Pamahiin: sa patay.

ilang araw na rin akong nakikihalo biro sa isang Coffee Party dito sa aming kapitbahay, in short naglalamay sa patay. ilang araw na rin ako talo sa letcheng pusoy na yan at sa tong-its. ewan ko ba kung bakit nawala na ang bwenas ko sa sugal? o baka malas lang talaga ako. ok positibo pa rin ako kailangan, pampalakas loob ba? tae! syempre habang busy mode ako sa kakasugal eh abala rin ako sa pakikipagtalastasan at pakikipagtawanan sa mga tropa na kasama ko na naglalamay. para sa akin eh pabor na pabor yun dahil may insomia ako habang yung iba eh lasing na lasing na sa kape at ung iba naman eh lasing na sa alak. ndi na ata mawawala iyon.

sa isang banda eh habang busy ang lahat sa kakasugal at ung iba sa kakainom ng kape at alak eh biglang napag-usapan lang ang mga pamahiin kapag may patay. ewan ko ba tayong mga pinoy eh nahuhumaling at sobrang fanatik sa mga pamahiin na namana na rin natin sa mga nakakatanda at nakalakihan na rin. pero sa totoo lang ah karamihan sa atin eh naniniwala sa mga ito at talagang sinusunod natin na kahit na alam naman natin na wala talagang itong pruweba o napatunayan ewan ko lang eh. pero kung ako ang tatanungin eh medyo medyo lang ako at kung tatanungin mo rin ako kung sinusunod ko ang mga ito eh, siguro dahil na rin sa respeto ko at kinalakihan ko na rin siguro. magulo ba? ahehehe :) ok isa isahin natin ang mga pamahiin kung may patay.

1. Bawal Magwalis — ndi ko pa rin alam kung anung ibig sabihin bakit ndi pwede magwalis? kesahodang magmukhang payatas ang kapaligiran ng bahay ng may patay? ito lang ah eh bakit naman sa mga fumeral parlor eh maya-maya eh nagwawalis ang janitor? ano ang logic? asust :)

2. Bawal Maligo sa may bahay ng namatayan — ok fine, ndi sa kabilang bahay. at sa aking personal na experience nakiligo pa ako sa kabilang bahay. ewan at hindi ko rin alam kung bakit at anu ang hilig sabihin nitong pamahiin na ito.

3. Bawal Maggisa o Magprito — huatttttt?? kaw alam mo?

4. Bawal Magsuot ng kulay Pula — ito medyo pamilyar ako dahil syempre masyadong matingkad ang kulay pula at hindi angkop dahil nga nagluluksa. ok fine!

5. Bawal Tuluan ng Luha ang Kabaong — dahil daw lalangawin ang patay? un ba un? oh mali lang ang nadinig ko?

6. Bawal Mag- Thank You (sa mga kamag-anak ng namatayan) — kasi daw baka masundan pa ang burol. hmp.

7. Bawal din ang maghatid ng mga bisita (sa mga kamag-anak ng namatayan) — may koneksyon sa no.6. hmp ulet.

8. Bawal ang buntis — huh? ndi ko rin maintindihan ang pamahiin na ito. tsk.tsk.

9. Bawal mag uwe ng pagkain galing sa patay — hehehe mahiya ka naman noh. joke.

10. Bawal sapatusan ang patay — hmmmppp… bhaket? kaw may nakita kana bang nakasapatos? aber?

yan po eh mgailan lang sa mga pamahiin kung may isang patay. at kung ako eh tatanungin nyo kung ano ang mga kahulugan o paliwanag eh malamang eh hindi ko alam ang dahilan o sagot sa mga iyan dahil kahit ako eh naghahanap din ng mga kasagutan sa mga ito. sinabi ko nga kanina ito ay nakalakihan ko lamang at naririnig ko kadalasan sa mga matatanda. kaya ako eh follow nalan kung hindi eh malamang maliguan ako ng sermon at kagalitan pa ako. sabagay wala naman mawawala kung susunod ka nalang.  korek? asust.

kaw ano pa ang mga alam mo pamahiin pag may patay? share ka naman?

kape gusto mo?

P.S. Condolence po sa mga naiwan ni Ka Roger. Sumalangit nawa ang kaluluwa niya!

10 Tugon

  1. may ganun??? asust!

    lolz :) asust!

  2. ayy naku, kami rin ganyan…lumaki at nagkaugat sa mga pamahiin na yan. minsan may mga bawal na mapapa-bakeet?? ka talaga pero anu bang magagawa mo? alangan namang suwayin mo eh di niyari ka ng nanay mo sa sermon haha. sumunod na lang tayu…eventually, pag nagkapamilya na tayu..amshur, yan din ang ipapaalala natin sa ating mga anak.

    asust!
    :)

  3. hm. pede po magtanong? Ung sinasabi po nilang nilalagyan ng pera ang patay habang nakaburol. ano na po ggwin dun pagkatapos ng libing?

  4. bakit Bawal Maligo sa may bahay ng namatayan

  5. bakit bawal mag-suot ng pulang damit kapag may patay?

  6. bawal daw ang buntis kasi matutulog din daw ang bata sa tiyan, mahihirapan manganak! bawal sapatusan kasi daw pag nagmulto maririnig ang yabag!

  7. halos lahat jan eh ginawa ko :((

  8. bawal talaga tuluan ng luha ang kabaong ng patay. kasi kapag natuluan mo ito. may susunod na mamatay

  9. wag mo na lang sundin mga kalokohan lang yang mga superstitions na yan. sino bang sinusunod mo pag ginawa mo yan? di ba wala naman? duhhh…

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 972 other followers

%d bloggers like this: