in the middle of nowhere.

Ilang araw na rin ako ganito, medyo masama ang pakiramdam, parang bibigay na ang katawan ko sa mga pinanggagawa ko. Masyado naman ako nakalimot at nawala sa ulirat. Hindi ko akalain na hahantong nanaman ako sa ganitong sitwasyon. Kaya eto ako ngayon mukhang ewan naman, iniwang parang wala lan. Akala ko ay okay na ang lahat, pero hindi pala, panandaliang saya lamang ang dulot niya sa akin. Pinaasa at umasa ako dahil narin siguro nagtiwala ako. Muntik muntikan naman ako damputin sa kangkungan na puno ng putikan. Nagising nalamang ako isang araw pa ang bigat bigat ng aking dinadala sa aking dibdib.

Parang ang pakiramdam ko ang sama-sama ko na? Lahat sila nakatingin sa akin at parang tuwang tuwa pa sa mga nangyayari? Alam ko nakalimot naman ako, hindi ko naman naisip ang mga pinanggagawa ko. Pero tama bang isisi sa akin ang lahat? Ako nalang ba ang parating taga salo? ako? ako? ako? Tang na buhay to. Wala na ba akong karapatan na magbago sa paningin nila? Pwes kung ganon ang tingin nila sa akin, FINE. Bahala kayo!! sa mga panahong ito sawang-sawa na akong makipagbulyawan o makipag-usap dahil alam ko wala naman mangyayari. Mananahinik na lamang ako sa isang tabi at sasarilihin nalang. Alam ko kaya ko to’. Sa dinami-dami kong pinagdaanan sa buhay heto ako nakatayo pa rin. At ngayon sisiguraduhin ko pagtayo ko muli, titiyakin ko na magiging maayos na ang aking landas, kahit wala sila, kahit ako nalang mag-isa. Mahirap maipaliwanag sa mga oras na ito ang mga pinagdadaanan ko. Putcha! Sabay-sabay naman sila! Next time ko na kwento. MGA PUTANG iNA NILA!!! Nagkamali naman kayo!!!!

3 Tugon

  1. kung ano man pinagdadaanan mo, i know kaya mo yan… hugs!🙂

  2. @MisyeL — salamas!!! ^^

  3. may good karma yan..😀

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: