ako, at ang pamilya ko.

ndi ko alam kung paano ko isusulat ang aking kwento ngayon dahil medyo personal at iniisip ko kung dapat ba ikwento? usapang pamilya kasi at baka walang makaintindi sa mga pinagsasabi ko. ang akala ko lang noong una ay sa tv ko lang napapanood ang mga kwentong ito o kaya narinig ko na rin ito sa mga ilang kaibigan kong kinukwento sa akin.para akong sinakluban ng langit at lupa at medyo nablangko. ewan ko lang kung may katotohanan ang mga ito. sa ngayon eh tinuturing ko lang itong tsismis na nakakainis.

may kinalaman kasi ito sa akin at sa aking fudraks.

masakit palang malaman na nanggaling pa ito sa mga itinuturing kong mga kaibigan sa trabaho dati. sila pa pala ang sisira sa akin at kung anu ano ang mga masasamang ikinakalat nila tungkol sa akin. ang masakit pa doon eh nalaman pa ng aking mga magulang ang mga masasamang kwento kaugnay sa akin. ang kinasasama ko lang ng loob sa kanila eh wala naman akong ginawa sa kanila na masama? nakipagkaibigan ako sa kanila ng maayos at ng tapat pero sa huli ay ito pa ang igaganti nila sa akin? sa anong kadahilanan? hindi ko naman sila penurwisyo o kung anu pa man. alam ko naman sa aking sarili na hindi ako kailaman naging perpekto pero ginawa kong lahat para maging ok sa kanila. may mga tao palang talagang ganito. mga plastik!. pag nakaharap ay nakangiti sa iyo, at sa pagtalikod mo ay lilibakin ka, at pagtsitsismisan ka?

sana lang eh hindi bumalik sa kanila ang mga pinanggagawa nila. alam kong hindi natutulog si GOD at alam nya ang lahat. nasaktan lang talaga ako sa aking nabalitaan na nanggaling pa sa aking Mudrakz na alam ko na labis niya itong ikinalungkot at syempre ang ending medyo nagalit sa akin, kahit ndi nya sabihin sa akin kung ano ang naging reaksyon nya eh nararamdaman ko na apektuhan sya. pero ano ba ang laban ko sa kanila? wala dahil wala ako dun. hindi ko man lan napagtanggol ang aking sarili. grrrrr…

at nagulat na lamang ako ng marinig kong umiiyak ang aking mudrakz sa telepono dahil nag-away naman daw sila ng aking fudrakz. wala akong nagawa kundi makinig nalang sa mga kwento nya kung anong nangyari. may nalaman daw syang balita tungkol sa aking fudrakz at ito ang naging sanhi ng kanilang ndi magkakaintindihan. habang nakikinig ako sa mga sinasabi nya eh parang kinabahan ako at feeling kong seryoso na ang mudrakz ko, (ndi ko naman sinasabing ndi naging seryoso ang mudrakz ko!) what I mean is this time parang meron ngang nangyayari. alam ko sa isang relasyon eh normal lang ang magselos. ito rin ang aking napatunayan base sa aking pagkakaintindi, Iba talaga pag ang babae ang kinutuban o manghinala man, lalu na sa isang mag-asawa, dahil 90% nito ay may katotohanan, kahit na alam ko na wala pang pormal na pag aaral dito eh naniniwala ako.

natahimik nalang ako ng ilang mga saglit at nag isip-isip? syempre ndi nalang ako nagpahalata na nasasaktan ako at ang masakit pa dito eh kakilala ko pa ang mga sangkot. itinuring ko rin silang mga tunay na kaibigan pero sa huli ay sila pala ang mga anay na sumisira sa aming pamilya. galit ang aking naramdaman at awa para sa aking mudrakz. gusto kong yakapin ng mahigpit si mudrakz para naman maramdaman nya na andito ako.

mga putang ina nila! gaguhin at tarantaduhin na nila ako pero wag lang ang mudrakz at fudrakz ko, dahil gagawin ko ang lahat paipagtanggol ko lamang sila. ito lang ang masasabi ko sa kanila hangga’t ako ay nabubuhay ay hinding-hindi ako makakapayag na may sumira sa aming pamilya. pag usapang pamilya ay talagang seryoso ako. dahil sa pamilya ko ako kumukuha ng lakas para lumaban sa pagsubok ng buhay.!

dalangin ko lang kay GOD ay bigyan nya pa ako ng lakas para ma-overcome ko ang mga pagsubok na ito at sana lang eh magising sa katotohanan ang mga taong walang magawa sa buhay at pahimasmasan sila at malaman nila ang mga pinanggagawa nila sa kapwa nila at sana nga lan eh hindi pa huli ang lahat para pagbago dahil kung hindi alam ko sa aking paniniwala buhay pa lang sila ay sinusunog na ang mga chaka nilang kaluluwa sa hell!

sana tubuan sila ng pigsa sa noo para malaman nila kung gaano sila kasama!

ayun, pasensya na kana sa mga kwento ko pero kasi talagang nakakainis. talaga palang may mga taong malademonyo. galit na galit kasi ako. grrrrrreeerrr…

sana lang pagdadal nyo rin ako at ang pamilya ko.

salamas!

2 Tugon

  1. sige god bless!!! kaya mo yan!!! papatay natin lahat ng tsimosa at tsimoso!

    ipinagdadasal ko nlan sila.

  2. mahirap na talaga magtiwala sa panahon ngayon kasi mahirap makilala kung sino talaga ang mga totoong kaibigan sa mga plastik at manggagamit.

    i just hope everything will be fine to your family.

    tama ka dyan! kaya dont trust anybody!!! salamas!🙂

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: