OPM: Ohhhh Promise Mehhh.

eto naman ako at walang magawa sa buhay. tumunganga sa buong maghapon, magbasa ng kung kanikaninong blog, news, manuod ng mga videos sa youtube at maghanap ng mga bagong scandal ahehehe kailangan talaga may ganun no? ahehehe. batungbato na ako dito sa bahay.hay naku buti nalang kanina eh may napagtripan akong gawin, uu tama ka sa narinig mo. pinagtripan ko na nalang panuorin si Gloria sa kanyang SAUNA ah este SONA (State of the Nation Address), naaalala ko tuloy noong nakaraang taon eh napanuod ko pa sya nun sa pamamagitan ng PINOY TV sa Middle East. eh nung mga panahong iyon eh may trabaho pa ako, eh ngayon eh wala na. pinakinggan ko ung mga litanya at mga kadramahan nya sa buhay, ewan ko ba dati bilib na bilib ako sa kanya, kung tutuusin naman eh magaling sya, ewan ko ba anung kaletchehan ang nangyari. napako na lahat ang mga pangako nya, pero sa totoo lang wala naman tau dapat asahan sa mga tulad nya at kung sino pang pilato ang papalit sa kanya eh talagang wala nang pag-asa ang ating bayan! un eh ang TOTOO at dapat na natin tanggapin.

kawawa lan eh ang mga susunod na henerasyon at tau un. ewan, sabagay ndi lang naman tau ang namumublema sa pagtaas ng langis, kundi buong mundo eh yun ang isyu. pero ang ending taung maliliit ang masyadong naaapektuhan. kawawang Juan dela Cruz, walang wala na.

pero mabalik tau sa SONA ni Gloria, kahit papaano naman eh may kinatuwa ako sa sinabi nya kanina bukod sa mga OPM nya OPM? lolz  Ohhh Promise Me, is what i mean asust may ganun pa un! ok natuwa ako dahil sa sinabi nya na .50 centovos nalang ang text, eh parang pumalakpak ang tenga ko! hindi ko lang masabi kung anu ung exact sentence nya, Textin is way of life ba un? basta mga ganun, kaya ako naman si gago pilalakpakan si Gloria. dun lan at ndi na nasundan un! kakaasar lang din kanina eh kung napanuod ninyo parang Oscars ang dating, bonggang bongga ang mga ungas, mukhang pinagkagastusan ang mga damit! kaasar ndi man lang nila naisip na maraming nagugutom ngaun at walang trabaho pero sila talagang bonggang bongga ang mga effort nila sa mga kasuotan nila! PUNYETA! pera namin yan! nakakabwiset!

parang editorial asust! ito ay ang sa akin lan!🙂

talagang pakapalan na ng mukha. teka ah hindi naman ako sa naiingget at teka rin anu ba ang ikakaingget ko? alam ako naman lahat ng mga nyan eh may katapusan. weder weder lang yan ika nga ni kuya kim. hay naku talaga naman. ipagdasal nalan natin sila na sana eh matauhan na sila.

hay naku eto naman ako parang gago parang may makikinig sa akin,alam ko marami ng gumawa nito pero anu? walang nangyari. well ito po naman eh isang epekto ng aking pakikinig ng isang OPM na inawit ni Gloria. eh ano ba magagawa natin wait nalang tau until 2010, pagbigyan nalan natin ang lola baka may magbago pa!

asust.

2 Tugon

  1. ewan ko ba pero kahit di pa naging president si gloria talagang di ko na feel ang itim na churv na nakapatong sa mukha niya. nakaka distract!

    may ganun! ahehehehe🙂

  2. hahaha ayus ah, OPM…ako indi na rin mashado excited sa mga sasabihin niya kasi kitang-kita ko ang Pinas mula dito sa uae..(tanaw lang??! haha.) mahirap na nga, lalo pang humirap amf…sana ma-realize niya na sa Pinas din siya nakatira at dyan din siya tatanda sa bansa na lalo niyang pinahirap hmmpft! (di ako galit, nagpapaliwanag lang..haha!)

    *ni-add na kita sa blog roll ko.🙂

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: