mahal ako ni Jollibee….

Batong bato na ako sa kalagayan ko ngayon ab’y nakakasawa rin naman maging isang tambay o maging jobless. Ilang buwan na rin me dito sa lupang sinilangan galing sa sa bayan na puro disyertong buhangin. Isa akong X-OFW, dating bayani ng bayan asust na ngayob isa na sa wermisyo ng bayan at palamunin ng mga magulang ko hehehe. Ilang taon din ako nagbanat ng buto para magtrabaho sa dayuhabg lupa, pero sa aking palagay walang nangyari sa akin, totoo wala akong naipundar o naipon man lan in short naging waldas ako. gastos dito, inom doon at kung anu-anong klase pa para bang galit sa pera. Wasdasero nga siguro ako. Kasalanan ko rin ang lahat. Ako ang may sala promise ndi ko minahal ang mga pinagpawisan ko kaya ako ngayon eto nagsisise pero huli ng lahat pero sa tingin ko ha meron pang isang pagkakataon ewan ko lang kung kailan, pero malakas ang aking pakiramdam na makakaahon ako mula sa aking pagkakadapa. At sisiguraduhin ko na iibahin ko na ang aking diskarte sa buhay. asust. Naalala ko tuloy ang sabi ng mga barkada ko pagnagkakausap kami at nagugulat dahil nga andito na ulit me sa Pinas, unang bungad nila sa akin eh “uy cguro ang dami mo ng pera, mayaman kana buti kapa?” bakit anu ba akala nila ginagawa ko sa gitnang silangan? nagmimina ng pera o nagwawalis ng mga dolyares? hindi cguro. Hindi lang nila alam na karamihan sa mga nagtratrabaho sa dayuhang lupa eh pati mga singit nila eh pinagpapawisan makapagpadala lang sa mga pamilya nila dito sa pinas para mabili ang mga pangangailangan sa araw araw at pati mga luho nila. Buhay mayaman ba ang dating pero ndi nila alam ang hirap ng taong nagtratrabaho doon na minsan pati sarili nila eh nakakalimutan na nila dahil panay ang over time at sideline. Wawa naman si kabayan… un nalang ang nasasabi ko sa mga kabayang nakikita ko sa disyerto asust. mag EMO mode ba tau? heheh hindi naman sinasabi ko lang ang nakita ko. Sana lang eh maisip nila ung mga mahal nila sa buhay na kamustahin at kausapin, Kasi nga base sa aking mga naoobserbahan eh nagpaparamdam lang ung mga kaanak nila pagdating ng katapusan ng buwan sabay-sabay na makakatanggap ng text msg at nakalagay na “musta na? nakapagpadala kana ba?” tama ba yon? ndi man lang kamustahin na “oh kamusta kana dyan? Ok ka lang ba dyan? oh ung health m ingatan mo ah? miss ka namin dito mag iingat ka dyan parate ah??” hay ito ang isang hindi magandang ugali natin eh masakit nga aminin pero totoo. Sana maisip nila ang hirap nila kabayan dun at may damdamin din na kalimitan eh nahohomesick pero nilalakasan lang nila ang kanilang loob dahil alam nilang may magugutom silang pamilya dito sa pinas. Minsan naman pasayahin natin sila kahit ilang minutong tawag man lang upang sila makausap ng masinsinan o sulatan sila eh sobrang hi-tech na ngayon meron naring internet ichat sila sa yahoo diba sa simpleng pamamaraan eh tiyak na sila ay sasaya malay nyo madagdagan pa ang papadala ehehehe joke lang. Seryoso na. wlang halong biro nakakataba ng puso iyon.

Mabalik ako sa aking buhay na kahit na walang kwenta sa tingin nyo. Siguro dito na muna me sa Pinas makikipagsapalaran kung may bwenas pa me dito gusto ko lang subukan ika nga asust.Pero sa ngayon nagdadalawang isip pa ako at may gusto pa akong gawin sa aking life in terms in my career. Gusto kong mag aral muli at gusto kong magturo. Iyan ang aking goal ngayon sa mga oras na ito.

Kaya taas noo ako sa mga OFW. asust. Sila ang mga makabanggong bayani ng ating bansa!  Kaya tiyak ako mahal sila ni jollibee. hehehe koneksyon? wla trip ko lang sabihin. ang ganda kasi ng bagong ad sa tv ng Jollibee. asust cge na baka anu pa masabi kong walang kwenta…..asust..

hanggang sa muli,

signed5.jpg

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: