Si Mangtatawas at ang Rum n’ Cola ala Kanto’

its been interesting day that was! kahit na medyo masama ang panahon, medyo maulan tuloy pa rin ang ligaya ahehehe.🙂 at kung anu anong balita ang aking nasagap sa pakikipagtambayan ko nitong mga nakalipas na araw. nakakatuwa nalang pagnapakinggan mo.

akalain mo ba naman sobrang advance na rin ang teknolohiya sa isang “pagtatawas”? alam mo ba ang hilig kong sabihin? ito explain ko muna, ito ung taong nanghihilot, manggagamot sa pamamagitan ng isang palangganang tubig, kandila, at kutsara. gets mo na? basta kung natatandaan mo nung bata ka ng napilayan ka o nanunu ka dun kayo nagpupunta ng nanay mo. kasi ako un ang takbuhan ng mudraks ko pagmedyo nilagnat ako or sumthin’. alam mo naman ang mudraks ko medyo nagpapaniwala sa mga taong ganun, cguro dahil na rin sa mga matatandang tradisyon na nakaugalian na rin natin sa mundong ibabaw na ito. para sa akin naman eh wala naman akong comment o masamang masasabi sa mga tradisyon na ito. ito ang kwento bakit ko naging topic ang isang Pagtatawas, eh kasi naman ang kwento sa akin ng pinsan ko sa akin, dahil ilang araw na rin nilalagnat ang aking pamankin at medyo nagsusuka na sa hinding malaman na sakit, kaya napasyahan ng pinsan kong dalhin sa isang manggamot o ung sinasabi kong MANGTATAWAS. ito ang siste, akalain mo ba naman ang sabi ng magtatawas eh may dengue daw? asust, hindi ko alam kong maasar ako o matatawa? anung kaletchehan nyan’. masyado naman high-tech na ang ginagamit nyang instumento huh. kaya ayun medyo nataranta ang pinsan ko, muntik na mahighblood at mauna pa sa anak nya. ahehehhee, ang sabi ko nalan sa kanya eh bakit ndi nya dahil sa tunay na manggagamot o sa duktor🙂 ang ending ndi naman pala dengue kundi isang inspiksyon lang sa ihi, at salamat nalan hindi naman pala dengue. as if nakakatawa ung Magtatawas na un.

MORAL LESSON: nasa 21st century na tau! wag masyadong nagpapaniwala sa mga lumang nakaugalian, alam ko namang walang masama pero kung ganito naman ay maging kahihinatnan eh aba mag esep esep ka muna. mas maganda pa rin na magpakunsulta sa tunay na duktor. un lang🙂

at ito pang isa, kagabihan eh napadpad ako sa kabilang ibaya, meaning nangapit bahay ako para lang sa isang inuman. hehehe akalain mo ba naman na pwede na pala akong pangdayo para sa isang inuman. para ngang pang OLYMPICS! pero ang ending nalashing naman ako, at hindi ko kinaya ang mga powers nila. at dahil dun meron akong natuklasang bagong inumin, aktuwali, hindi naman sya bago pero bago sa paningin ko dahil nakita ko ito sa tambayan ng mga pasaway. ito ung tinatawag nila RUM n’ COLA

diba bago sa pandinig nyo? natikman nyo na ba to? sabi ko nga kanina eh hindi na bago to at isa itong cocktail drinks, napag aralan ko rin ito nung college, sa bar management ko. kaya ito ishare ko sa inyo ang simpleng halo nito:

1 bottle of RUM (tanduay o kahit na anung rum)

1 Litre of Coca Cola

10 PCS of Calamansi

thats it, meron kanang rum n’ cola ala kanto. asust. ang gagawin mo lang eh ipaghalohalo mo ang lahat ng ito sa isang pitsyel. walahh tapos at meron kanang masarap na inumin. mag ingat lang baka magpururush. happy pupu!

2 Tugon

  1. akoo din may trangkaso since huwebes pero ngayon ok na! naulanan din ako… gaya gaya kasi ako e ahahh

    pagaling ka!🙂

  2. uy natikman ko na yan… nang paulit-ulit hehehe. hindi ko makaklimutan dahil yang Rum ‘n Cola ang dahilan kaya nahampas ako ng Kuya ko ng telepono at nag-iwan ng pilat sa kabilang kilay ko… hehehe. pero dahil nagtipid kami noon. RC Cola ang ginamit namin… and syempre. walang kalamansi. hehehehe!

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: