ang alamat ng tamad.

inaatake naman ako ng aking katamaran ngayon mga panahon na ito, kain, tulog, kain, tulog at syempre yosi. un lan ata ang mga pinanggagawa ko nitong mga panahon na ito, kahit ang pagtambay eh kinakatamaran ko na rin. as in sobrang tamad na tamad ako, masarap pang matulog boung maghapon dahil na rin sa masungit na panahon kaya medyo nag uulan pa. medyo badtrip din ang koneksyon ko sa net dahil madalas ng magloko. ungas! walang magawa, halos araw araw sa ginawa ko eh pareho pareho na lang. medyo nakakabato na. kaya pati ang pagsulat ko sa entry ko ngayon eh may halong katamaran na rin.

wala namang bago sa araw na ito, nanuod ng UAAP sa tv, at hindi ko maiwasang maikumpara sa NCAA na walang ka effort effort ung opening ceremony last week compare sa UAAP kanina. naisip ko tuloy ung mga college days ko na sobrang effort kami nun ngayon wala isang tae, tae… in fairness sa UAAP sobrang effort ang ginawa nila, as in bonggang bongga. nakakatuwa. sobrang nabilib ako lalo na sa host school, ang UP. Ganda un lan!

un pagkatapos nun natulog na ulit ako, pag gising ko tingin agad sa mobile ko kung may mga nagpaparamdam, akalain nyo ni wala man lang nagparamdam, aba nasa tamad mode din sya. pero hindi ako sumuko nung mga oras na iyon, nagforward ako ng isang kowts sa mga friendship ko, nakalipas na ang ilang oras eh wala pa rin nagparamdam. Naka nang! bwisssettt.. mga ilang sandali pa eh nagring ang aking mobile makitakita ko ang litato ng aking mudrakz sa fone ko, mudrakz ko tumatawag….whappakkk, buti pa mudrakz ko hindi nakakalimot mwah! ayon tulad pa rin ng dati sinermunan ako, at magtrabaho na raw ako.hmp. no comment. at nung mga oras daw na yon eh masakit ang kanyang batok, sabi ko baka high blood ka at kumain ka naman sya ng sangkatutak na baboy, sabi nya hindi naman may tampuhan naman daw sila ng aking fudrakz naka nang ulet, LQ sila patay tau dyan. sabi ko magdasal na lang sya at wag na masyadong mag iisip at pagpapansinin si fudrakz. whappakkk…

namiss ko tuloy sila bigla. love you both mwah..mwah.. buti pa sila hindi nakakalimot kahit alam kong sermon ang maririnig ko atleast may effort plangak! teka mamisskol ko nga si mudrakz tanong ko kung okay na sya…

teka lang ah..

4 Tugon

  1. hay, bat kaya ang sarap matulog pag malamig

    hakhak

    elyens

    XXXxx

    —-> masarap kasi asust🙂

  2. haaayyyyzz, nakakamiss ang weder na yan. sarap nga talaga mag-tamad dey, manood, kumain hehe…pero wag lang sasabayan ng brownout hmmpft!

    eh baka naman kapareho mo, tamad dey din yung mga frendship kaya indi nagsiparamdam, buti pa si mudra.🙂

    —–> bwahahahahah! asust🙂

  3. salamat sa pagdaan sa site ko? ilonggo ga rin?

    ——-> walang anu man! nanay ko ilongga! asust🙂

  4. sabi ko kagabi maglilinis ako, tapos kaninang umaga nung nakita kong nakatambak ang mga laruan ng mga little kengkays tapos nasira pa yung isang cabinet namin na naging dahilan para magkalat ang mga lego at CDs bigla akong tinamad. o eto ako ngayon, instead na mag linis nag blog hop!

    ——> yeah ryt katamad talaga! nababaliw na nga ako eh toink… asust!🙂

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: