ang responsibilidad ko at ikaw.

usapang pampulitaka muna tau, parang gusto ko lang naman na bigyan pansin ang ating bayan dahil sa aking paningin eh masyado ng winalang hiya ng ating mga minamahal na mga nakaupo sa ating pamahalaan. masyado ng karapalang ang mga nangyayari sa mga panahong ito at sa totoo lang tayong mga liit at walang sapat na kapangyarihan na para supilin ang mga karumaldumal na ginagawa ng ating mga hinaal na opisyal noong nakaraan halalan. eh teka sa totoo lang hindi ko sila binoto at kaya masama ang aking loob. mga punyeta talaga. ikaw tatanungin ko binoto mo ba sila? at kung uu nagsisi kaba? or nagsisi ka dahil bakit sila ang binoto mo? or ang tanging reaksyon mo lang eh ok lan! Paki ko sa kanila ? Ma at Pa ika nga ng mga tambay. Malay ko at Pakialam ko sa kanila. ikaw rin ba ang mga nsa hanay na Bahala na sila dyan? Malalaki na sila? pwes ito lang naman ang masasabi ko dyan at sa totoo lang kasapi ako sa mga ganyang reaksyon baket? ito pa eh bakit mo naman sila proproblemahin eh marami na akong problema at iniisip para pagkaabalahan ko pa ang mga letcheng yan. diba yung naman ang mga kalimitang sagot ng mga makabagong kabataan oppsss teka hindi ko po nilalahat sinasabi ko lang eh ung mga nakakasalamuha sa sa kanto, ito yung mga kabataang tinatawag na “Happy Go Lucky! or mga walang pakiaalam sa kanyang kapaligiran dahil ito ung mga taong marami ng suliranin sa buhay at dinadaan nalang sa mga Happy Happy Moments.” sa kabilang banda naman eh meron at marami rami din namang mga makabagong kabataang na lubos ang pagpapahalaga sa kanyang bayan at tipong handa na ibuwis ang buhay, malatipong bayani ba? pero ok lang yan at bilib ako sa mga taong tulad nila dahil akalain nyo eh talagang may effort sila at pinag-aaksayahan nila ng panahon ang mga hakbang na ito. ito pa ang taong ko sa inyo? kaya nyo ba gawin ang ginagawa nila or naisip nyo ba na gawin kahit na sa pangarap lang ang mga ginagawa nila? well as expected at ang reaksyon ko dyan eh? Malaking hindi at anu ba naman hello? syempre ang iniisip nyo rin eh ang kapakanan nyo muna. ryt? kasi sa mga oras na ito eh mejo ganyan din ang aking masasagot dahil ang pakiramdam ko eh useless lang naman diba at isang tinatawag na “WASTE OF TIME!”

pero sa tingin ko lang ulit ah, mali un eh? at kung tutuusin eh meron at may responsibilidad tau na dapat gawin sa ating bayan?! at  naaalala nyo pa ang gasgas na sinabi ni Gat. Jose Rizal? ito babanggitin ko lulet kong nakalimutan nyo na ”  ANG KABATAAN ANG PAG ASA NG ATING BAYAN.!” diba nga eh nagpakamatay pa ang kuya mo para lang na makamtan ang inaasam na nating tagumpay? pero anu ang ginagawa natin ngayon? wala? tama naman diba? hinahayaan nalang nating na lumubog sa putikan ang mga salitang ito? at sininasantabi natin ang ating responsibilidad para kay mother bayan? bakit ba tila nakaligtaan na natin? eh kasi naman masyadong busy na taung lahat sa mga kung ano anong ginagawa at siguro ung iba sa atin eh nagsawa nalan dahil nawalan na rin ng pasensya at tiwala dahil sa makailang beses na rin sa mga kasablayang mga nangyayari. tama at hindi dapat na sisihin kayo or TAYO sa mga reaksyon na tulad na yan. eh kasi ako sa totoo lang kung maaalala ko eh ang sinabi sa akin ng aking teacher nung highschool eh masyado raw ako agrisibo at nakikita nya sa akin ang ugaling magiging rebelde sa ating bayan? tanong ko naman sa kanya eh? “Miss eh kasi naman po masyadong pulpul na ang mga nasa pamahalaan natin at walang inatupag kundi ang kanilang mga sariling interest. wika nya naman eh? ikaw ang kailangan ng ating bayan at hindi ako magtataka kung ikaw ay magiging isang magaling na Abogado o isang magaling na Economista, bakit sa totoo lang naman ulet eh isa sa mga paborito kong subject eh ang araling panlipunan at ang ekonomics, kasi naman dito eh dito eh nalalabas ko ang aking mga opinyun at nashashare ko sa kanila ang aking mga mithiin at saloobin. tama ang sabi pa nga sa akin ng mga kaklase ko eh magiging isang pulitiko ako, yes of course pinangarap ko yan. pero tila nagbago ang lahat nuong tumungtong ako sa kolehiyo bakit naging abala ako sa aking kurso at hindi ko sininod ang sinabi nila ang aking sinunod eh ang aking gusto at ang pinakalove ko. anyways mabalik tau sa topic ko.

nuong mga panahong iyon eh galit na galit ako dahil nga ang nanalo bilang pangulo eh si Erap. eh naman ito naman ako at cge short lang to at alam ko narinig nyo na to sa tv, sa dyaryo, sa radyo at sa inuman sa kanto. si erap? anu anu alam nyan? ang hirap pa nyan eh nanalolo sya dahil sa kanyang kasikatan sa mga masang walang alam at awang awa ako sa kanila. pero infairness naman sa kanya eh nakita ko rin naman ang effort nya para magampanan ang kanyang responsibilidad na binigay sa kanya ng karamihan nating mga Filipino at babanggitin ko na rin na isa don ang aking Fudrak na baliw na baliw sa kanya at tila iniidolo nya. maalala ko lang ulet na ilang beses kaming nagtalo sa usaping iyan at hindi magkasundo pero syempre ang inyong lingkod eh medyo sipsip eh bigla ko nalan siya sinangayunan at iniiwasang ipaalam ang tunay kong saloobin bakit? eh kasi naman sya ang nagpapaaaral sa akin at bumuhay sa akin sa mundong ito. okay ito na kasi naman alam ko nung mga panahong iyong eh karamihan sa ating mga kabataan eh ang ating sinuportahan eh si Roco. tama ba?kasi sa kanya nating naramdaman at nakita ang kanyang sensiridad at aminin natin o hindi eh naramdaman natin sya ang karapatdapat na maging pinuno dahil alam nya ang mga saloobin ng mga kabataan nuong mga panahong iyon. pero anu ang nangyari wala at namatay nalang sya na walang saysay dahil sa mga pangyayaring yung iba sa atin eh binaliwala sya?

eto na sino ba naman ang hindi makakalimot sa People Power 2? o ung tinaguriang EDSA 2? diba tayong mga kabataan ang mga isa sa mga nanguna dun? at ito masasabi ko talagang kasama ako sa hindi makakalimutang eksanang iyon dahil andun mismo ako at nasaksihan ko ang tunay na diwa at ang mga karamihang minimithi. ok sa eksenang iyon eh nagwagi tayong lahat. at medyo nahimasmasan in short nagising tayo sa katotohanan at tumayo tayong lahat para isagawa ang ating mga karapatan at resposibilidad na ibinigay sa atin. diba talagang enjoy un?! totoo naman eh at eto na kahit ako eh pinagmamalaki ko pa na mas magiging ok na lahat dahil kay Gloria, dahil sa aking pagkakaalam eh sya ang sagot sa mga katanungan at inaasahang mag aahon sa atin para sa isang masagang bukas? letche sa totoo lang at aaminin ko na rin sa iyo nung una eh talagang maka-Gloria ako at naiinis ako at talagang nakikipagbedatihan pa ako para lang sa kanya dahil nga bilib ako sa kanya. matalino, magaling. letche ndi ko alam na ang ending sya rin ang magiging mitsa ng ating kahirapan. totoo naman eh. kaya ngayon eh nag iisip isip na ako dahil wala rin palang kwenta ang sobrang talino dahil ang ending tayo pa rin ang kawawa. mas lalo naman ung mga taong walang alam or ung parati nating bukang bibig na BOBO. kaya ngayon ang tanong ko eh Sino ang karapatdapat? may ishare akong kwento tungkol dyan dahil ako mismo eh nagkaroon ng eksanang debate tungkol sa isyung iyan. ito lang naman eh nangyari nuong nsa gitnang silangan pa ako at nagkatuwaan kaming uminom ng aking mga kasama sa trabaho. ito ung eksena.

bakit daw hindi mawalawala ang korapsyon o ang pangungurakot sa aking pamahalaan? eto ang sagot ko dyan at hanggang ngayon eh ito parin ang aking posisyon. ito ang pinakasimpleng masasabi ko dyan. “Aminin na natin sa ating mga sarili na kahit na sinong Poncho Pilato ang ilagay nyo dyan sa posisyon na yan, o palagay na natin isang Santo pa sya eh gagawa at gawa yan. at hindi natin ito mapipigilan. bakit? naku naman simple nasayo na ang kapangyarihan at pera ndi mo ba iisipin ang sarili mo at magpapakabayano ka pa? hoy gago kalokohan yan!” ito pa ang sabi ko sa kanila ” San ba nagsimula ang korapsyon na iyan? simple ulit ang sagot ko dyan, sabi ko nagsimula ang lahat sa Tahanan? nino? Tahanang nating lahat. ok ito ang explanation ko dyan. halimbawa (pero sa tingin ko nangyayari ito sa ating lahat.)

eksena sa bahay:

Magulang: Anak mag-aral kang mabuti para tumaas ang iyong marka. At pagnakakuha ka ng mataas na Marka eh bibilhan kita ng PSP Slim edtion.
Anak: Talaga po?
Magulang: hindi lang yan anak tataasan ko pa ang baon mo, dahil dadagdagan ko ang perang baon mo.

gets nyo? eh sa tagpong ito palang eh may nangyayari ng suhulan at san pa ang ending yan edi korapsyon. simple diba. kahit na siguro kendi lang ang panuhol para lang mag aral ang kanyang anak eh tatatak na sa isipan ng bata na gagawin nya na tumaas ang kanyang marka para lang makuha ang sinabi ng kanyang magulang. dyan at ayan nakita nyo kung saan nag ugat ang lahat. sa tahanan. (nagets nyo ba?) i hope so.

kaya ndi malayo pagtanda ng mga bata eh dala dala na nila ang pag uugaling iyan at ndi malayong mangyari eh gagawin din nila yan sa kanilang sariling mga anak.
dahil dyan eh naalala ko talagang nagkainitan kaming magkakasama at sa masamang palad eh ang ending eh nagkagulo kami at nagkaroon ng isang away. suntukan ba. hay naku kasi naman po marami pa rin sa atin ang hindi nakakaintindi at ayaw umintindi at tanggapin ang katotohanan. Hindi na natin maaalis yan mga repa. totoo. ito ang isa ko pang taong sa kanila? at sa inyo na rin? Anu ang dapat nating gawin o may sulusyon ba dyan? hehehehe ito ulit ang aking sagot at uulitin ko itong opinyon na ito eh sa aking pananaw lamang.walang kinalaman ang sinuman. ito kung ikaw eh pipili ng iyong bobotohin sa halalan ito ang pinakasimpleng ideal na hahanapin nyo sa mga kandidato.”Less Evil ika ko, bakit? eh lahat naman sila eh Evil, at un ang totoo diba? bakit may “Less Pa?” eh kasi ito ung mga taong tipong kahit gumagawa ng masama eh kahit papaano eh nakakabuti sa atin. sa anung paraan? bigay lang ako ng isang halimbawa ok at ito ay halimbawa ko lamang, Si Lacson, masasabi ko isa syang taong tinutukoy ko na isang taong “Less Evil” baket? namindang ka sa sinabi ko? ito ang aking sariling dahilan kung bakit. Dahil sya alam naman nating lahat na isa sya sa mga taong sabihin na natin Masama at may mga kinalaman sa mga undergrounds activity? (teka lang ah uulitin ko example ko lang ito at base lang ito sa mga nabasa ko sa kanya at nakita ko.) bakit sya? eh kasi kahit papaano eh makokontrol niya ang mga kasama nya. diba? atleast masusupervised nya ng husto ang mga ito para kahit naman papaano eh hindi na lantaran ang mga masasamang ginagawa nila. panu ko nasabi? ito remember guys naging hepe sya ng PNP nuong panahon ni Erap at anu ang nangyari aminin natin ulit at natuwa ang karamihan sa atin na nawala ang mga kuratong sa lansangan lalo na sa ating mga kapulisan at ang mga iba ang mga crimen eh talagang nag slowdown. dahil kanino? kay Lacson. dahil nga sya mismo eh alam niya ang mga gawain ito, kaya sya na mismo ang sumupil sa mga taong sangkot sa mga gawain ito. Naintindihan nyo ba? ito lang naman eh kwentuhan lang at ang saloobin ko lan. kasi naman sa mga panahong ito eh ang kailangang ng ating bayan eh ung sinasabing KAMAY NA BAKAL, ung tipong MATIGAS ANG MUKHA. diba? ito ang ating kasagutan sa mga panahong ito. ewan ko lang kung magaagree ka sa akin pero ok lang kung hindi. hindi na natin kailangan ang tipong Matalino, Gwapo o Maganda, Maraming Alam sa mga kung ano anong theories o studies dahil ang pinag-uusapan natin dito eh ung papaano maging Hands On sya sa kanyang kapangyarihan, hindi lang dahil sa napag aralan nya ang mga lintek na yan kundi ung tipong sya mismo eh naranasan na niya. Mas lalo naman ayaw ko na sa mga Artistang Pulitiko. totoo sobrang nag iirita ako sa mga taong ito, bakit? eh kasi naman cguro tama na kung nasan na sila at sa tingin ko lang eh wala ng silang K para pumasok pa sa larangang ito. diba simple kung gusto nilang makatulong eh maraming paraan dyan, at hindi na kinakailangang makisawsaw pa sila. (tabi tabi lang ulet, hindi naman ako galit sa kanilang lahat na Artista-Pulitiko kung tawagin at hindi ko naman nilalahat, pero karamihan sa kanila.) kasi naman ginagamit nila ang kanilang kasikatan at ang karamihan sa ating mga kababayan eh nasisilaw sa kanila. cguro talaga ung ang ating pagtuunan sa ating mga pamayanan at ang pinakasimple dyan eh sa ating pamilya. dahil aminin natin karamihan pa rin sa ating mga kababayan eh kulang sa tamang pagpili ng karapatdapat. ito lang ang aking masasabi dyan at promise ginagawa ko ito, pinapaalam ko sa kanila o sa madaling salita e inieducate ko sila sa simpleng pamamaraan gamit ang mga tunay na pangyayaring nagaganap. ewan ko lang kung hindi nila maintindihan un?! pero hindi rin natin sila masisisi kung minsan eh nasasaalang alang o ginagamit ang kanilang kahinaan ng mga taong ito dahil narin sa kakulangan ng mga pangangailangan nila at dahil dyan eh nawawala na ang tunay nilang saloobin bakit kamo? ilang sa kanila eh kulang sa sapat na pera para pantustos sa kanilang pangangailangan, hindi man nila naisip na ang panandalian kaginhawaan eh isang eksena lang at totoo naman na panaginip lang ito na maituturing ang ending sila parin ang maghihirap, tayo paring lahat ang talo.

kaya ako talagang isasaalang alang ko nalang kung anu ang dapat sa mga simpleng mga alituntinin ko e kahit papaano eh masimulan ko sa aking sarili dahil buo pa rin ang ang paniniwala na hindi pa huli ang lahat para sa atin. kung aalamin lang natin ang dapat at nararapat sa isa’t isa eh sigurado akong makakamit natin unti unti ang ating mga mumunting pangarap sa buhay at sa kabilang banda eh makakabuti ito sa ating bayan. alam kong kulang ang mga salita para sa mga ito dahil suntok sa buwan ang mga ideya ko pero sabi ko nga simulan natin sa ating sarili, sa ating pamilya at manalig ng husto kay God, hindi man mangyari ito sa ating henerasyon eh makakasigurado tayong magiging sandata ito ng mga susunod na henerasyon para ipagpatuloy ang dapat. diba? tama naman.

hay naku nawili naman ako at napahaba na ata ang aking opinyon at sure ako na tatamarin na kayong basahin ito pero alam ko rin na ilan sa inyo eh naiintindihan ako sa aking mga pinagsasabi.pero ito lang konting favor ko nais ko rin sana malaman ang tunay nyong saloobin kahit na masama o hindi kayo agree sa mga ideya ko ito ay aking lubos na tatanggapin at ikakatuwa ko. promise.

asust!:)

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: