iba na ang may pinagsamahan….

Isang makabuluhang araw naman ang lumipas kasama ang aking mga katropa dito sa amin. Aktuwali, minsan nalang sa isang linggo kami kung magkita-kita, minsan buwanan pa bago kami makumpleto at magharap-harap sa isang lamesa at mag-inuman, Kamustahan, kwento ng buhay buhay at kung ano ano pa, andun pa asaran sa isa’t isa, tuksuan, laitan etchetera. Hay naku kasama na ata yon sa aming magbabarkada, masasabi ko ring Normal na un dahil ganun kami nagkakasayahan minsan sa isang araw. Wala pa rin nagbago, siguro nagbago sa katayuan sa buhay at pisikal na anyo pero ang pag-uugali ng isa’t isa ganun parin. Parang ayaw namin matapos ang gabi sa sobrang kasiyahang idinulot ng isa’t isa. Masasabi kong hindi rin naman kaming perpektong magbabarkada, meron din naman mga oras noon na kami ay nagtatampuhan o nagkakagalit dahil sa mga maliit na bagay, away magkakaibigan lang siguro o away bata. Pero sa awa naman ng Diyos naayos din. Siguro dahil pinapahalagahan namin ang aming magkakaibigan sa isa’t isa. Nakabuo kami ng isang matatag na pundasyon na sinubok na rin ng panahon. Ayos noh! yan kami. Dahil na rin siguro simula sa simula, noong mga bata pa kami eh kami na halos magkakasama, para ngang magkakapatid na rin ang turing sa isa’ t isa.

Kilalala na namin ang mga pag-uugali ng bawat isa, may mapang-asar, may pikon, may gago, at ako siguro masasabi kong parati akong center of attraction. Ako parate ang main dish para asarin, laitin, hamakin minsan talaga napipikon ako pero dahil alam ko na ganun sila, makikipagsabayan nalan ako sa kanila at tatawanan ng malakas, at sasabihin “CGE AKO NG LAHAT!!” masaya na kau? sabay akbay sa akin, at tapis sa ulo ko to’ naman binibiro ko lan namin. Asust parate nalan? syempre EMO minsan, pero hindi umuubra. Talaga atang ganito ang role ko sa aming magbabarkada, Sentro ako parate kahit san mo ilagay. Feeling ko nga minsan sikat na sikat ako sa kanila hehehehe etchos. Pero okay lan naman sa akin un eh, atleast napapasaya ko sila at hindi nila ako makakalimutan sa tanang buhay nila. Asust!

Karamihan sa aming magbabarkada eh may mga sariling pamiya na rin at mga anak. Date date eh kami ang hinahabol ng mga magulang namin sa kalsada, aba’y ngayon sila na ang nanghahabol sa anak nila hehehehe. Nakakatuwa talaga pagmasdan minsan. Ilan nalan kami mga SINGLE ang AVAILABLE. Isa ako dun. Pero hindi naman ako nagmamadale o naghahabol sa kanila.asust. Bhaket kamo? ang hirap hirap kaya ng buhayn ngayon, pagtinatanong nila akong kelan mag-aasawa, sagot ko na lamang sa kanila “HINDI PA PINAPANGANAK MAPAPANGASAWA AKO!!!” pero deep inside, naiinget ako sa kanila dahil atleast sila nakita na nila ang lahi nila, ang babaw noh? pero iniisip ko na lamang sa aking sarili, gusto ko mabigyan ng isang maganda at makabuluhang buhay ang aking magiging asawa at mga anak, in short I want to be Millionaire. hehehe para mabigay lahat ng luho nila. kidding aside. Ung tipong tama lang. asust.

Masaya talaga ako pagkakasalamuha ko ang mga kabarkada ko, aktuwali, hindi lang sila basta kabarkada tulad nga ng sinabi ko earlier, ang aming turingan eh parang isang magkakapatid na, hindi na iba sa amin ang isa’t isa. At sana mapamana amin ito sa aming mga anak. Sa panahon kasi ngayon mahirap ma makakita ng isang tunay na mga kaibigan, sa totoo lang, karamihan eh may mga suot suot na mga maskara, Plastic o user. At baka san kapa damputin pagdating ng panahon. Pillin mabuye ang mga kakaibiganin.asust. Totoo lang, para tiyak na hindi ka mapapahamak pagdating ng panahon.

Kaya ako nagpapasalamat ako sa Diyos at binigyan niya ako ng mga kaibigang wasto, kapakipakinanabang, handang umintindi sa anu mang mga suliranin at palagaing matatakbuhan pag gusto mo IMINOM ng Alak, Joke.joke joke. Isang Tunay na Pagsasamahan na Walang katumbas na halaga. “PRICELESS” tenk you po Lord. hehehehehe ito ang mga kabarkada ko, pwede ko na rin sabihin na MGA KAPATID ko…. asust..

ASUST…..

2 Tugon

  1. iba talaga ang saya na dulot ng mga kaibigan, walang kapantay!😀

  2. @lilingbells — korak!! walang katulad itaas mo… asust

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: