call center?

marami-mari na rin ang nakapagsabi sa akin baket daw hindi ko subukan mag-apply sa mga call center. ako sa isang call center? huh? tama ba un? nagbibiro ba sila o nang aasar? eto ang sagot ko sa kanila. “AYOKO at hinding-hindi mangyayari un.” hindi naman sa ndi ko type o kung anu pang dahilan, basta ayoko lan. baket? sabi pa nga nila malaki pa ang income at kung ano ano pang mga incentives at mga bonuses etc. pero ndi pa rin ako kumbinsado. baket? AYOKO Eh! eh baket nga? marunong naman daw ako magsalita ng ingles at nakakaintindi naman daw ako. BWAKANANG! alam ko marunong akong magsalita ng ingles at malamang nakakaintindi ako ng ingles. pero hindi ko talaga gusto eh. kasi nga BULOL ako! ang mga dila ko eh nagsisirko sirko at nagbabakel pa,

alam ko naman ang limitasyon ko, at hinding hindi ko pagpipilitan ang hindi dapat sa akin. pero share ko sa inyo once din me nirefer ng aking Ex-girlfriend na dating nagtratrabaho sa call center, pero hindi ako ang nag apply okay, ayun na nga tinawagan ako sa telephone para sa isang initial interview thru telephone at alam nyo kung ano ang pinagawa sa akin? ewan ko kung matutuwa ako o maaasar sa babaing un, pinabilang nya lang naman ako ng 1 to 10. sa isip isip ko eh okay lang ba to? nakabatak ba sya? o anu? pero syempre ang inyong lingkod eh sumunod sa gusto nya nagbilang ako huwan to ten. asust. ang ending sabi nya eh “Okay Mr. Banks we will call you on or before 6PM today if you pass the initial process?” sabi ko na lang sa kanya eh Tenk u very much and God Bless! at sa isip isip ko ulet eh hindi na ako aasang tawagan nya pa ulet. toink..

alas otso na ng gabi wala pang tumatawag sa akin. hehehehe Asa pa un! syempre ndi, asust, mayamaya eh nag ring ang telepono at ung Ex-GF ko pala tinatanung nya anu raw ang nangyari sa phone interview? sabi ko okay lang at pinabilang nya lang ako ng 1 to 10. sabi ko syempre ako nagbilang din. at ang sabi nya sa akin eh to: ” tungak!, dapat may accent!.” sabi ko, huh? ganun ba un? umiral naman katangahan ko ahehehehe! kailangan daw eh artehan ko ang pagbilang. BWAKANANG! hindi cguro. sabi ko sa kanya okay na ako. tenk you nalan.

kaya un cmula nun eh ndi na ako nagbalak sumubok man lang apply ulet sa call center, at kung makapasa man ako eh baka matuyo ang aking utak, bumaluktot ang aking dila at ang pinakamalalang mangyari sa akin eh MAG-NOSEBLEED me, baka bumaha pa ng dugo sa opisina. asust.

ang sa akin lang eh, alam ko kung saan ako nararapat at kung anu ang aking limitasyon. hinding hindi ako makikisawsaw kung anu man ang in sa ngayon o sa mga susunod na panahon, ang importante sa akin eh kung ako ba ay nararapat dun o makakatulong ba ito sa akin ? at higit sa lahat magiging masaya ba ako? kung ang sagot eh UU! eh aba ako na mismo ang mangunguna, eh kung hindi man aba mananahimik nalan ako.

kaya ang entry ko ngayon eh hadog ko sa mga nagtratrabaho sa mga call center. enjoy!

asust!

4 Tugon

  1. Tama, mahirap gawin ang bagay na ayaw mo. Thanks napadpad lang ako d2.

    salamas sa pagdaan! daan ka ulet! asust🙂

  2. oy grabe yung nosebleed!
    sige wag ka na mag call center!

    may masabi lan ahehehe salamas!🙂

  3. hehehe… kuya sino naman yan kawawang biktima mo sa picture.. add nga pala kita sa blog roll ko..🙂

    isa sya sa mga contract artist ng ungas productions! bwahahahaha🙂

  4. Hello,

    Blogghopping!

    I’m Kevin Paquet from Pinoy Teens Online pinoyteens.net
    Care to link exchange with that blog of mine?^^,)

    Hope you would comment back and that I can know you guys hosted on wordpress.com better.
    Looking forward for a mutual blogging friendship^^,)

    Ingat,
    pinoy teens org CEO

    ps: you may also add my ym: i.believe_`11

    thanks for droppin by….🙂

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: