Paano ba sila intindihin?

“They don’t know that I come running home when I fall down
They don’t know who picks me up when no one is around
I drop my sword and cry for just a while
(Look up for His smile)
‘Coz deep inside this armor
The warrior is a child”

Isa lamang yan sa mga paborito kong kanta sa mga panahong ito. Halos mabaliw na ako kung anung topic ang isusulat ko sa blog ko ngayon, halos matuyo na ang utak ko sa ka eeseph kung anung chuvang topic asust. Napakarami kong na esep pero nd magkasundo ang mga chakang kuto ko kaya nagbotohan pa sila. Im just joking baka akalain nyo eh kutuhin ako nd naman noh. Papunta na tau sa seryosong usapan oki eto na..

Emo mode ako ngayon.  Masasabi ko na maswerte pa rin ako. Bhakkett?? Kasi ako ay pinanganak ni Mudrakz na walang anumang kapansanan hindi tulad nila Mark, Ronald, nakalimutan ko pangalan nung isang batang babae eh sya nlang c Batang X. Sila pala ay nakilala ko lamang kanina sa TV. Sila ay mga bulag. Napabilib nila ako sa totoo lang, napaantig nila ang aking mga kalamnan dahil sa kanilang lakas ng loob para makipagsapalaran sa mundong ibabaw kahit na sila ay may taglay na mga kapansanan. Biglang analog ba naman ang aking utak sa kanila at napaesep-esep na kung ako nasa kanilang kalagayan eh baka matagal na ako nagpatiwakal. UU seryoso natatakot ako sa ganung sitwasyon. Kaya nagpapasamalat pa rin ako kay prensyip God dahil ako normal. Nakita ko ang kagandahan ng mundong makulay at namumuhay ng normal na ndi nila tulad na walang paningin.

Pero bhaket kalimitan sila ung mga taong kinukutsa at inaapi ng mga taong wala magawa?. Ndi naman nila ginusto maging isang bulag, pipi o pilay? Ndi naman nila pinili kung anu ang kanilang maging buhay sa mundong ito. Katulad  natin sila na ang ninanais lamang eh masaksihan ang isang buhay na puno ng magmamahal. Pero sometimes eh may mga taong ndi nakakaintindi sa kanila at bagkus sila ay pinagtatawanan at pinagwawalang bahala. Aaminin ko minsan sa aking buhay eh isa ako sa mga taong ito na pinagtatawanan ang mga tulad nila. Siguro nung mga panahong iyon eh ndi pa malawak ang aking pag-iisip tungkol sa kanila. Sa isang banda sila ay naintindihan ko na rin dahil na rin cguro sa magandang aral na ibinigay sa akin ng aking mga magulang at guro. Ipinamukha nila sa akin na sila ay tulad ko rin isang tao na may puso at damdamin din.

Bilib ako sa kanila dahil hindi hadlang ang kanilang kapansanan upang makamit nila ang kanikanilang mga pangarap. Nagpupursige sila na mamuhay ng normal.Nakikipaggitgitan sa magulong mundong ginagalawan kasama natin. Sa kanila ko na rin narinig na wala silang sinisisi kung bakit ganun ang kanilang kinahinatnan sa buhay na ito bagkus sila ay nagpapasalamat pa kay prensyip GOD. Eh ikaw? Kayo? Kelan ba ung huling napasalamat s’ya? Ako honestly matagal na. Bakit kadalasan eh ndi man lang natin s’ya napasalamatan o alalahanin man lang? Bakit naaalala lang natin s’ya pag tayo ay may kailangan sa kanya? Hmp.. totoo lang diba? Kasi ako ganun.

Kaya ako malaking pasasalamat ko sa kanya. Utang ko ang aking buhay  sa kanya. Pero ndi ko pinapangako na ako’y magiging mabuting alagad niya. Pero gagawin ko ang nararapat ayon sa kanyang utos. Asust tao lang po ako at natitipalok at napapamura din. Mahirap mangako. Natutunan ko sa aking buhay na kung paano pagpasalamat kahit sa maliit na bagay na ibinigay sa akin. Tenk you po.

At sa mga oras na ito pinagdadasal ko ang mga tulad nila Mark, Ronald at Batang X na sana wag sila mawalahan ng pag asa bagkus dagdagan pa ang kanilang lakas ng loob para harapin ang kani-knilang buhay. At pinagdadasal ko rin ang mga taong tulad ko na wag na sana silang kutyain at hamakin dahil sila ay katulad natin at alalahanin natin sila ay kapatid din natin.

Sana ay may napulot kayong MORAL LESSON sa topic ko eh kung wala Tenk you pa rin. Asust…

 

Hanggang sa muli,

 signed5.jpg

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: