Ang Melamine at si Fader.

Im back again, ilang araw din ako monitor mode lang sa aking blog dahil na rin siguro ndi ko magawa man lang ma-update dahil sa wala ako sa mode, o sabihin na nating medyo payod ako nitong mga nakalipas na araw at linggo. asust.aktuwali kahit monitor mode lang ako eh nababasa ko pa rin naman ang ibang entry ng aking mga kabagang at kahit papaano naman eh updated ko sa mga nangyayari sa aking kapaligiran lalo na sa mundo natin dito sa blogosphere. etchos. sa awa naman eh wala pa rin bago sa mga balita sa ating bayan ayun apektado tau ng pagbagsak ng ekonomiya ng amerika at sa iba pang panig ng mundo, at meron ding bagong kagaguhan ginawa ang ating mga kapatid na tikoy. sino ba naman ang hindi nakakaalam ng melanine scare na yan? aba kahit ako eh medyo natakot dyan kahit ung fav kong choknut eh nagdalawang isip akong kainin baka ung gatas nilang gamit eh galing sa mga tikoy na yan.hmp. buti nalang eh negative naman. pero aminin nyo lahat naman tau eh talagang nawindang sa pangyayaring ito diba? ulok! at dahil dyan eh may natanggap din akong txt msg mula sa aking BBF na tawagin nalang nating Olanditas, yung mensahe nya eh medyo sensitibo, ito share ko at basahin nyo:

DEPARTMENT OF HEALTH WARNING:
All Men are advised not to suck
Chinese Girls’ breast as their milk
may contain MELAMINE!
In short IWASAN ang
SUSO ng mga CHINITA.

haha😛 kaya ung mga mahihilig sa mga chitita dyan eh mag-ingat muna kayo, kayo nalang muna ang magpasuso. lol! baboy! hay naku talaga namang nagawa pa ng mga loko na magkalat ng mga kagitong mensahe sa gitna ng mga pangyayaring ating hinaharap. talagang nag effort pa sila ah. Yan ang Pinoy! plangak!🙂

hay naman life. pero kahit papaano naman eh magpasalamat naman tau dahil ndi tau pinabayaan ni LORD dahil as of now eh wala pang napabalitaang naapektuhan ng MELANINE baka bukas meron na! etchos! dahil sa mga malilibog nating mga kapatid na mahihilig sa chinita! jokes!:)

ok. sa kabilang banda naman eh may isa pa akong nais na ishare sa inyo at ito PROMISE medyo seryoso na at sigurado eh mag-iisip kayo at baka dumugo pa mga ilong nyo pati na ang mga brain cells nyo. kasi yesterday sa aking pagsimba sa megamall (UO tama narinig nyo nagsisimba ako! at hobby ko na un evry Saturday Night together with my Family!) natuwa ako at may napulot akong isang mahalagang mensahe sa sermon ni Fader. (anu ba pangalan nun? I forgot eh!) basta un. ang sabi nya kasi eh ganito may itatanung sya sa amin na isang NAPAKAHIRAP NA TANONG? syempre medyo taglish ung pagkakasabi ayun pagkatapos eh biglang nanahimik ang lahat at nakatunganga kay Fader at isa ako dun. sa loob loob ko naman eh anu kaya un?

Fader:I want to ask a very difficult question to everybody? (basta sumtin like that!)
All: Silence……(Nakatunganga ang lahat at walang masagot)
Fader: hello?????

All: HI….( may ganun! uu promise!)
Fader: sabi ko meron akong isang tanong na napakahirap na ibabahagi sa inyo?
All: tahimak ulet….

hanggang sa sinabi na ni Fader ang NAPAKAHIRAP na Tanong na sinasabi nya.

Fader: Hanggang kelan kaba mabubuhay sa mundong ito?
Aga: (bulong sa sarili) aba mahirap nga? sa isip isip ko eh hindi ko alam at si Lord lang ang nakakaalam nyan.
Fader: Anu mahirap no?

ok ganito ang explanation ni Fader at malinaw pa sa aking isipan. Walang sino man ang nakakalalam kung hanggang kelan tau sa mundong ibabaw na ito. ang mga bata, ay tatanda, ang medyo may edad at lalong tatanda, at ang mga matatanda ay haharap sa panibagong buhay. (eto pa ang explanation nya dyan dahil pangit naman daw na kung sasabihin nya na ang mga gurang eh mamamatay medyo pinaganda nya, pero totoo naman eh!) kasi daw dito sa mundong ito eh walang Forever, o sa tagalog eh lahat ng bagay eh may katapusan at isa pa ni isa sa ating lahat eh walang nakakaalam kung kelan ka yayao. Tama ulet un. pwede bukas eh ndi ka na gumising sa banig mo dahil tepok kana, pwede rin sa makalawa, sa ikatlo etc.bakit nya naman nasabi un? kasi naman tau aminin na natin at ako kasi inamin ko na rin, mahilig taung magsabi na “Bukas nlan!, Mamaya na?, Sandali lang?” at kung ano ano pang excuse. tama diba. eh kung ndi nating lahat na huli na pala ang lahat? pano? syempre ang eksena sisihan portsyon? tama diba? andyan ung cry to the maxxx at kung anu ano pa eh ano pa magagawa nating game over na? tsk tsk.. nakukuha nyo pa ung point ko? ok ito ang eksenang example ni Fader.

Eksena sa Buhay:
Ang Magulang at ang kanyang Anak: (Spotlight!) etchos.

Magulang: (Naglalambing sa kanyang anak para sya ay dalawin.) Anak dalawin mo naman ako dahil may karamdaman ako!?.. (kahit na walang karamdaman eh nagagawa minsan na sabihin ng magulang na sya ay may karamdaman sabi yan ni Fader at agree naman ako dyan!)
Anak: eh kasi po busy ako kesyo wala na po akong time.!

isa na yan. at ito pa.

Magulang: Anak pengeng pera pambili ko ng gamot?
Anak: Wala akong pera.
(balahurang anak! pagkatapos ng lahat! pero nangyayari ito.PROMISE.)

yan ang mga binigay na example ni Fader. at ito pa ang say nya, eh paano nalang kung ito na pala ang huling lambing ng iyong mga magulang? tapos bukas eh wala na sila? anu ang eksena?

Spotlight ulet!

Anak: (nagwawala sa kakaiyak at halos malaglag na ang bangkay sa kabaong!) nayyyyyyy…tayyyy patawarin nyo ako!!!!
Fader: eh anung kalokohan yan? kahit na anong iyak mo dyan eh maririnig ka pa ba nila?

tama ulet si Fader. sa puntong iyon eh medyo natamaan ako at napag-isiisip kong hanggang may magagawa pa ako sa mga oras na ito ay dapat gawin na at huwag na hintayin ang bukas baka ang ending eh huli na ang lahat. eh kasi naman sa totoo lang ugali na natin to eh, pero mali pala iyon. eh pano kung bukas dedo kana? diba sad? and ang ending sisihan nanaman? panget naman un.

ang hindi natin alam ang araw na ito ay magiging kahapon mo nalang at ang bukas ay ang katapusan mo na. gets mo? nothing in this world is FOREVER. kaya sa mga oras na ito ay gawin mo na ang dapat mong gawin at ‘wag na ipagpabukas dahil hindi natin alam kung bukas eh may hininga pa tau? Game Over kana pala. hanggang maaga pa eh pagbalik loob kana sa kanya. sabi pa ni Fader eh ganito, Hindi tau nilikha isa isa bilang pareparehas, meron maganda, at mas maganda. may mayaman at may mahirap. may namamatay ng bata at may namamatay ng matanda. bakit? dahil lahat ng iyan eh may dahilan at may nakakabit na mahalagang responsibilidad. korek?!

Conclusion:
Honestly, nagising ako sa katotohanan at natutunan kong magpahalaga at natutu rin akong magpasalamat sa kanya.🙂

ikaw? may natutunan kaba? o naintindihan man lang sa sharing ko? kahit medyo magulo?

3 Tugon

  1. heartwarming naman ng post na ito. philosophical pa. hehehe…
    atsaka ang cool ng Fader mo ah. ang tatay ko noon, ang mga pinakamahirap na tanong nya sa akin eh “Utoy, magkano ang laman ng bank account mo?” Ang hirap aminin na maintaining balance lang ang laman. hehe…

  2. nothing in this world is FOREVER… >>> parang mali ito kasi DIAMONDS are FOREVER di ba? heheheh!

  3. nothing in this world is FOREVER… >>> parang mali ito kasi DIAMONDS are FOREVER di ba? heheheh!

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: