starting from scratch.

di ko masyadong napansin na tapos nanaman pala ang buwan ng setyembre at oktober na? wow ang bilis ng panahon at ilang tulog nalang at magpapasko na. ilang araw din akong monitor mode lang sa mga pangyayari dito sa mundo ng blog. medyo busy mode ako dahil na rin sa pinagkakaabalahan ko nitong nakalipas na araw at linggo, dahil nga nakabwenas ako ng trabaho. hehehe. asust! kaya ito muna ang aking kinakarir, nasa training stage na ako at kaya medyo ginagalingan ko na, at baka magtampo pa sa akin. sa totoo lang itong stage ang pinaka-ayoko kasi ba naman ito ung stage na tipong magsisimula ka sa simula, sa ingles tinatawag nila itong “starting from scratch.” tama ba un? sabagay lahat naman tau eh dumadaan dito, kaya lang ndi ko feel ang stage na ito! baket? eh kasi ito yung eksenang ikaw ang dapat mag adjust sa lahat, as in sa lahat. sa bagong environment na kakasaglakan mo, sa mga magiging kasamahan mo, sa mga magiging bossing mo, at sa mga taong hahawakan mo. whew. talagang pressure ito. promise! pero syempre dapat kong harapin ang lahat ng ito para makapasok sa susunod na level! tae!

sa totoo lang nung una eh parang gusto kong magbackout as in gusto kong layasan ang training at umuwi ng bahay, pero naisip-isip ko na pagginawa ko ito eh ang ending ako ang talo, at syempre wala pa rin akong trabaho. ang ginawa ko nalang eh nilunok ko ang aking pride at ginawa ko ang dapat. ayun medyo unti unti eh natatanggap ko sa aking sarili na okay naman itong aking ginagawa at walang masama dito. para bang narefresh ang aking utak at naalala ang mga naging karanasan ko sa aking nakaraang trabaho. aba nung una eh parang nabobo ako dahil ilang buwan rin akong nakatengga sa bahay na walang ginagawa kundi ang matulog kumain at tumambay. sabi nga ng mga tropa ko eh patabaing baboy ako. asust!🙂 ayun sa awa naman ng Diyos eh natapos ko ng matiwasay ang aking pagsasanay at eto ako ngayon naghihintay ng aking store assignment. teka baka nagtataka kau kung anu ang aking trabaho? hehehe! may koneksyon pa rin naman sa aking pinag aralan at sa mga nakalipas kong trabaho sa ibayong dagat! sa resto mga repapips. isang management position, pero sa aking pagsasanay eh ginawa ko ang lahat ng gawain sa isang resto. kaya mo un? pwes wala naman akong choice pero sa bandang huli naisip ko na talagang kailangan ko iyon.🙂

may napansin lang akong ilang kaibahan dito at dun sa ibang bansa pagdating sa food industry, dito medyo okay okay pa ang mga kustomers, medyo nakakaintindi sila, pero sa aking pinanggalingan eh hindi! as in malaking hindi dahil kulang nalang eh susubuan mo ba ang mga walang kwentang arabo. mga wala kasing manners ang mga iyon, totoo lang ang sinasabi ko at hindi ko naman nilalahat pero karamihan sa kanila eh ganun. ang tawag nga sa kanila sa salitang arabo eh “Mafi Mok!” meaning walang utak! at pagnapagtripan ka pa nila eh talagang magmumukhang tanga ka at mapipikon ka! kaya dapat ang pasensya mo sa kanila eh mahaba at ikaw nalang ang umintindi sa kanila! teka lang hindi naman ako masyadong galit sa kanila kinukwento ko lang ang aking mga naging karanasan sa kanila. pero teka oktober 1 na pala at ngayon araw din natapos ang ramadan? well gagamitin ko na rin ito para batiin sila ng isang masigabong “EID MUBARAK SHABAB!” ito yung pinakapasko ng mga ungas este ng mga kapatid nating nasa gitnang silangan at pati na rin ng karamihang muslim.

ok mabalik tau sa issue ko, ibang iba talaga dito at doon, kaya medyo hindi naman ako nahirapan maliban sa 10 hours na nakatau ako na paikot ikot sa buong store at nag-oobserved at dun nakita ko naman ang mga ilang ugaling pinoy. hay naku nakakatuwa nalang kung tutuusin cguro next entry ko na ikwento dahil medyo mahabahaba iyon.

to sum up eh masaya ako sa mga nangyayari sa akin dahil medyo nakakabawi na ako at nagiging pakipakinabang na ako. atleast hindi na inabot ng pasko ang aking pagiging pasaway. bwahahaha. sana naman eh may napulot kang aral meron ba? ahehehe tae!!!

ps: binabati ko pala ang lahat ng may kaarawan para sa buwang ito. hapi birthday! kung sino may kau eh alam nyo na un at ang ubligasyon nyong magpainom eh hwag kakalimutan. ahehehe🙂

2 Tugon

  1. isipin mu na lang na

    nasa stage one k ng

    super mario… lolz…

    adik…


    cno adik??? asust🙂

  2. asust… san disyerto ka ba nasadlak dati? dito din ba? bakit nga ba mga Mafi Muk ang mga arabo hehehe.. at mga mafi wenta hehehe…

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: