tang ina!

Hindi ko madescribed kung ano ang nararamdaman ko ngayon araw na ito, magulo na hindi ko maramdaman kung bakit syempre hindi ko alam. Yun ang totoo. Masaya dahil kanina lang eh may konteng salo salo kami ng aking mga kapamilyang isinagawa dahil sa kaarawan ng aking butihing lola na ngayong ay kapiling na ng may kapal. Konteng salo salo na puno ng kabuluhan sa aking pakiramdam. Masaya na ang aking naramdaman noong mga oras na yon. Subalit sa hindi inaasahan ewan ko ba kung sinadya o siguro masasabi kong sumang-ayon akong masaksihan ang mga susunod na pangyayari. ganito yun esplain ko ah.

Pagkatapos ng konteng salo salo namen, naligo ako asust.., tapos wala talaga akong plano ng manuod ng laro, may paliga kasi sa aming barangay at kasali ang mga tropa ko, syempre bilang suporta eh nanuod ako, malamang sa ikalawang pagkakataon eh umiwi silang talunan, ewan ko ba kung bakit, sa tingin ko naman eh kayang-kaya nila ang kanilang kalaban, ewan basta un talo sila. Pagkatapos lang laban eh may konteng inuman na walang plano, malamang present ako dahil wala naman ako ginagawa sa bahay at naisipan nalang na makisali sa kanila. Bonding moments narin ehehehe.

Masaya ang inuman, panay tawa at asaran sa isa’t isa. Ako ewan ko ba kung bakit nakihalo ako sa kasiyahan. dahil ba sa katropa ko sila? dahil na rin sigiro sa pakikisama ko sa kanila kaya ako nandoon. Pero sa totoo lang ang sama sama ng pakiramdam ko para akong isang kandilang natutunaw sa mga eksenang nakikita ko. Pero syempre ako nagprepretend na okay lang at tawa pa ng tawa pero sa totoo lang nasasaktan ako. Kung bakit hindi ko ma explain. letche. bakit ko pinayagang may masaksihan na sa huli ako rin ang masasaktan. Akala ko ay okay na ako pero bakit may sakit pa akong nararamdaman. Tang ina! sige pakasaya lang sila hanggang gusto nila may katapusan din ang lahat.

Bakit ba ako nagpapaapekto? eh tang ina ulet! ewan. Ganun lang un parang wala lang ba? gago talaga ako umaasa pa sa wala. Tang-ina! galet ako!

Alam ko hindi mo ulet maintindihan ang gusto kong sabihin. Pero sa takdang panahon malalaman mo rin. ang tinakda ay nakatakda! akala ko naka move on na ako sa ganitong sitwasyon, pero bakit  may sakit pa rin akong nararamdaman. Hanggang kailan? hinayaan ko na nga siyang mag let go? pero bakit may nararamdaman pa rin ako? Ayoko ko na kasi dahil lubos na ang sakit na idinulot sa akin. Pero bakit ganun may nararamdaman pa ako sa kanya? UU tungkol ito sa usapang puso kaibigan, pasensya na dahil ganito ako magmahal todo-todo at eto nagkamali naman ako. Gago, gago at gago talaga ako!

Sa totoo lang walang sense ito kung tutuusin pero bakit may epekto sa akin? kahit ako lasing nararamdaman ko ang sakit……..

tang ina nila!