‘sya ang tatay ko.

“Be kind to thy father, for when thou wert young,
Who loved thee so fondly as he?
He caught the first accents that fell from thy tongue,
And joined in thy innocent glee.”
Margaret Courtney

Dear TATAY,

Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang sulat kong ito para sau, pero cge susubukan ko ang konting talent ko sa pagsulat. bago ang lahat gusto kitang batiin ng isang mainit at masigabong “HAPPY FATHER’S DAY!” gusto ko lang malaman mo na ako’y nagagalak at ikaw ang aking naging tatay sa mundong ito, at taus puso akong nagpapasalamat sa Diyos dahil pinagkalooban niya ako ng isang Responsable, Mapagmahal na Tatay. cguro kulang pa ang mga salita para idescribe ka.

Maraming salamat sa lahat lahat na ipinagkaloob mo at sa mga dadating pa hehehehe joke lang!sa mga materyal na bagay at paggagabay mo sa aming magkakapatid. kahit na kadalasan na ikaw ay nasa malayong lugar upang magtrabaho para sa aming magandang kinabukasan. wala kang katulad tay.

Pasensya na at sorry sa mga pagkakataong nagiging pasaway ako na alam mo naman na talagang matigas ang ulo ko, ungas na ako talaga, pero ikaw ay andyan pa rin sa aking tabi upang unuwain at intindihin sa mga oras na iyon. Natatandaan mo pa ba ung pinaluhod mo ako sa asin? at pinabuhat ng isang banga? dahil sa sobra kong kaungasan noong bata pa ako? tay hindi ko makakalimutan iyon dahil doon marami akong natutunan at nadiskubre kung paano ka magmahal. meron pa tay, eh ung batukan mo ako dahil sa isang katarantaduhan ko? wala ako magawa kundi mapaluha at pinamukha mo sa akin ang aking kamalian.

Hindi man tau madalas magkasama simula sa simula, nauunawaan ko ang lahat tatay! Mahal na Mahal kita. cyempre ako ata ang carbon copy mo no, at wala kang magagawa pagdating sa puntong iyon. pero alam ko na medyo younger ang arrive mo ngayon kesa sa akin. hehehehe asust! ewan ko ba tay iba ang dating mo. ano bang meron ka aber?🙂

Alam ko na minsan eh hindi tau magkasundo sa mga bagay bagay, sa bandang huli eh andyan ka para sabihin sa akin na “cge nak andito lang ako.!” parang hindi ko kayang pantayan ang level mo tay? ni wala pa nga sa kalahate ang kaya ko? ano ba ang sekreto mo ah? asust.

Ito lang tay ang gusto kong malaman mo hinding-hindi kita ipagpapalit kahit kaninong poncho pilato dyan na magpanggap na maging tatay ko! dahil ikaw lang ang nag iisang tatay ko, at kung isang araw na tanungin ako ni friendship ( si GOD) at papiliin ako kung sino ang magiging tatay ko sa next chapter, hindi na ako mag iisip at sasabihin ko agad si RENTORILLO MENDOZA po, sya ang gusto ko!

love you tay and happy father’s day!! mwah.

Isang Tugon

  1. api pader;s day sa daddy mo!

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: