ramadan kareem!

ilang araw nalan at pinagdidiwang naman ng mga kapatid nating muslim ang pinakamahalagang buwan para sa kanilang relihiyon at dahil dun eh nais ko silang batiin ng isang masigabong “RAMADAN KAREEM!” ito ang tinuturing nilang isang banal na pagdidiwang sa buhay ng mga kapatid nating muslim san mang dako ng mundo.

ako mismo eh nakasaksi kung gaano sila kaseryoso at kapanalig sa kanilang relihiyon, masasabi kong isang masayang experience sa akin. dahil sa tatlong taon kong pamamalagi upang magbanat ng buto sa gitnang silangan, at ito rin ang tinuturing nilang pinakabanal na lugar para sa mga kapatid nating muslim. dun eh nakita ko kung gaano sila kababait at magshare ng kanilang mga pagkain ahehehe, sarap kaya pag ramadan dun, maraming fud at sangdamakmak na mga tsokolate at higit sa lahat ang kanilang pinagmamalaking dates. whew nakakamiss talaga.

at kung ako eh tatanungin nyo kung ano ang masasabi ko sa kanilang relihiyon, well kahit papaano naman eh nagkaroon ako ng background at may tumangka rin na ako ay sumapi sa kanila, pero dahil sa mga personal na kadahilanan eh napangiti nalang ako at sinabing “Shukran Sadik” meaning salamat kaibigan. wala naman akong masamang masasabi sa mga muslim dahil sa aking pagkakaalam eh ito ang isa sa mga pinakamatandang relihiyon sa balat ng lupa at kung iintindihin inyo eh parahas lang ng paniniwala ang pinagkaiba lamang eh iba ang mga karakter sa kanilang banal na aklat at sa banal na aklat nating mga katoliko.

ang hindi ko lang maintindihan eh kung bakit ang mga iba nating kapatid sa muslim eh naliligaw ng landas? ang aking tinutukoy eh ang mga terorista na ewan ko ba bakit nagagawa nila ang mga karumaldumal na gawain na hindi naman itinuturo sa kanilang banal na aklat. hmp. sabagay parehas din natin meron din naman taung mga kapatid sa pananampalataya na lumalabag sa kautusan ng ating banal na aklat. hay ndi na nga talaga mawawala ang mga tulad nila, ika nga eh sila ang mga karakter na sumusubok sa atin. —may ganun pa talaga! well kahit ano panaman sila eh sa bandang huli ay ang aking dalangin eh magkaisa na taung lahat at magmahalan na lamang, diba masaya naman yon?

kahit ano pa naman ang pinapaniwalaan ng bawat isa sa atin, kung sino man ang pangalan ng ating kinikilalang lumikha sa atin ay sana lang matuto ang bawat isa sa atin na rumespeto at magmahalan. WORLD PEACE na mga kapatid.🙂

muli para sa mga kapatid nating muslim binabati ko kayo na sana maramdaman ninyo ang presensya ni ALAH at ipagdiwang ng mahuwalhati ang banal na ramadan! Radaman Kareem!!!.

P.S.: sana may magbigay sa akin ng masarap na dates, un ang namimiss ko.🙂

3 Tugon

  1. hehehe… maligayang ramadan sa mga kapatid nating muslim… sana po ay makasama rin ako sa susunod na ramadan diyan sa middle east. hehehe!

    wow sana nga makarating ka! enjoy and gudluk!🙂

  2. gustuhin man kita bigyan ng dates fresh from their trees pa eh….malayo ka mashado.🙂

    maaga na naman ang uwian namin yeheey!

    hayyyy nakakamiss….ill be back soon!🙂 asust

  3. naku yung dates awww yung nanliligaw saking arabo binibigyan ako nun hahaha.. pag meron ka penge din na mimiss ko na.. hehe

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: