perstym ko!!??

isang pangyayari ang hinding-hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko. hiyang hiya ako sa aking sarili dahil hindi ko akalain na mangyayari sa akin ang eksenang ito. akala ko sa isang kwentuhan ko lang maririnig. bwisit talaga. errrr. ika nga nila eh FIRST TYM MO? kulang nalan eh matunaw ako sa kinakatayuan ko nuong mga oras na un, at gusto kong magdisapir dahil hiyang hiya ako. pawis na pawis at hindi alam ang gagawin. gusto kong mag ala INVISIBLE MAN pero hindi pwede baka malaman pa nila ang sekreto kong malupet. etchos.

23303961

eh kasi naman nahuli ako at natikitan ako ng isang enforcer sa Marikina City. at alam mo kung anung kaso ko? ok na sana kunjay walking eh hindi eh. LITTERING. bwiset. dahil sa isang upos ang yosi ko eh nadali ako. hay naku nakakatawa nalang kung iisipin ko ngayong mga oras na ito dahil kung anung kasing tapang ko eh akalain mo bigla akong napipi at walang nasabi. nataranta at tinawagan ko agad ang aking ate dahil na rin wala akong dalang extra pera at wala akong dalang wallet. in short wala rin akong ID na mapakita. sablay ka keka. pagkamalan pa akong nagsisinungaling ng sabihin kong wala akong dalang ID na kahit na anu. eh kasi naman wala akong kabalak balak na umalis at mag gugustuhin ko pang matulog noh. eh dahil narin kasi matsunurin ako eh pumayag na akong pumunta para maghatid ng padala para sa aking mudrak. ang setting eh sa Marikina. ayun sa kasamaang palad ayun nadali ako. ayan at dahil dyan eh malamang natuto na ako at hinding hindi na ako maninigarilyo kung saan-saan.

naka nang ito ang unang makatanggap ako ng TICKET, kamalasan pa eh nahulog pa pag uwi ko sa bahay. gudluk sa akin. dahil hindi ko alam kung papaano ako magbabayad. errrrr

MORAL LESSON: tiisin ang tukso na dulot ng sigarilyo. bwisit…….. at parating magdala ng ID. bwahahahaha🙂

pero infairness sa Marikina ah, mukhang seryoso sila sa mga proyekto nila tulad sa kaso ko. at natutuwa ako dahil makikita mo naman ang resulta. kaya lang ang masama eh ako pa ang nasampulan letche……

asust.

aganewnewsign732

Isang Tugon

  1. alam ko di nakakatawa sa tunay na buhay pero yung kwento mo parang comedy noong unang panahon nina Dolphy.ü

    kunsabagay, saan mo naman itatapon ang upos ng sigarilyo mo kung malayo naman ang basurahan, diba?ü

    ngapala, tuloy ba ang takbo ni BFernando sa 2010?

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: