batang batibot ako.

iu mga kaibigan natatandaan nyo pa ba itong kantang ito tuwing umaga?

PAGMULAT NG MATA,
LANGIT NAKATAWA
SA BATIBOT,
SA BATIBOT

eh cno ba naman ang hindi nakakaalam nyan eh ito na ata ang naging bukang bibig ng mga BATANG BATIBOT na tulad ko, ewan ko lan sa iba. (asust may ganun!) naiisip ko lang kasi na ang laki ng epekto nito sa aking pagkabata at marami rin akong napulot sa munting palabas na ito noong mga araw na iyon. kung aalahanin ko pa ung mga araw na iyon eh parating present ako at inaaway ko pa ang tita ko (sya kasi ung nag-aalaga sa akin) sa twing umaga pag ndi niya nilipat sa channel 9. kaw may alala ka pa ba tungkol sa Batibot? ok cge tutulungan kitang alalahanin ang mga eksenang nakakatuwa at sarap balik balikan! (bukod kay jollibee)🙂 isa isahin natin ang mga masasayang alala na ibinigay sa atin na hanggang sa ngaun eh sariwa pa sa aking alala. bwakkk!🙂

“Kami ay kaibigan, kaibigan n’yo Laging handang magpakwela sa inyo “

well cno ba ulet ang makakalimot ng linyang ito? na hanggang sa ngaun eh madalas natin sabihin sa ating mga kaibigan. Una nating nasaksihan ang Batibot noong 1984, ito po ang pinoy counter part ng Sesame Street na sikat na sikat dun sa probinsya ko (AMERICA). –may ganun pa🙂 dun din nating nakilala ang mga pangunahing karakter na sina Pong Pagong at Kiko Matshing! maraming natuwa hindi lang mga bata tulad ko pati na rin ang mga mahaderong matatanda at pagkatapos ng kanilang unang salang sa telibisyon eh maganda naman ang naging resluta nito dahil ito ay naging patok sa panlasa ng mga batang tulad ko noong mga panahon iyon. ika nga eh pasok na pasok sa bonggang bonggang banga!!🙂

“Mga bata sa Batibot, maliksi, masigla “

eh naman sino ba naman ang hindi magiging maliksi at masigla dahil sa mga kwelang kwela nilang palabas. ayos na ayos sa panlasang pinoy. eh teka anu ba ang hilig sabihin ng BATIBOT? alam ko maraming naging hilig sabihin ang salitang ito at ang iba pa sa mga ito eh X-rated ang naging dating. hehehe uu alam ko un at hindi ko na babanggitin. ok mabalik tau sa tunay na kahulugan ng salitang Batibot —> Maliit at Masigasig! yan ang meaning yan ok!

“Alin, alin, alin ang naiba? Sabihin kung alin ang nag-iba! “

at dahil dyan eh dito muna tau unang matuto ng mga bagay bagay, tulad ng bumilang, kumanta, alamin ang mga alpabeto, mga kulay at kung anu ano pa. ito ang naging una nating guro para malaman ang mga bagay na iyan, sa totoo lang nagbigay ito ng isang pambihirang pundasyon para sa pagpasok natin sa paaralan. ang saya saya talaga ng tropang Batibot, simula kina Pong Pagong, Kay Kiko Matshing, sina ate Chena at sino pa ba un? hanggang kina Irma daldal, at ang mga iba pang mga Puppet na lubos nating kinagiliwan.🙂

ilang taong din natin sila nakapiling tuwing umaga, hanggang sa dumating ang hindi natin inaasahan at sila ay mamamaalam na sa ere at sa ayaw man natin sa gusto eh talagang linisan na tau ng tropang ito. sa totoo lang isa ako sa mga nalungkot dahil sa pangyayaring iyon.

sa kabilang banda eh naisip ko nalang na walang pernamente sa mundong ito (tingnan nyo dahil dun eh naisip ko ung mga bagay na iyon)🙂 at kung tatanungin mo ako sa ngayon eh gustong gusto ko pa rin sila mapanuod at makapiling hindi lamang para sa akiin sarili kundi gusto ko rin maranasan ng mga bata ngayon kung ano ang Batibot at sino sino cla. eh kasi naman kung tatanungin mo ngayon ang mga bata eh hindi na nila kilala sila Pong Pagong o si Kiko Matshing.

sana nga minsan eh maisip nilang muling buhayin ang tropang Batibot na lubos na nagpasaya sa atin at hindi lang ito ay matatawag pa nating sariling atin!

hanggang sa muli!!!!!! hay nakakamiss🙂

sana naman eh naalala mo na sila?

5 Tugon

  1. oo naman..paborito ko dyan si lola basyang eh..haaha!

    kewl! astig🙂

  2. in fairness… batang batibot din ako hehehe! at yan ang ringtone ng fone ko ngayon hahahaha! la lang ewan ko ba kung bakit naeenjoy ko yun dati… samantalang kapag napapanood ko sa youtube ngaun eh nakokornihan ako hehehe!

    may ganun pa un! peace!🙂

  3. oo naman! ewan ko kung ilang years old ako non, basta tuwang tuwa ako sa kantang iyan.. wahahaha! peborit ko si sitsiritsit tska si alibangbang.. hahahaha!! asteeeeeeg!!! xP

    sarap balik balikan ang nakaraan!!! asust🙂

  4. hello!
    batang batibot rin ako!
    hihihi! utang na loob ko sa batibot ang lahat-lahat wahahaha!!!

    i agree!🙂

  5. ako din batang batibot…nakuryente pa ako nung bata ako dahil sa pakikipag-unahan sa pinsan kong isaksak ang tv.

    sa batibot ako unang natutong magbasa ng a-b-k-d kaya di ko makakalimutan ang batibot..

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: