mr. honesty ’08

ilang linggo na rin ako ndi nakakalabas ng aking lungga, i mean is ung talagang gala sa labas ng lugar namin, ng village, cge pati na rin ng buong lungsod ng pasig. ewan ko lang dahil ndi ko na kasi ang trip ang maglalalabas o gimik man lang dahil cguro nagsawa na rin ako, ika nga nila eh napagdaan ko na ang tagpong iyon. tae! cguro isa na rin dahilan eh wala akong pera. yun din ang isang problema, ako kasi ung tipong tao na hindi nalang lalabas kung walang dalang bala man lang, ayoko rin lumabas na ang nasa aking bulsa eh eksakto lang para pamasahe no way dude! asust! baka makabasag pa ako ng itlog eh wala akong pambayad. nakakahiya lang mas mabuti pang wag nalang umalis ng bahay. praktikal lang ako. tae!

ok mabalik tau sa gusto kong tumbukin, kasi kanina eh niyaya ako ng aking cousin na sumama sa kanya para sa isang kainan, pwede ko na rin sabihing medyo sosyalan ito, pwes ang sa loob looban ko eh sorry i dont like! ang gara dba? pero ndi pa ako sumasagot sa kanya eh sinabayan nya na ulit ako ng yaya, in short nabara ako ang sinabi ko nalan sa kanya eh “Ayaw, wala akong repa, insan! kaw nalang” sabay sabi nya ako na bahala ihihiram kita kay hanna, ito ung isa ko pang pinsan, nabigla nalang ako na ang sabi ko sa kanya eh, “cge, ligo lang ako!” may ganun? mukhang napasubo na ata ako. letche ang sa isip ko at naisip ko eh pwede pa naman umatras kasi wala talaga ako sa mood para sa ganung sosyalan at alam ko rin naman na kakain lang kami dun at un lang. eh kasi ung may birthday po naman kasi ung kamag-anak naming pari sa san sebastian, ung aking alma mater noong kolehiyo ako, ayun natapos na ako maligo lahat lahat at nakapagbihis na ako ng pambahay at sasabihin ko na sa insan ko na kaw nalan dahil wala ako sa mood umalis, nagulat nalang ako ng makita ko ang ate ko at sabi “oh ito pamasahe mo may sobra pa yan!” sabay isip isip ko pwede tsaka alam ko sandali lang naman un kakain lang tapos konting chika chika, hindi na ako kumontra sabay akyat sa kwarto ko at nagbihis ng attire. naka nang! bwiset! ang suma tutal eh natuloy akong umalis kasama ang aking pinsan.

medyo nagsusunget ang langit at gumagabi na kasi, medyo umaambon pa sabi ko nalan letche naman ngayon lang ako makakagala sa labas ng pasig eh ganito pa? ndi naman nagtagal eh nakasakay na kami ng fx papuntang recto manila, napadaan kami sa simbahan ng pasig na parang sobrang busy, biglang naalala ko nalang at naitanong sa aking pinsan na? “Anung araw ba ngayon? bakit parang ang dami ng tao at matrapik din? ang sabi sa akin eh September 8 ngayon birthday ni Mama Mary!!! sabay tingin sa phone ko at sabay sabi naku uu nga!” nakanang talaga kahit petsa eh nakakalimutan ko na, sabay sign of the cross ako.

ilang minuto pa eh may sumakay na mama at nagbayad sa mamang driver, syempre inabot ko naman, sabay sukli at abot sa mama dahil medyo madilim na nga eh alam nyo na may sakit akong pagkaclamsy ayun nahulog ang mga barya sa harapan ko, bwisit naman medyo malabo na rin ang mga mata ko pero wala akong magawa hinanap ko parin at inabot sa mama na may ari ng sukli. nakuha ko naman lahat ng baryang nahulog. noong binibilang na nung mama eh sa isip isip ko bakit ndi mapakali sa kabibilang? sabay kapa ng aking mga paa sa ilalim, ok lang naman kasi nakatsinelas lang ako sa loob loob ko baka isipin nito dinukutan ko pa sya ng barya? tamang hinala naman ako! asust! sabay narinig ko nalang sabi nung mama sa mamang driber, “boss, magkano ba pamasahe mula pasig hanggang quiapo?” sabi ni mamang driber 35 po, naku boss’ sobra sobra ang sukli nyo? bigla kami nagkatinginan ng aking insan at nagkangitian kulang nalang sabihin ko kay manong eh, wow! honest….paburger ka naman…burger, burger..

natutuwa lang ako dahil sa mga panahon ngayon eh meron pa pala tao tulad ko, tae! i mean ung mga taong honest na tulad nung mama, na hindi man lang inisip na angkinin na lang ang sobrang sukli at manahimik sa isang tabi tapos, pero sya eh may magandang kalooban at iniisip ang kapakanan ng iba. bow ako sa ganung mga tao. galing! sabi ko sa isip ko cguro mangyari to sa ibang tao gagawin kaya ang tulad ng ginawa niya? hmmmp.. cguro oo depende sa tao na rin. kaw gagawin mo ba un? asust!🙂

ilang sandali pa eh nakarating na kami sa sosyalan at bwiset lang talaga dahil pagbaba namin sa fx eh sabay bagsak din ng malakas na ulan, shit ang sigaw ko, ang attire ko. ending parang ayoko ko ng tumuloy dahil para kaming basang sisiw at basang basa dahil sa ulan. wala rin kaming dalang payong. letche!!!!

moral lesson: magdala ng payong sa mga panahon ngayon!, para ndi maging basang sisiw. second, maging honest sa lahat ng bagay, sa anu mang oras, pagkakataon, basta ganun. alam ko sa ngayon mahirap na gawin yun o mahirap na makakita ng tao tulad nun, ehem,ehem tulad ko. kaya mo un? tsk.tsk. napaisip ka no? asust!

P.S. happy berday kay Father Garnica of San Sebastian College.! sarap ng fud! ahehehe🙂

2 Tugon

  1. kahanga hanga talaga mga katulad ni manong lalo na sa panahong ngayon..
    importante talaga ang honesty sa love, sa pakikipagkaibigan, sa pamilya, sa trabaho at sa anumang aspeto ng buhay. at importante rin ang payong lalo na kapag tag-ulan😉

    pero bihira nalang kami na tulad nito. ahehehe asust!

  2. yan ang pinoy!! may mga tao pa ring honest sa mundo.🙂 pero bilang lang sa daliri yun aga..

    i know. salamas! mwuah!

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: