Si Santa Mudrakz.

lahat naman ata eh nak-experience na makapagsulat kay Santa. at malamang eh isa kau sa mga nauto ng mga magulang natin. what a word! pero totoo naman eh, pero ilan ba sa inyo na nahuliang tunay na pagkatao ni Santa? at kung anu ano pa palusot ang sinabi sa inyo? how sad naman kung isa ka sa mga batang hindi nahuli si Santa naglalagay ng regalo sa ginawang mong medyas na butas pa🙂. kung babalikan ko ang mga nadanas ko kay Santa eh nakakatuwa talaga. ewan ko ba pero ang alam ko lang nuong mga panahong iyon eh masayang masaya na ako pagsasapit na ang buwan ng Pasko, eh kasi naman nagsisimula na akong magsulat ng mga munti kong kahilingan at ilalagay ko sa ginawa kong bonggang medyas, kulay pula at kung anu ano pang dekorasyon nasama nun at isasabit ko sa hagdanan kalapit ng christmas tree namin. syempre  ako naman eh excited na excited kung anung mangyayari at minsan pa nga eh inaabangan ko pa ang pagdating ni Santa, well sa masamang palad wala akong nakitang Santa at napuyat lang ako ng husto.🙂

socksang mahiwagang medyas…..

kaya simula nun eh hindi na ako nagaksya ng panahon para makita sya, inisip ko nalang at wait ko nalang ang mga regalo nya at ang mga hiniling ko sa kanya. hehehe🙂 ito pa ang siste nuong mga huling taong kong magsulat kay Santa, aba’y natapos na ang pasko eh wala pa rin laman ang medyas ko? hmp. kinalimutan ba ako ni Santa? naging matigas ba ang aking ulo kaya wala akong regalo galing sa kanya? how bad.pero hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa ng mga panahong iyon, kasi sabi pa sa akin ng aking Mudrakz eh marami lang pinuntahan si Santa at medyo malalate lang. Ganun. ako naman eh wait pa rin. (eh kasi wala pa akong kaalam alam nun noh!) well ito na ang eksena, malinao pa sa aking isipan at kung hindi ako magkakamali eh tanghaling tapat un at natutulog ako malapit sa christmas tree, eh naalimpungatan ako dahil sa kalabog, at agad dumilat ang aking mga mata ang aking Mudrakz na may nilalagay sa aking Medyas at may mga regalo pang dala? !!

AGA: Nay, bakit ikaw ang naglalagay nyan?

Mudrakz: ah eh, ipinaabot ni Santa anak…!!!

AGA: bkit po nsan sya?

Mudrakz: ang sabi nya eh hindi na sya makakarating dahil pagod na sya.

AGA: hmmpp.

may ganung eksena pa un. syempre ako wala pang kamuang-muang kaya naniwala naman ako at agad kong binuksan ang mga regalo at tuwang tuwa pa ako dahil lahat ng aking hiniling eh ibigay. kaya ang sabi ko nalang sa aking mudrakz eh…

AGA: Nay pakisabi kay Santa Thank You at Merry Christmas!!

Mudrakz: OO cge sasabihin ko!

etchos! kung alam ko lang nuong mga panahong iyon. hay naku si Mudrakz magaling ding artista eh. “You Know WHat to DO huh?!” hehehe bwiset.

mga ilang taon ko lang napagtanto na si Santa at ang Mudrakz ko eh Iisa. hay naku. nakakatuwa kung iisipin.

hay si Mudrakz talaga all around ang role sa buhay mapasaya lang ang kanyang pamilya.

hay naku mahaba naman ang entry ko dapat magsusulat pa ako kay Santa eh pero bukas nalang ulit. hehehe para masaya.

un lang!

Asust.

aganewnewsign734

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: