MAYO UNO.

Isang gabing nakakatamad. Walang magawa at eto ako nakatunganga naman at nagmumuni-muni sa mga problema kong hinaharap sa mga panahong ito. Mukhang nakikisama pa ata ang panahon dahil umuulan. hay naku po lalong nakakalungkot. asust. Pero kahit papaano naman eh nakakamove on na ako. Ako pa ipinanganak ata akong isang fighter. Malakas. Matapang. Pero minsan pagpamilya ko na ang aking katunggali eh bigla na lamang akong tumitiklop. Hindi ko sila kayang kalabanin sa kadahilanang MAHAL na MAHAL ko sila. Wala na sana akong balak sumulat ngayon pero hindi ko mapigilan ang aking nararamdaman kaya heto ang ending ito may entry ako for today.

Unang araw ng buwan, Mayo Uno. Isang mahalagang petsa lalo na sa mga manggagawa, eh ano naman ako? Wala akong trabaho. Isa lamang akong palamunin ng aking mga magulang at kalimitan eh ako pa rin ang nagbibigay ng sakit ng ulo sa kanila, Aminado naman ako dahil isa akong PASAWAY! Pero hindi na rin naman magtatagal ay magkakaroon na rin ako ng trabaho sa awa ng Diyos. Malakas lang ang kapit ko sa kanya dahil alam ko hindi niya ako pinabayaan. Wala siyang sawang makinig sa akin at intindihin tulad nyo na walang sawang magbasa ng mga entry kong puros kadramahan. Pero sa totoo lang hindi ko naman ginusto ito. Wala lang akong malabasan ng mga saloobin ko. Ito na ang naging outlet ko. etchos. Malaking tulong na rin ito para sa akin dahil kahit papaano eh nailalabas ko ang sama ng loob ko, nararamdaman at kung ano pang kaek-ekan.

Sa totoo lang ulet ah, nakakapagod na ang magdrama. Ewan ko ba bakit this past few months eh medyo masalimuot ang aking hinaharap sa buhay. Siguro mabibilang ko lang ang mga HAPPY MOMENTS, pero kadalasan eh may kapalit ding ewan. LUZ Valdez ako parate. asust. Pagsubok lan ito alam ko. kaya ko to. BABANGON AKONG MULI at magtatagumpay…… wala na akong maisip eh medyo inaantok na rin ako. Matutulog muna ako para may lakas nanaman ako pagdating ng panibagong pagsubok sa aking buhay. bow. ^^🙂

asust…..

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: