si Pareng Phelps.

dahil sa sobrang in ngayon ang usapang Olympics at tungkol dito ang aking kwento ngayon. at sino ba naman ang hindi nakakaalam ng balitang ito (at kung sino man ang walang alam eh ito kwento ko sa iyo!) (Tae!) ok mabalik tau sa matinong usapan, sino ba ang hindi nakakakilala sa taong ito na mala-dyesabol (eh kasi lalaki, ndo ko alam kung anung tawag sa lalaking taong isda!) ok ang tinutukoy ko ay si Pareng Michael Phelps, taga-USA na run away winner sa lahat ng kanyang kompitisyon at akalain mo ba naman na walong ginto ang nasungkit!? as in napanganga ako sa hanga at dahil dyan eh nabura nya ang world record ni Tito Mark Spitz noong lumaban noong 1972 sa Munich. sya na ngayong ang tinaguriang Greatest Swimmer ever, for the record at dahil dyan tau ang mga buhay na nakasaksi sa pangyayaring iyan! hanep talaga, as in bowawowww!! inggit ako sobra instant celebrity talaga ang Kumpare ko. (may ganun!) kung sa bagay nakilala na rin naman natin sya simula pa nung Sydney, sa Athens at ngayon dun sa Beijing. Astig. FYI lang ulet umabot na sa 16 medals na ang nahakot nya mula sa Olympics, ang sabi nga rin nila eh sya na rin ang grandest of Olympic champions.

hay naku wish ko lang na may talent akong tulad nya! pero hindi dahil sa kasamaang palad eh ndi ako marunong lumangoy! (tae!)

at dumako naman tau sa ating sariling kupunan, hehe wala akong balita sa kanila, pero ndi pa rin ako tumitigil sa pagdarasal na sana eh makasungkit naman sila ng medalya.(wish ko lang!) para matuloy na ang Manila 2070! (Asust!) Gudluk guys!!!!

at kay Pareng Phelps, Mission Accomplished and congrats! (Painon ka naman!) ulok parang maintindihan nya naman ang mga pinagsasabi ko (wish ko lang ulet!) 🙂

oh ayan sana may napulot kayong moral sa entry ko ngayon! ok balik na ako sa lungga ko.

salamas sa cnn.com 🙂