Bayani Lists Ni Aga

Ngayong buwan na ito ay ginuginita natin ang mga bayani ng ating bayan eh may naisip akong gawin at ito ay kilalanin ang mga Idol kong bayani, at ito po ay ang sariling kong  Bayani Lists ni Aga. ito po ay aking sariling opinyun ko lamang at walang kinalaman ang kahit sino. ang gusto ko lang eh ipakilala sa inyo ang aking toplists at bigyan sila ng isang pagpupugay dahil sa nagawa nilang kabayanihan. (asust!). ok una alamin muna natin ang tunay na kahulugan ng isang bayani,

Hero o Bayani — noun,

– a man of distinguished courage or ability, admired for his brave deeds and noble qualities.

teka pero bakit kalamitan eh ang mga bayani eh patay na? dahil ba ito ang ating kinagisnan? at tila sa mga libro nalang natin sila nakikita? uu tama dahil karamihan sa kanila eh nagbuwis pa ng kanilang sariling buhay para lamang sa ating bayan, pero para sa akin eh hindi naman ito malaking rason para ang isang tao/ o indibidwal na maging bayani, kahit siguro sa simpleng pagkakataon, pangyayari at kung anu ang kanyang ginawang sakripisyo para sa kanyang bayan, kapaligiran at sa kapwa niya. diba dapat din natin silang kilalaning bilang maging mga bayani ng ating buhay. ok ok nagiging makata na ako dito baka sumabog na ang aking ulo sa mga paliwanag na alam ko naman eh alam nyo na.🙂 ndi na ako magpapaligoyligoy pa ito na ang aking mga listahan para sa akin eh Bayani Ni Aga.🙂

Dr. Jose P. Rizal, ok sya ang aking una sa aking listahan, eh siguro naman eh obvious na siya ang unang Bayaning nakilala ko, sa simula’t simula palang eh nakilala ko na sya dahil sa mga nagawa nya sa ating bayan at aaminin ko naging malaking inpluwensya siya sa aking buhay at sa ating lahat. sya nga ang tinaguriang Pambansang Bayani natin. eh naku naman sino ba naman ang hindi nakakakilala sa kanya? tatak na siya ng ating lahi. (asust!) kaya nga naman siya ang aking naging Idol no.1.

Si Benigno “NInoy” Aquino,kahit na hindi ko man sya talagang lubhang nasubaybayan eh nakita ko at naramdaman ko ang mga epektong nagawa nya sa ating bayan. sya ang dahilan kung bakit hanggang sa panahong ito eh nararanasan o tinatamasa natin ang ating kalayaan ng bawat isa. kahit na alam ko eh may mga taong gustong agawin ang ating kalayaan eh naman baka nakakalimutan nila na mulat na ang mga tao lalo na ang mga kabataan. kaya dapat na ingatan at ipaglaban natin ang kanyang sinakripisyo at iginugol para sa bayan at sa atin. bow! (:) )

nasa listahan ko rin ang mga sundalo natin, bakit? ok ganito lang naman ang eksplenasyon dyan, kung titingnan natin eh sila ang mga makabagong bayani sa panahong ito dahil kung titingnan natin eh kahit buhay nila eh tinataya nila parang lotto o jueteng para lang maproteksyonan tau para sa mga masasamang tao na nagnanais na tau eh guluhin. kahit na karamihan sa kanila eh hindi nila alam na pinaglalaruan sila ng ating kasalukuyang pamahalaan (ok ibang topic na un!) pero sana eh wag silang magsawa sa kanilang tungkulin na pangalagaan ang ating bayan. ok! apir!🙂

Para sa mga buhay na bayani, sila ang mga masigasig na mga GURO/Teachers. Sila ang nagbigay at nagturo sa atin kung anu man tau ngayon. sila ang sa simula’t simula na kasama natin para magbigay ng mga tamang aralin. dapat natin silang alalahanin dahil alam ko na buong puso nilabinigay ang lahat ng kanilang nalalaman. natutu taung magbasa, magsulat at magsalita ng wasto dahil sa kanila.  salamat po teacher!🙂

ang aking Pamilya, syempre nasa listahan ko rin sila dahil kung hindi dahil sa kanila eh wala ako ngayon sa aking kinakatayuan. sila ang unang nagbigay sa akin ng tunay na kahulugan ng isang magandang buhay, sila ang una kong naging gabay upang maranasan ang tunay na buhay, nagturo sa akin ng tunay na aral. tunay na sakripisyo na hindi matutumbasan na kahit anung halaga. sila ang aking naging sandalan, kaagapay at inspirasyon. sila ang tunay na Bayani ng aking buhay!🙂 kaya kahit na dito man lan eh mabigyan ko sila ng isang pagpupugay. asust!

itong susunod na ito eh mukhang nakalimutan na natin at kadalasang kinakalimutan. sila lang naman ang mga bayaning nakahimlay na at nilipasan na ng panahon. dapat nating alalahanin na ang bawat isa sa kanila eh may mga kontribusyon para makamit natin kung anu man ang ating tinatamasa sa mga panahong ito. dahil kung hindi sa kanila eh wala tayo sa ating tinatayuan ngayon. remember friend, buhay nila ang pinuhunan nila para sa ating bayan. mabuhay silang lahat!, (teka i mean ndi para bumangon sa libingan, takot ako sa multo!) para alalahanin ang kanilang nagawa. Asust!

at ang pinakahuli sa aking listahan eh  parang isang kathang isip lamang, pero tinuturing ko siyang Bayani. kahit na isang kwento lamang siya at hindi talagang nag exist sa ating mundo. pero kahit anu pa ang sabihin nyo eh Bayani sya sa akin at naging Idol ko to simula pagkabata hanggang sa panahong ito. dahil na siguro sa kanyang mga goals at mga magagandang adhikain para sa kabutihan ng mundo. sya ay si SUPERMAN!!! ahehehehe. magaling kasi talaga sya at gusto kong maging isang tulad nya!🙂 asust! (tae!!

o ayan na nailathala ko na ang listahan ng mga Bayani na para sa akin eh mahalaga at nagkaroon ng malaking epekto sa aking buhay at masasabi ko rin sa ating lahat (kung agree ka! pero kung hindi ok hindi!)🙂 dahil sa kanila nagkaroon tau ng isang wasto na maniniwala dahil sa mga kanilang naging kontribusyon. marami din sa kanila eh nagkaroon ng epekto sa atin. kaya dahil dito eh lubos ko silang pinasasalamatan at binibigyan ng isang masigabong pagpupugay! Idol ko kau!🙂

eh kaw cno ang mga nasa listahan mo? gusto ko naman malaman? share mo wait ko….

6 Tugon

  1. asust.. ikaw ba un batang uguhin na nasa picture na mukhang galit sa fotographer at anytime eh pwede mong batuhan ng uhog hehehehe??? gwaping na bata ah!

    anyways, pareho lang ako ng listahan ng bayani mo sa buhay, bukod kay superman na pawang kathang isip mo lamang hehehehe… empre si Jesus christ ang ipapalit ko kay mr. man of steel!😀

    may point ka! napaisip tuloy ako!!! salamas!🙂 asust

  2. si mama, si papa, si manong, si ading, si inay,..ilan sila sa mga bayani ng buhay ko!

    palakpakan naman dyan!!🙂

  3. Bayani ng buhay ko? pamilya ko… at lahat ng mga taong naging bahagi ng buhay ko. katulad mo at ng lahat ng mga blogger sa earth na bilog po.. ! :O kaya para sabihin ko sayo hindi lahat ng bayani patay may mga bayani pa ring buhay.. pinapatay lang nila dahil ndi sila napapansin… hehehe.. Bayani rin sa akin xympre c Jesus Christ. at isama na rin natin ang aking mga guardian angels… i do believe in them..🙂

    nakakaiyak naman pero tama ka! apir tau~ asust🙂

  4. ang aking hero ay si Jesus Christ! lahat ng kapangyarihan meron sya eh

    i agree po! nakalimutan ko nga sya eh!🙂

  5. Ahmm ako bayani ko si God din kasi sa kanya lahat nanggagaling ang strength ko..

    Sa family ko din and friends.. 😉

    bow!~~~🙂 asust.

  6. Andres Bonifacio, anyone? Hehe, he is prolly the least celebrated hero.. May mga professors sa school namin na ayaw sa kay Rizal as national hero.. Si Andres Bonifacio raw dapat.. Hehe.. Anyhoo, nice list!😀

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: