mudra ko.

agafamily1

Mahal Kong Mudra,

Alam ninyo po na mahal na mahal ko kayo. Kulang pa ho ang salitang ito para maparamdam sa inyo kung gaano namin kayo kamahal. Bilib po ako sa inyo, sapagkat kahit ano daming ng ating problema nananatili kayo ilaw sa ating tahanan, hindi kayo sumuko alaalang sa amin. Isa kang dakila para sa amin.

Patawarin ninyo po kami kung minsan hindi kami sa inyo sumusunod hindi dahil sa matigas ang ulo naming mga kakapatid kung dahil ho naiinis kami minsan sa aming sarili sapagkat kulang pa aming kakayahan para matulugan namin kayo sa inyong problema. Lalo na ako dahil alam nyo naman ako ung tinaguriang Pasaway  ng inyong buhay.

Sa tuwing tinatawagan mo ako para lang makinig sa inyong mga hinaing at mga problemang hinaharap at ndi nyo mapigilan ang inyong sarili at kayo eh napapaiyak, ang hindi nyo lang alam na ako ay higit na nasasaktan pero sa kabilang banda eh tinitibayan ko na lamang ang aking loob at sinasadyang hindi ipakita sa inyo na lubos akong nahehurt. alam m un? kung pwede lang na akuin ko na lang ang pasan nyo eh gagawin ko. dahil alam mo na mahal na mahal kita, kayo ni Fudra. dahil alam ko rin na labis labis na ang paghihirap nyo sa akin, sa amin simula pa ng iluuwal mo kami sa mundong ibabaw. pero alam ko na hindi tau papabayan ni bespren GOD at kakayanin natin ito.

Minsan sa aking buhay eh naiisip kong paano isang umaga sa aking paggising eh wala kana? parang ndi ko kakayanin nay, hindi pa ako handa sa ganung eksena, baka bumigay din ako sa mga tagpong iyon. tumutulo na ang aking mga luha at pilit na nilalakasan ang aking loob kapag naiiisip ko ang mga bagay na yan. kaya hangga’t andyan kapa pilit kong gagawin ang aking tungkulin bilang isang mabuting anak (kahit na kadalasan eh problema ang aking ibinibigay sa inyo.) pero alam nyo naman na kung gaano ko sinusubukan na talikuran ang mga hindi makakabuti sa inyo at para sa akin. alam ko naman na ang hanggad nyo lang sa amin eh ang aming magandang kinabukasan.

Alam mo Nay, sa tuwing pinapangaralan mo ako (kahit na minsan eh naiirita ako dahil sa paulet-ulet na litanya) eh akalain nyo ba naman eh namimiss ko rin iyon. dahil ako alam ko sa puso kung gaano mo ako kamahal, kaming magkakapatid.

Sa totoo lang Nay, Ndi ko alam kung paano ko masusuklian ang kabayanihan ninyong nagawa sa aming magkakapatid? wla akong maisip seryoso?! kahit na isang materyal na bagay eh hindi pa sapat, (kahit ilang kilong ginto pa! at alam nyo naman na ndi ko pa carry un!!) pero seryoso po, alam nyo naman ang kaya ko lang ibigay sa inyo ni Fudra ang aking walang katumbas na pagmamahal sa inyo. (walang presyo un pero alam ko na pasok na pasok un sa bonggang bonggang puso nyo!)

hayz, pasensya na kung medyo emo, pero kasi ito po ang aking nararamdaman mula sa aking puso.

Nagpapasalamat ako higit sa lahat dahil kayo ang binigay ni bespren GOD, Salamas po.

Hanggang dito na lang po. Mahal na mahal po kayo higit pa sa aking buhay….

HAPPY MOTHERS DAY MUDRA!!!

mwuahhhhhh…

Nagmamahal,


newsigned2


6 Tugon

  1. Haaaaaaaaaaayyyyyyy Teary Eyes again T.T

    sana lahat ng anak tulad mo.. (sweet)

    at lahat ng nanay, tulad ng mom mo..

    Para sa lahat ng mga ina n’yo

    Hepi MOthers Day😀

    tenk u po!!!! achut.

  2. aw.. ang buti.
    HAPPY MOTHERS’ DAY!!!

    ahehehehe achut.

  3. napadaan lang po ako. naaliw ako sa blog mo.
    keep it up🙂 kudos.

    salamas po!!! achut.

  4. happy mama’s day sa lahat ng mothers out there!

    nice post.🙂

    hmp. salamas po! achut

  5. HAPI MUDRA’S DAY TO ALL!
    ang galing naman ng sulat mo sa yung ina..nakakabagbagdamdamin…
    dama at tumatagos….pag ganito na talaga ang entry di ko mapigilang maluha..
    habang kumakain ng ice cream….hikbi….hikb…hmm ssarap lasang bebelgam!
    mabuhay ka kapatid! CHEERS!

    ahuhuhu. ganyan ko kamahal ang mudra ko! at nilabas ko lang ang aking nararamdaman. achut🙂

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: