tanong ko eh BHAKET???

Bhaket? Bhaket? Bhaket? Parang umiikot ang mundo ko sa isang tao lamang? Uo kasi nga kasi nagmamahal naman ako. Ito ang hirap sa akin pagnandito ako sa ganitong sitwasyon eh talagang NAPAKATANGA KO!!! Wala akong paki alam sa ibang tao nakapaligid sa akin kahit ano pa man ang sabihin nila sa akin. In short deadma ako sa lahat. Ganito ako magmahal sobra sobra at binubuhos ko ang lahat ng makakaya ko, alam ko na minsan ang sobra sobra ay nakakasama na, pero mapipigilan mo ba ang iyong sarili? at makokontrol mo ba kung ano ang nararamdaman mo? dba hindi naman? mahirap ang magpigil ng nararamdaman kasi baka maistroke ka hehehe, kidding aside masarap ang pakiramdam as in TANG INA talaga ganito ako magmahal! Parang nasa heaven ang pakiramdam ko, na para bang wala ng bukas.

Sa totoo lang, taliwas ito sa mga sinasabi ko sa mga kaibigan ko pagsila ay humunge ng advice tungkol sa kwentong puso, Parate kong sinasabi sa kanila na huweg nilang ibigay ang lahat-lahat at magtira sa kanilang sarili. Un ang alam ko pagdating sa usapang puso, kasi ilang ulit na rin akong nagmahal at nasaktan, nagmahal at muling nasaktan. Pero heto parin ako ganun parin ang diskarte ko pagdating sa sitwasyong ito. Hindi na nadala at taliwas pa sa mga sinasabi ko sa mga kaibigan ko. Bhaket gulit? Puro tanong nalang ako sa sarili ko. Minsan masasabi kong NAKAKABALIW talaga ang sitwasyong ito. Kaya minsan hindi mo masisisi ang ibang tao na gagawin ang lahat, kahit ang kanilang buhay ay itataya. Asust.

Ayoko ko rin magsalita ng tapos, at kahit papaano naman eh may konteng mabago rin sa mga diskarte ko, medyo natuto rin naman ako kahit konte sa mga past experiences ko. Tipong TAMANG TIMPLA LANG! hindi na masyadong karapal na ipinaaalam na sobrang effort ang ginagawa ko, more on emotional move na rin ako than physical. Medyo effective naman. nakakatuwa rin dahil kahit papaano eh nabibigyan ng pansin totoo lan. Pinaparamdam ko na lang thru emotion. Ang gaganda pa ng resulta, SWAK NA SWAK sa bonggang bongga BANNGA!! asust. Siguro nga naging matured na rin ako pagdating sa ganitong sitwasyon, medyo alam ko na rin ang pasikot-sikot. Hay naku po daig ko pa ang isang adik sa droga. Parang lumulutang ako sa alapaap. Kaya minsan eh nawawala ako sa aking sarile. hehehe Baka naman akalain mo na BALIW na ako, hindi pa naman, Pero minsan talagang hindi mo mapigilan at nakakaBALIW talaga!! Medyo magulo ata? Keri na yan hehehe asust ulet.

Para tuloy ayoko ko muna mangibang bayan para doon magtrabaho dahil na rin sa kanya. Kaya medyo nabago na rin ng konte ang aking mga plans, Yes!, im staying here for awhile. Dito muna ako makikipagsapalaran sa pinas kasama ang aking Mahal. hehehehe.

Masarap ang magmahal, at wala ng sasarap pa pag alam mo MINAMAHAL ka rin. Isang patotoo lang mga dudes, isipin nyo na ang lahat kung bakit ako nagkakaganito pero sa totoo lang noong una eh parang NATAKOT ako pumasok na sa ganitong sitwasyon dahil na rin sa mga dinanas ko noong mga nakaraang ralasyon ko, In short Nagtapang tapangan ako, at natutuwa naman ako dahil narin nakikita ko at ang pinakaImportante sa lahat nararamdaman ko na MInamahal nya ako. Hindi ako nag AASUME or what? oppss nosebleed na ako, teka punasan ko muna. eheheh Seriously sa araw araw eh may nakikita akong positive reaction sa kanya at sa akin na rin. Wow parang sarap sarap namnamin ng moments.

Siguro isa na rin sa mga magandang pundasyon sa isang relasyon eh ang isang matinding pagkakaunwaan sa isa’t isa, Friendship ba. Eh kasi naman simula ata pagkabata eh magkakilala na kame, at ang dame na namin pinagdaan bilang isang magkaibigan, hindi lang basta magkaibigan, katropa kundi parang isang kapatid na rin. Totoo maganda ang magiging flow na isang relasyon dahil na rin kilala nyo na ang isa’t isa at hindi na kayo magkakapaan kung ano ecthetera hindi ko alam paano explain pero ganun na un. asust.

at the end of the day, Seriously I don’t expect anything, but I am doing my best. Mahirap na rin kasi minsan mag expect, doon medyo masasaktan ka pa, Tatanggapin ko nalang kung ano meron at ano ang ibibigay at sa aking sarili ganun din naman. I am just enjoying what I have now. Wow English!!! Burger…burger..burger… letche. Sarap ng feeling talaga. Medyo mahaba na ang litanya ko, pero alam ko naiintindihan nyo ako kung ano ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. tenk you!! hay.. LOVE MOVES in MYsterious way… dah..dah.. dah.. hehehehe.

asust…..

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: