loser na, sensitive pa?

ewan ko ba kung bakit nitong mga nakaraang araw at hanggang sa mga oras na ito eh medyo SENSITIVE ako sa mga nangyayari sa akin? hindi ko alam pero damang dama ko sa aking sarili hanggang sa umabot na tablahin ko ang mga taong inaakala kong kakampi ko? pero sa totoo lan hindi ko naman ginusto ang mga pangyayari siguro eh masyado lang akong napraning at nadala ng mga walang kakwentakwentang emosyon na un. ang feeling ko lang eh parang walang nakakaintindi sa akin at parang lahat sila eh oposisyon. siguro eh medyo napagod lang ako nitong mga nakaraang araw at hindi ko naman nakiklala ang tunay na ako? (tae!) may ganun pa talaga! kaya kung makakaya kong makapag isa na lamang eh ginagawa ko nalan para wala na akong madamay  o masaktan man lan dahil sa letcheng pangyayaring ito. “uu, tanggap ko na sa sarili ko na minsan sa buhay ko at masasabi ko na ngayon ko lang natanggap na isa akong LOSER!” Loser dahil hinayaan ko na maging ganito ako.(tae ulet!)

hindi ko na maintindihan kahit sarili ko? meron pala talagang ganun stage sa life na kahit sarili mo eh hindi mo marecognized (isang malaking tae na ito) uu seryoso na to, pero buti nalan eh habang sinusulat ko tong entry kong ito eh medyo nahimasmasan na ako at pinagmumunimunihan ang mga nangyari. ang dami kong nasaktan na tao kahit ndi nila  aminin sa akin eh alam ko at ramdam ko na labis silang nasaktan sa mga pangyayaring naganap. kaya ngaun sa pamamagitan nito eh kahit papaano eh nalalabas ko ang aking saloobin at medyo gumagaan ang aking pakiramdam kahit sa konting sandali.(letche ito na ata epekto ng kapapanuod ng mga teleserye sa tv, ang lakas!). isa pa eh nahahalata ko lan eh masyadong napapalakas akong magyosi dahil sa kakaisip ng kung anu ano? naka nang im crazy na ba? ndi pa naman, pero alam ko sa sarili ko na kahit basag ang pula ko eh hindi pa naman ako ganun kalala. (Asust!) —sabay sindi ng yosi!🙂

bwisitbuti nalang nasave!! sabay nagloko pa ang pc ko. letche (tae) pati ata to eh nahawa na! tamad na tamad pa naman akong ulitin kung sakasakali! grrrrrr! (pasensya na kaibigan kung medyo ganito ang inaasal ko sa mga oras na ito alam ko naman ikaw nalang ang maaring makaintindi sa akin!) how i wish.

hay naku cguro eh epekto na rin ito ng walang tulog dahil inaatake naman ako ng insomia ko, kaya siguro ganito ang inaasta ko. sa too lang ah sobra at feeling ko eh lumala dahil kahit sa sobrang liit na bagay eh masyado akong apektado. asust!

anu kaya ipahinga ko lan to? sa paggising ko kaya eh okay na?

4 Tugon

  1. pahinga lang kuya.. beauty rest ka muna ahehe.. saka nakakapangit lalo ang yosi hehehe😉

    okey lang yan.. everything will be okei sabay asust!🙂

    may KUYA pa un? ahehehe. salamas po! asust🙂

  2. ok lang yan pag august talaga medyo emo lahat ng bloggers

    ganun ba un pag August? ahehehehe🙂 asust

  3. ay ganun may month talaga ng ka-emohan? hehe.
    lam mu halos lahat naman ng tao dumadating sa ganyang point sa buhay. go lang. itulog mo o kaya iiyak mo. o kaya i-utot mo na lang. haha.

    uu nga! utot nga lang (tae!) asust salamas sa pagdaan!:)

  4. hehe… ganun nga siguro.. you need to be sensitive para marealize mo kung bakit ka loser;)

    siguro nga!!! asust!🙂

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: