paalam mercedes

Para sa mga mahal kong MERCEDES TEAM!

Minsan sa hindi inaasahang oras, na hindi man natin talaga inaasahan ay kailangan natin magdesisyon at panindigan samahan mo pa ng tibay ng loob para harapin ang isang malaking disisyon sa iyong buhay at kinakailangan mo na isantabi ang iyong sarili para sa kapakanan ng nakakarami kalakip pa nito na isakripisyo ang pangsariling kapakanan.

Image

siguro nga natodo ko ang lahat at walang tinira para sa sarili, hahay!, ngunit hindi ko ito pinanghinayangan dahil alam ko na may mapupuntahan naman ang lahat ng sinakripisyo ko. Yan ang madalas ko sabihin sa aking mga kaibigan na tinuring ko na ring mga kapatid, “Kung anu ang hinarap ko na mukha sa iyo, ganun din ako sa pagtalikod mo.”

Buhay talaga ang lufet, hahay!, malakas lang talaga ang kapit ko dahil alam ko na hindi ako nag iisa at hindi rin naman ako natatakot na mag isa dahil tanggap ko kung anu man ang mangyari sa huli. ika’ nga, “MAS MAKAPAL, MAS MATIBAY!” hayst, MERCEDES TEAM, aminado ako naging mabilis ang pangyayari at kinailangan na magbago ako ng ruta, cguro sa ngayon ay lumihis ako pero hindi ito pagtalikod sa inyo, kasi naman alam ko sa huli magkrukrus pa rin ang ating mga landas. Pisikal lang ang mawawala, kasi alam ko at sinisigurado ko na nandito kayo sa puso at isip ko dahil ndi ko minsan inisip na walang importansya ang lahat ng ating PINAGSAMAHAN. hayst, uu cguro malungkot sa ngayon pero alam ko makakabangon tayo at muli makipagsapalaran sa malufet na mundong ito, ang saya! Basta always tandaan, lahat ng mga natutunan ko sa inyong lahat ay baon ko at sana kayo rin ay may napulot ni katiting na kaalaman mula sa akin at magamit nyo sa susunod na chapter. Hahahay!

hasyt hangad ko sa finals ay lahat tayo ay makamtan ang inaasam na NIRVANA na Pinapangarap nating lahat. Maging matatag lan tau at kapit lang, maging totoo sa sarili at wag maging makasarili, andyan si BRO, ndi natutulog yun, daig pa ang mga naka-CHINA. sya ang nakakaalam ng lahat lahat. 🙂 Mahal na mahal ko ang Mercedes na ito, minsan nga naisip ko na ito na ang pangarap ko pero ndi pa pala, may next chapter pa. hayst cguro akala nyo na nagpatalo ako, well, ndi inisip ko lan na at narealize ko na ndi sa akin ito. hehehe!

basta, mga repapips mamimiss ko kayo, malungkot talaga pero kailangan muna natin magbago ng ruta dahil ito ang tama para sa ating ikakabuti at wag kalimutan ang “NIRVANA” na ating hangad.

hahahay! hanggang sa muli, salamat sa maikling panahon at tyak ko sa inyo na ndi ko itatapon ang mga alaalang na ating pinagsamahan. SALAMAT MERCEDES TEAM! this is not goodbye and forgeting everything. Tulad ng iiwan ko kataga sa inyo na ito,“Goodbyes are not forever. Goodbyes are not the end. They simply mean I’ll miss you until we meet again.”

Hahahay! Achut.

Image

Pati pato.

Trust takes YEARS to “earn” and SECONDS to “break”. A heart takes SECONDS to “break” and YEARS to “rebuild”.

Kasalanan ko. (hindi ko naman sadya) sa pagkakaalam ko, pero hindi lang pala iyon ganun kadali at paniwalaan. In short na “carried away” ako at hindi ko namamalayan may mga tao na pala ako nasasaktan. Siguro talagang nalunod ako ng husto at totoo nga, nabulag at nagbinge-bingehan ako. Sa una medyo ndi ko pa ramdam ang epekto dahil siguro lango pa ako, uu, (I don’t care pa ang eksena ko!), ayun ndi ko napansin nawala na pala silang lahat, ang mga taong mahalaga sa aking buhay, mga mahal kong kaibigan na inakala ko hanggang huli eh ma-uunderstand nila ako, hindi pala, mali ako, may hangganan pala ang lahat, ika nga NAGSAWA na sila sa kakaintindi sa akin, kamo, kasi naman talagang likas na MATIGAS ang ulo ko at wala ako iniintindi keber kung anu ang kahihinatnan, kung sa larong text, pati pato ang parati ko eksena, (ung tipong wala ng bukas!) Huli na ang lahat, wala na, sa-id na sa-id na ako, nawala ang buong pagkatao ko, buhay ko, cguro pati ang kinabukasan ko (market-market nalang parate, paulet-ulet), Madadapa ngayon, bangon bukas, kinabukasan madadapa naman (ewan, nakakasawa na rin).

Tama talaga inabot ka ng ilang taong bago mo makamtan ang tiwala ng isang kaibigan, pero sigundo lang ang katapat nito, wai (wala) ng lahat ng pinagputahan mo para sa isang kaibigan. Totoo, sobrang nasaktan ako at pilit na iniintindi, pilit na nilulunok, pero ano ending ako pa rin ang mali, hindi man lang nila pinakinggan ang aking mga paliwanag ukol sa mga pinagdadaanan kong landas na ndi naman talaga dapat. Totoo, ang galit ng isang tao ay nakakamatay. Ang GALIT ay ugat ng mga kung ano anong kasamaan na maaring ikadulot ng wagas na pagkasira ng isang pagkatao. Ang hirap. Madali lang talaga manira ng isang pagkatao lalo na kung ang pinaiiral mo sa puso mo ay        puro galit. DEMONYO ka! bakit pa kita pinagkatiwalaan…….

Saan ako pupunta? 

Sino ang aking tatakbuhan?

Kasalanan ko. napagtanto ko sa huli walang ibang taong, kaibigan o kadugo ko ang makakalutas o makakatulong para sa akin, (totoo, hanggang mga salita lang sila, mga advise lan), Sa ending ako lang ang makakatulong at babangon para sa akin. Mahirap. Matatagalan. kailangan ng isang PROSESO para maituwid at maitama ang dapat. Ang masakit lang wala na ung mga taong, itinuring mong kaibigan, kapatid. WALA na. Sa bagay ndi ko sila masisisi, dahil cguro hanggang duon nalan sila,(nagpati-pato na rin sila).

KAKAPAGOD. Pero kailangan bumangon.

Ang DALANGIN ko lang “SANA” mapakinggan nila ako.

WALA. Wala na. WAI NA!

achut.

Image

NANAY is a part of God.N…

NANAY is a part of God.
NANAY is a part of Love.
NANAY is a part of our Strength.
NANAY is a part of our Winning.
NANAY is a part of who direct us to right path to proceed.
I Love my Mother very much…..
Don’t let ur Mother get away from u….
Happy Mother’s Day..

Image

Sa dinami-dami namin pinagsamahan,sinuyong ndi makakalimutan, kulang nalang ay itakwil nya ako, at marahil natanung nya’ na ng ilang milyong beses kung bakit nagkaroon pa sya ng isang tulad ko bilang isang anak nya’, pero ni minsan hindi ko naramdaman na ako’y iniwan nya sa ere, cguro nga totoo talaga ang kasabihang “Hindi matiis ng Ina ang kanyang Anak….” wafak, wagas pero anu ang kapalit nito na binigay ko sa kanya? WALA, KAHIHIYAN, at SAKIT SA ULO ang sunukli ko sa kanya, ending, si mudra ay still there, to love me unconditionally (achut, englishie ito’) walang hinahangad kundi ang mapabuti ako kung nsan man ako ngayon (na ngaun eh nganga’).

Walang salita o pangungusap or kowtasyon ang pagpapahayag ng tama para sa aking Mudra, (henep!) sa totoo lang ako na ata’ ang pinakamaswerteng anak sa mundong earth na ito, dahil bakit keno’ dahil sa Walang hanggang pagmamahal nya sa akin at sa mga kafatid ko. whew! ( mangiyak-ngiyak na) pero anu ba dapat ang gawin ko? kahit naman papaano eh makabawi ako kahit isang porsyento lan’ (how i wishes. daminess!) hahay, kulang pa ang buhay ko,

Mudra, Nanay, Monskie…. IKAW NA, ( no tito boy ikaw na?! hahay) kidding aside, cguro kahit naman dito lang eh makabawi ako sa mga katarantaduhan nagawa ko, sakit sa ulo na binigay ko sa inyo sa loob ng halos tatlong dekada, nais ko lang na malaman nyo na MAHAL NA MAHAL ko kayo, (at alam nyo yan, nd nga lan ako showie, eh ndi ako artista para pangalakdakan sa iba) kuha mo?

Salamas mula sa naghihingalong puso ko, (na pagod na pagod na) pero dahil sa inyo pinipilit ko lumaban at mapatunayan (sana? malapit na!) na may importansya rin ako sa inyo. Alam mo na WALA NG NATIRA sa akin kundi IKAW nalang AT kayo na aking PAMILYA na pilit na umiintindi sa akin. (hayst!)

Maligayang Nanay’s Day, Mudra, Mahal na Mahal kita!!!

Life can be unfair someti…

Life can be unfair sometimes, but that’s no reason to give up on it.

ang pagbabalik…

Ang Pagbabalik…

malapit na!!!

Team Texas: Byers!

Hahay!, Hindi natin man’ lan natin namalayan, sa bilis ng takbo ng oras,  araw… kailangan na nating magpaalam sa isa’t isa. Dalawang taon?! kulang  para sa mga taong tunay na nagbigay ng pagkakataong nakisama ng tunay na  walang hangad na iba para sa pangsariling adhikain. (kilala mo naman kung  san ka!) at Delubyo, para sa mga taong makitid ang pag-iisip na wala ng  inisip kundi ang sarili, in short ang mga PLASTIK. Don’t worry guys, kahit  anu pa man ang nangyari sa maikling panahon natin pagsasama ay may mga  bagay ako napatunayan at natutunan dahil sa inyo at higit sa lahat  pinaunawa nyo sa akin kung papaano maging isang mabuting tao kung hindi  man’ sa inyo baka sa iba. (pwede!) Tamporurot?! Uo, pero lumipas na at  inunawa ko na. Salamas sa memories. Minsan lang naman ay iniisip ko masama  bang maging totoo at buksan mo ang puso mo para makipagkaibigan?  (achut,drama!) Sa huli wala ako pinagsisisihan. This is life.

Ganito ata’ talaga ang buhay, walang katiyakan kung ano ang mangyayari sa  kinabukasan?! Kahit na siguro na naplano o na eh may sablay pa rin.  (depende nalang kung manghuhhula ka! busseeet!) Sa ending kailangan mo  tanggapin kung ano man’ ang kakalabasan. Acceptance is very important para  maging mapayapa ang pagMOVE ON. (gudluk!)
hayst. Malungkot ako dahil magkakahiwalay na tayo, magiging isang alaala na  lamang ang mga masasayang pinagsaahan natin. Masaya, dahil pinagbigyan tayo  ng isang pagkakataon na magkrus ang mga landas natin para sa isang  magandang relasyon bilang magkakaibigan. whew. (seriously kakaiyak!) pero  ganun talaga….
Alam ko naman hindi ito pamamaalam (ndi ako mamamatay, masamang damo to’),  Magkikita pa tayo mga Friendships! Sa takdang Panahon. 🙂

Ito walang halong kaplastikan, Mamimiss ko kayo! Sana wag’ kayo makalimot.  Salamas ng Maraming marami.

Hanggang sa muli Texas Chicken.

 

star.

ang aking isang pangarap…. natupad na..

whew..

achut.

Ang Sakit sa Bangs!

Ang buhay nga naman mapaglaro.

Mahirap sabayan.

Mahirap intindihin.

Mahirap.

Ang Aking Nanay.

Maligayang Kaarawan sa Mahal kong Mudra!

Mahal na Mahal kita!

Ang Pagbabalik….

Akala ko ay ndi na ulet ako makakapagsulat…. dahil wala na akong oras at masyadong kulang na ako sa oras. Naging tutok na ako sa aking trabaho, uu napakahirap isingit marahil itutulog ko nalang… hanggang sa pagkakataong ito naisip ko matagal-tagal na rin ako ndi nakakapagkwentuhan sa mga katropa ko, sau ndi na ako nakakapaglabas ng mga sama ng loob, nakakapagshare ng mga magagandang nangyari sa aking life, well wala naman nabago sa akin ng bonggang bongga, na-iba lang ang setting eto nsa middle east ako, sa bayan ng mga Superstar, sa lupa ng mga ungas na napakayaman sa langis.

Marami na rin akong namiss dito ah, kulang kulang mag-iisang taon na rin ako ndi nanashare, wow ang tagal na pala…

well peps, dont wori IM BACK, meaning I will try na maka-update regurlarly, hehehe mejo na-hook ng husto ako sa FB hahay….

Anu na ba ang mga bago sa inyo mga repa? may mga bago ba? buhay paba ang masiglang blogworld?

kwentuhan nyo naman ako sa mga nangyari? para naman makahabol ako??? bwahahahhaha, meganun.

hayst, buhay nga naman akalain nyo eto ako ngaun nagbabalik….

ang saya!!!!

Achut. (namiss nyo ba un???)