ng lahat ng pinagputahan mo para sa isang kaibigan. Totoo, sobrang nasaktan ako at pilit na iniintindi, pilit na nilulunok, pero ano ending ako pa rin ang mali, hindi man lang nila pinakinggan ang aking mga paliwanag ukol sa mga pinagdadaanan kong landas na ndi naman talaga dapat. Totoo, ang galit ng isang tao ay nakakamatay. Ang GALIT ay ugat ng mga kung ano anong kasamaan na maaring ikadulot ng wagas na pagkasira ng isang pagkatao. Ang hirap. Madali lang talaga manira ng isang pagkatao lalo na kung ang pinaiiral mo sa puso mo ay        puro galit. DEMONYO ka! bakit pa kita pinagkatiwalaan…….

Saan ako pupunta? 

Sino ang aking tatakbuhan?

Kasalanan ko. napagtanto ko sa huli walang ibang taong, kaibigan o kadugo ko ang makakalutas o makakatulong para sa akin, (totoo, hanggang mga salita lang sila, mga advise lan), Sa ending ako lang ang makakatulong at babangon para sa akin. Mahirap. Matatagalan. kailangan ng isang PROSESO para maituwid at maitama ang dapat. Ang masakit lang wala na ung mga taong, itinuring mong kaibigan, kapatid. WALA na. Sa bagay ndi ko sila masisisi, dahil cguro hanggang duon nalan sila,(nagpati-pato na rin sila).

KAKAPAGOD. Pero kailangan bumangon.

Ang DALANGIN ko lang “SANA” mapakinggan nila ako.

WALA. Wala na. WAI NA!

achut.

Image

Advertisements

NONOY: Pangarap ng Bayan

NONY

kailangan pa bang imemorize yan!!

iamfornoynoy1

salamas kay otep sa litratong ito.

achut.

newsigned

pagod na ako.

ndi naman ako isang perpektong anak para sa aking mga magulang, at mas lalong ndi ako perpektong kapatid para sa aking mga kapati, at aminado ako. tao lang ang madalas na sabihin ko sa kanila. kadalasang nagkakamali at nagagawa ang ndi dapat ngunit sa huli ay higit na pinagsisisihan ng lubos. ganito ba talaga ang life sa mundong ito?! ay ang kadalasang tanong ko. o baka naman malas lang?! I really dont know why? Ginawa ko naman ang dapat pero minsan kulang pa rin para sa kanila? wala ba talagang kakuntentuhan ang mga tao? o talagang nananadya lan. ewan ko rin. minsan talaga nakakasawa na gusto ko ng sumuko, pero anu ang ending lose valdez ako eh mas lalong ndi ko kayang tanggapin un. cguro nga kailangan minsan tanggapin na ndi sa lahat ng laban sa buhay eh winner ka. pero anu ang susunod? yetah.

ndi ko naman alam kung anu ang patutunguhan ng mga sunusulat ko ngaun dahil paulet ulet na lang. promise! feeling ko kasi ako nalang ang parating taga salo ng mga sama ng loob, takbuhan para iyakan, taga bigay ng mga advices, teka ganito nalan ba ang role ko? at pagnaging okay na ang lahat eh wala na me papel? forget na nila ako?! tama ba un? paggusto nilang mag-emo eh ako ang takbuhan nila? at paghappiness na eh out na ako?! ang hirap nun no. tao lan din ako at may puso na nasasaktan. it hurts ika ko nga. grrrr.

minsan din naman eh dumadating ako sa sukdulan. napapagod. pero ramdam ba nila un? hindeeeeeeee.

gusto ko na rin minsan maging selfish. i want to be alone. pero sa dulo ng kukote ko eh papaano sila?! ndi ko pa rin kaya cguro. ganito nalan talaga cguro ang papel ko sa life na ito. wala na rin naman ako dapat pasisihan dahil tanggap ko sa aking sarili ang lahat lahat dahil ang point ko eh mahal na mahal ko sila. sila ang pamilya ko.

at kung kailangang ulitin ko ang lahat ng ginawa ko para sa kanila ay gagawin ko ulet na walang halong pagsisisi.

sana nga lang maisip nila na minsan kailangan ko rin sila para ako naman ang dapat nilang pakinggan.

tao lan din ako…

ordinaryong anak….

ordinaryong kapatid….

kailan ba nila ako maiintindihan?

cguro nga nagseselos lang ako… sana mali ang ang nararamdaman ko..? pero panu kung tama?!

sana hindi pa rin huli ang lahat.

o baka naman talagang demanding lang ako? papansin lan? ewan. naaalala ko tuloy ang sabi sa aking ng aking kaibigan na “para akong isang bata na pag-ndi naibigay ang gusto eh nakasimangot na at mag-iiyak?” tandang tanda ko un. cguro may point sya at may katotohanan un. ndi ko na alam kung papaano ko papaliwanag pero feeling ko lang eh may mali kaya ako nagkaganito and feeling jealous. sana mali ulet ang inaakala ko…

sawa na ako magmakaawa para pansinin lan…

masama na ba ako?! dahil pinag-iisipan ko sila ng ganitong akala?!

kailan ko sila maiintindihan?

at ako kailan nila maiintindihan?

pag- ISA na akong MALAMIG na BANGKAY?!

newsigned

FAREWELL TITA CORY.

coryaquino copy

Farewell! God knows when we shall meet again.

PRESIDENT CORAZON C. AQUINO

1933 – 2009

newsigned

meet Julio…

juliomeet Julio mga Bro, sya kasi ang bago nilang KUYA! 😦

well enjoy your ride mga kapatid!

eto naman ako nagseselos naman, ewan bakit!!?? bwiset. really wala ako sa mood sa mga oras na ito. feeling naiwanan naman ako well cguro nga talaga ganun un. tinatanggap ko naman eh. thats it.

they can get what they want in just one click!, but not the same for me. (sad for me!!)

😦

newsigned

ako at ikaw, ndi pwede. aww

lettinggo

Letting go doesn’t mean giving up, but rather accepting that there are things that cannot be…

Well mukha naman akong emo nito, pero sa totoo lang mejo may katotohanan itong kowt na ito. Sa ating buhay mga bro ndi lahat ng ating hinahangad eh ating makakamtam, kaya naman dapat natin tanggapin ang katotohanan na ito. Uu masakit tlaga pero ganun talaga ang life. Etchos. Hindi naman hilig sabihin nito eh pinagamutan na tau ni BRO na nsa itaas na kaibigan ni Santino. Achut. aktuwali mga bro ndi naman hilig sabihin ng Letting go eh mag-give up o mawawalhan ka na ng saysay sa mundong ito hindi ganun kapatid!! dahil lahat ng mga bagay dito sa mundo eh mapapasakamay natin at lagi rin natin tatandaan sa ating mga brain cells may mga tamang dahilan kung bakit ganun. well sana na gets mo ang gusto ko puntuhin. In short mga kapatid mejo tinamaan ako sa mga katagang ito kaya gusto kong ibahagi sa inyo. Sa katunayan lang eh may koneksyon ito sa aking buhay kaya ninais ko na rin iblog ito. Cguro nga hindi para sa akin at kaya buong puso ko tinatanggap ang katotohanan na hanggang dun na lamang at ndi ko na dapat ikwestiyon kung bakit. Masakit kung masakit pero ganun talaga, cguro nga may iba pang plano si BRO kung sino ang karapatdapat para sa akin. Ayan nadulas na ako, SINO? means TAO ang tinutukoy ko. yetah! Alam ko naman alam mo kung sino ka, well gudluk sa karir mo! Ahehe sama ba? IT HURTS KASI NO!! pero honestly speaking tanggap ko naman ang mga pangyayari dahil cguro may pagkakamali rin ako. period.

Sana lang eh may napulot kayong saysay sa aking mga emo, at alam ko naman na lahat tau eh pinagdadaanan natin ang mga bagay na ito. Una una lang. Achut. 🙂

ayan parekoy (Zef) akala mo ikaw lang ang emo mejo ako rin. bwiset..

newsigned

ika-5 ng hunyo.

maraming maraming salamas sa lahat ng bumati sa akin nuong nakaraan kong kaarawan, hayz talaga naman nakakataba ng puso dahil lubos akong natuwa dahil na rin cguro marami pa rin palang nagmamahal sa akin. kaya hindi rin ako magsasawang magpasalamas sa lahat ng nagtxt, tumawag, nag email, sa friendster, facebook pati sa multiply:)

at sa mga nakalimot salamas pa rin dahil ndi pa naman huli ang lahat hahahaha achut. 🙂

ito ung mga sample mga kapatid…..

bb2

sa friendster…

bb1

bb3

pati na facebook….

bb4

bb5

at lahat ng nagtxt ndi ko na malagay dito pero lubos akong natutuwa……

muli salamas ng maraming marami

mwuahhh..

newsigned